Chapter 29

13 3 0
                                    

"May nahanap na akong bote!"

Mabilis kong nilayo ang mukha kay Sensei bago sinundot sundot ulit yung bonfire. Si Sensei naman ay umayos na ng upo.

Hindi mapigilan ng balahibo ko na wag magtaasan sa tuwing naalala kong tinawag niya akong baby kanina! Ano nga ulit?! "No one say no to me, baby?!" ULOL KASUKA!

KADIRI GAGO!

BABY AMP!

CORNY!!

ANO AKO BATA?!

ANG CRINGE!

Para akong maduduwak na ewan dito sa tabi. Kung ibang babae ang sinabihan niya nun malamang mahihimatay na yun sa kilig at tuwa.

PERO HINDI AKO SILA! AS AN AROMANTIC PERSON, THIS IS REALLY HARD TO TAKE AND PROCESS!

Yung feeling na straight ka tapos nag confess sayo yung kapwa mo babae. Gano'n yung feeling!

Siniko ako ni Ethan bago umupo sa may tabi ni Sensei. "Mukha kang tanga," komento niya.

Sinamaan ko lang siya nang tingin dahil parang mahihimatay na talaga ako. Wala na akong energy para patulan pa ang mga katangahan niya.

Dumating na rin sina Kiana at Avery.

Tumabi sa akin si Kiana. Sinilip niya ang mukha ko. "Okay ka lang? Para kang natatae." puna rin nito sa akin.

Tumango ako at pilit na ngumiti. "Okay lang... napasobra lang ata sa marshmallow." pagrarason ko pa.

Mukha namang bumenta sa kanya.

"Oh ano game na!" excited na wika ni Kiana.

Pinaikot na nga ni Ethan ang bote ay saktong kay Avery tumapat. Napapalakpak sila sa tuwa.

"Ako magtatanong!" taas kamay na saad ni Ethan.

"Ayusin mo ha!" pinanlakihan siya ng mata ni Avery.

"Truth or dare?" nakangising tanong ni Ethan.

Hinimas himas ni Avery ang baba niya bago tumango. "Sige truth na lang."

Bumungisngis si Ethan. Mukhang alam ko na ang itatanong niya. "Anong ingredients ng gayuma na pina-inom mo kay Foster?!"

Sabi na eh. Tagal na rin kinukulit ni Ethan si Avery tungkol sa bagay na yun. Ayaw niya talaga maniwala na nadaan ni Avery si Foster sa ganda.

Kiana and Avery groaned.

"Ayaw sadya tumigil oh!" ismid ni Kiana. "Inaksaya mo yung tanong!"

Pinanlakihan siya ng mata ni Ethan. "Oh ano ba dapat ang itanong ko?!"

"Kung nag jugjugan na sila!" simpleng sagot ni Kiana.

Binato naman siya ni Avery ng chichirya sa mukha. "Virgin pa ako parang si Mama Mary!"

Mahina akong napatawa sa kanila.

"Edi very good!"

Si Avery naman ang nagpaikot ng bote at tumapat yun kay Kiana.

"Dare ako! Duwag lang nagt-truth!" matapang saad ni Kiana habang naka chin up.

Ngumisi nang nakakaloko si Avery. "Ge ha, sabi mo iyan!" paninigurado nito. "Tawagan mo si Luhen, sabihin mo "Luhen sana makiss." pabebeng saad nito.

Napatawa naman ako.

Biglang lumobo ang pisngi ni Kiana. "Truth na lang pala."

Napahiyaw si Avery at Ethan.

The Aromantic GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon