CHAPTER 7

54 0 1
                                    

Malakas ang kabog ng dibdib ko ng makarating ako sa harap niya. Nakayukod ako dahil naiilang din naman ako sa klase ng tingin na binibigay niya.

simpleng bodycon dress lang ang sinuot ko na kulay white. Mahilig talaga akong magsuot ng mga fitted kahit noon pa, mas naffeel ko kasi ang confidence ko. Hindi naman ganon ka-sexy ang katawan ko pero may hubog ito.

May pahati effect pa ang suot ko kaya naman nadadama ko ang lamig ng simoy ng hangin sa hita ko.

Matamis na ngiti ang iginawad ko rito ng makalapit ako sa kaniya.

"Hi! Sorry natagalan," nakita ko ang paghagod ng kaniyang tingin sa kabuoan ko at pagkatapos ay bumalik din sa aking mga mata ang tingin.


Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pangit ba?" Pabiro kong tanong.

Tila nagmamadaling umiling ito. "Hindi, bagay sayo... Ang ganda mo," my eyes widened and my face immediately turn into crimson because of what he said. Ayokong ipahalatang binibigyan ko ng malisya ang sinabi niya kaya niyaya ko na itong umalis.

Kahit nakasakay na kami, iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko. Ikaw ba naman sabihan ng maganda ng crush mo, sige nga?! Gosh, ano ba naman 'to, para namang patay na patay ako sa kaniya.

Sa kanila gaganapin iyong sinasabi niyang handaan kaya meaning makakapunta ako sa kanila at makikilala ko sila tita! Shocks, dapat maging maingat ako para makuha ko ang boto ng buong angkan niya.

Habang nagdedelulu ako sa tabi, dumadami na pala ang pasahero kaya naman sumisikip na. Nasa may kaliwang side ko nakaupo si Miguel at nasa side siya kung saan wala ng makakaupo.

Dahil nga sa may hati ang kanang part ng dress na suot ko, bagsak ito at nalalantad ang hita ko. Hindi ko alam kung may nakikita bang space si kuya na hindi namin makita-kita dahil talagang naatim pa niyang magtawag ng pasahero. Para na kaming sardinas na lagay na 'to!

Nang tumigil pa ang jeep may biglang binulong sa akin si Miguel.

"Palit tayo." Hindi na ako nakaangal dahil tumayo na siya agad para makipag palit. Ang lagay ay nandoon na ako sa side na wala ng makakaupo.

May bumabang isa tapos may sumakay sa apat. Ang galing! Baka kaya pa 'to sa bubong kuya?

Kung minamalas nga naman talaga kami, dumaan si kuya sa shortcut dahil traffic na sa oras na 'to. Makipot ang daan at ang iba ay lubak-lubak pa at maraming masisikip na likuan dahilan para magkabanggaan ang mga pasahero.

Halos hindi ako makahinga sa sobrang dikit ng katawan namin ni Miguel. Alam kong kanina pa niya sinisikap na huwag akong siksikin pero dahil sa mga nang-uusog sa kaniya ay wala na rin siyang magawa.

Nang biglang lumiko ulit si kuya nawalan ng balanse ang lahat, dahil nasa pinaka dulo ako kaya madali sa akin na may mahawakan pero syempre salungat iyon sa kanila.

Nanlaki ang mata ko ng hindi sinasadyang napakapit si Miguel sa hita ko na saktong nakalantad! Narinig ko pa ang matigas na pagmumura niya. Para naman siyang napapasong tinanggal ang kamay.

Mabilis itong lumapit sa akin at bumulong. "Okay ka lang? Sorry,"

Tumango na lamang ako.

Masyadong maginoo naman 'to, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kaniya. Kapag talaga ako hindi mo sinalo, kakatayin kita.

Ang buong akala ko ay matatapos na ron ang lahat pero isang malaking false pala! Paano, ilang beses naulit ang ganong senaryo kung saan mawawalan ng balanse si Miguel at mapapahawak siya sa hita ko, kung hindi naman sa hita masusubsob naman siya.

Hindi ko na nga alam kung matatawa na lang ako dahil bawat nangyayaring ganon may maririnig akong malutong na mura sa kaniya.

Nahihiya ako nung una pero nawala rin dahil sa itsura ni Miguel, pulang-pula na ang mukha niya pagbaba namin!

Natatawa na lang tuloy ako dahil mas affected pa  siya sa 'kin! Pinilit kong walisin ang nangyari kanina pero hanggang sa malapit na kami sa kanila hindi pa rin siya nakakapagsalita.

"Huy, ano na nangyari sayo beh?" Undyo ko rito.

Nahilot ito sa batok niya na parang stress na stress na talaga siya. Dinaig pa babae ha.

"Wala, 'wag mo na lang akong pansinin,"

"Hala siya, yung sa jeep ba? Gagi ka okay lang 'yon!" Ayan ha, may assurance ka na.

Imbis yata na gumaan ang pakiramdam niya dahil sa sinabi ko mas lalo lang yatang lumala dahil mas lalo siyang hindi mapakali at namula.

Problema ba nito?

"Anong ayos ang pinagsasabi mo," anas niya.

"Yung nangyari sa jeep! Okay lang 'yon kasi hindi mo naman sinasadya saka ano, ikaw naman 'yon e," bigla itong lumingon nang marinig ang huling sinabi ko.

Medyo pinagpapawisan siya at namumula pa ng bahagya ang mukha habang ang mga mata niya ay tulad pa rin ng dati, kahit na tinitingnan lang ako nito parang tumatagos sa akin ang init nito.

Nag-iwas din naman siya ng tingin. Hindi ko na siya ulit kinulit pa dahil mukhang pinapakalma niya ang sarili. Nakarating kami sa kanila ng hindi nagsasalita, malayo pa lang naririnig ko na ang mga boses ng mga tao.

Kakaunti pa lang ang nandoon kaya dumiretso kami sa loob, niyaya ako ni Miguel na sa sala muna ako. Nagluluto pa kasi sila kaya medyl magulo pa.

"Magandang hapon po!" Masaya akong bumati. Nandoon ang mama ni Miguel na napaka ganda at medyo hawig niya. Siguto ang papa niya ang kamukha niya? Mabait ang mama ni Miguel, mahinahon ang boses ganoon din ang paggalaw.

Nakilala ko rin sa loob ang dalawang nakakabatang kapatid ni Miguel, dalawang babae. Ang isa at grade 8 na habang elementary pa ang bunso nila. Mas kahawig ng mama niya ang mga babaeng kapatid nito.

"Ayos ka lang ba rito? Napaaga yata tayo e," saad ni Migs.

"Okay lang, mas magulo pa nga samin kahit walang handaan," biro ko.

"Okay ka lang talaga?"

"Oo nga, saka bakit ba pinagpapawisan ka pa rin?" Tanong ko sa kaniya.

"Magpapalit lang ako, ayos ka lang ba rito o gusto mo sa taas?" Kuhang-kuha talaga ako ng lalaking 'to. Naaaliw ako sa kaniya dahil asikasong-asikaso niya ako at kahit nasa bahay na nila ako ayaw pa rin niya akong iwan.

"Saang taas? Magpapasama ka magpalit?" Maloka kong tanong kaya naman nanlaki agad ang mga mata nito.

He looked away, tinakpan pa ng palad ang kaniyang bibig at mahinang nagreklamo.

"Stop, kung ano-ano ang sinasabi mo," nahihiyang anas nito na ikinatawa ko lang.

Loving him was red (Young love series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon