Nagkabalikan sila ni Dani.
It only took 2 phone calls and a sorry to bring her back. Convenient, parang 7-11 lang. Anytime, anywhere, mababalikan mo. Pero sa tuwing magkasama sila ni Dani, naiisip niyang sana si Katrina na lang.
"Uy, nakikinig ka ba?!"
O_O
"Ahh.. sorry, ang ganda mo kasi. Nakaka-distract."
Na-realize niya kung gaano siya ka-gago. Pinaglalaruan niya ang feelings ni Dani. He felt sorry for this girl. Wala itong ibang masamang nagawa kundi ang mahalin siya. Patago rin ang relasyon nilang dalawa, pero pinaglaban siya nito, hindi tulad ni Kat.
"Hmmm... and you don't look so bad either..."
Binaybay ni Dani ang space sa gitna nilang dalawa, then she kissed his cheek. Fast learner ka naman Kiko, sabi niya sa sarili niya. Matututunan mo ring mahalin si Dani, at kung hindi man, marami pang iba.
"Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo, Katrina!?"
Bakas ni Kat sa boses ng kanyang Mommy Konie ang nakatagong inis sa kanya nito kahit nakangiti ito sa kanya. Constancia is her aunt, kapatid ng Mama Klaire niya, at ito na rin halos ang nagpalaki sa kanya. Alam ni Mommy Konie ang lahat ng ginagawa ni Kat, dahil na rin sa sobrang pagiging over-protective nito. At that moment, hiniling ni Kat na sana kainin na lang siya ng lupa
"M-mom.."
"Look at Sky, Katrina..."
Itinuro nito si Sky sa sala na nag-uunload ng balikbayan boxes kasama ng kapatid niyang si Kiara at ng kanyang ina. As usual, lagi itong nakangiti. She always felt at home with Sky, unlike the feelings she has for Kiko.
Literal na tumatakbo ang tibok ng puso niya kapag kasama niya si Kiko. Hindi sila laging masaya, most of the time, nag-aaway sila. Pinag-aawayan nila kung Glade ba o Ambi Pur ang is-spray sa pusa na na-dissect nila. Pinag-aawayan nila kung ano ang kakainin nila sa tuwing lalabas sila, tapos ang ending, sa bahay pa rin niya, dahil siya na lang ang magluluto. Nagtatalo sila kung sino ang magcha-champion sa NBA. Hindi niya gusto ang PDA, hindi niya gusto na sunduin siya nito, hindi niya gusto na nagtetext ito ng good night kahit alas dose na...
But he insists.
Ngayon lang si Kiko hindi kumontra, and that scared her.
"Katrina, kilala natin si Sky. Kilala natin ang pamilya nila. Maibibigay niya ang lahat sayo. Anything! Maisasalba ka niya sa brand mo sa Davao as a love child. Mabibigyan ka niya ng masayang pamilya- kumpleto at masagana hindi tulad ni Francisco..."
"Maaa!"
"What?! Don't put that tone on me!"
"Don't call him his first name! Ang panget!"
***
"Wow! That was great!"-Dani
Hindi pa rin makapaniwala si Kiko sa nalaman niya. This shouldn't matter, hindi dapat issue kung hindi na siya ang nakauna kay Dani, pero apektado pa rin siya. Dani rested her head on his chest, but he refused to cuddle.
"Uhm, kelangan ko nang umuwi, Dani. Finals na next week, hindi pa rin ako nag-aaral."
"Oh, come on, Kiko. We both know hindi mo na kelangang mag-review dahil exempted ka na. And besides, don't you want to stay?"
Dani batted her eyelashes and tapped the empty space beside her, pero pinagpatuloy ni Kiko ang pagbihis. He didn't even had the opportunity to reach the climax, because he kept on thinking about Kat and the night when they made love.
He heard Dani's voice screaming his name, but he headed out. Sakto naman, na parang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana, nakasalubong niya si Katrina who still looks perfect on his eyes kahit na naka-pajamas ito at kahit pa kasama nito si Sky.
"Hey..."
"Hi..."
Ganun lang. Tinalikuran na siya nito tulad ng pagtalikod nito sa kanya doon sa lobby. He didn't know why he still joined them on the elevator but he still did.
"Kiko, anong floor?"
"Psh. Alam mo kung anong floor, Kat."
Kat smiled at Kiko sarcastically then at his boyfriend. She held Sky's hand and stood by his side.
"You know Kiko, right? He's a really good friend."
"Yeah, naikuwento mo na siya sakin. Thank you sa paghatid at pagsundo sa girlfriend ko pare..."
Magsasalita na sana si Kiko when Kat started talking.
"Oh, wala yun sa kanya. That's what friends are for. Kiko oh, 14th na."
Lagpas ulo na ang galit at selos na nararamdaman ni Kiko, so he thought of the most perfect revenge he could do.
"Ay, nga pala Kat, naiwan mo yung underwear mo sa unit ko. Kelan mo kukunin?"
Hindi pa natatapos magsalita si Kiko, nagmadali nang pindutin ni Kat ang close button.
BINABASA MO ANG
Just For Tonight
Romance"And in the end, we are all just humans. Drunk on the idea that love, only love can heal our brokenness..."