Chapter 49: Grudge

20.8K 539 51
                                    

Brown-Eyed Queen

Chapter 49: Grudge

--


Vera's POV


"Bring them here." utos ko sa isa sa mga tauhan ko. Naririto na ang gangmate ni Sena at maging siya bitbit ang apat.


"Vera not my son! Not them! Ako ang pumatay kay Veronica kaya ako na lang patayin mo!" bulyaw ni Damon. Alam niyang sila na yung tinutukoy ko. Sorry not sorry but I already planned everything from the start.


Everyone who were behind my mother's death must face the same consequence.


***


JD's POV


Ano ba 'tong pakiramdam na 'to? Argh shit ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak!


Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko. Medyo nanlalabo pa pero hindi rin nagtagal at agad ding luminaw paningin ko. Ang bigat ng ulo ko. Hihilutin ko pa sana yung sentido ko dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko nang may tunog ng kumakalansing na bakal at parang pumipigil sa kamay ko. Nagising ang diwa ko dahil dun. Teka bakit nakakadena ako?!


Agad na hinanap ng mga mata ko sila Tyrone, Warren at Axel. Nakita ko silang nakakadena din. Hindi ko maiwasang magtaka dahil sa kinalalagyan namin ngayon. Teka nasaan ba kami?


Teka nga..


Saglit kong inalala yung mga nangyari. Ang natatandaan ko ay may mga narinig kaming putok ng baril kasunod nun may humagis sa bintana na bagay at naglabas yun ng napakaraming usok. Yun na lang ang naaalala ko dahil hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil sa epekto sa amin ng usok na yun.


"May hindi tama rito." sabi ko sa kanila. Nagsitinginan naman silang tatlo sa akin.


"Posibleng pinasok tayo ng mga kalaban kanina." sabi naman ni Axel. May punto siya pero sino namang 'kalaban' yun? Nanahimik na ang gang namin. "May ideya ka ba ha, Tyrone?"


"Honestly, I have no idea." sagot ni Tyrone sa amin.


"Or someone still holding a grudge against us." sabi naman ni Warren.


Sa saglit na usapan namin, napahinto kami sa ingay na narinig namin at mabilis na lumipad ang tingin namin sa pinto dahil sa biglang pagbukas nito.


Sila?!


Anak ng! Ano na naman kailangan sa amin ng mga ungas na to?!


"Oh gising na pala 'tong mga 'to." sabi ni--kung hindi ako nagkakamali, si Red yun. At kasunod niya ang mga miyembro ng gang nila. Nakakairita talaga ang pagmumukha nila kahit kailan.


Pero mas lalo kaming nagulat sa huling pumasok.


BROWN EYED QUEENWhere stories live. Discover now