CHAPTER 13
Dumaan ang maraming araw ay padalas ng padalas ang aking nararamdaman sa tuwing malapit at magkadikit ang aming balat. Mula sa dati na walang karea-reaksyon ang aking katawan at puso, hanggang sa tuwing makita ko palang ang kaniyang anino ay titibok na agad nang mabilis ang aking dibdib. Hanggang ngayon ay binabaliwala ko ito at laging pilit iniisip na hindi pa ito ang oras na intindihin at pagtuonan ng pansin ang mga ganitong bagay.
Buryong buryo akong nakikinig sa guro namin sa subject na math, pilit ko man ituon ang buong pokus ko at atensyon sa kaniyang sinasabe ngunit paano ko magagawa yun kung katabi ko ang lalaking dating gigil na gigil sa akin at galit na galit na ngayon ay dikit ng dikit at buntot ng buntot sa akin sa kung saan man ako pumunta at mapadpad. Nakaakbay o namamahinga ang kaniyang kamay sa sandalan ng aking upuan at ang hinlalaki niyang daliri ay hinahaplos ang ang balikat.
Paano ako makakapag pokus sa mga bagay na kailangan kong unahin kung ganito lagi ang lalaking ito. Sunod ng sunod na animo'y wala ng sariling buhay at ibang pinagkaka abalahan. Wala na bang importanteng bagay siya na kailangan niyang gawin. Hindi rin ba siya napapagod kakasunod sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at pilit nalang dedmahin ang kaniyang ginagawa kahit pa grabe na ang tibok ng puso ko at iba narin ang nararamdaman ko lalo na't sa aking batok.
"Ano gusto mong kainin mamayang recess natin, Babear?" Biglang tanong ni Kristian sa akin. Medyo nagulat ako at mas lalong kinabahan dahil sa bigla niyang pagsasalita.
Please lang manahimik ka muna, patahimikin mo muna ako kahit isang araw lang jusko naman. At... At ano ang tinawag niya sa akin? Ba-bear? So, mukhang hayop na ako sa kaniyang paningin. Okray! Simula sa Aries napunta sa Jade tapos ngayon sa Bear naman? Ano susunod nito?
Nilingon ko siya para lang maabutan ang mga mata niyang maamo at naghihintay sa aking isasagot. Ngumuso ako at sinimangutan siya bilang isang sagot na siya naman na ikina ngisi niya. Anong nakakaaliw? Bwisit talaga itong lalaki nato.
"Bakit ganiyan mukha mo, Babear? Ang cute pota. Tinatanong lang kita kung ano gusto mo kainin? Bigla bigla ka naman nagpapacute"
"Ano tawag mo sa akin? Babear? Mukha naba akong hayop sa paningin mo?" Naasar kong tanong sa kaniya na ikinatawa niya ng mahina.
Mas lalo akong naasar at nayamot sa kaniya kaya ang ginawa ko ay hindi niya inaasahan. Kinurot ko ang pisngi niya ng sobrang lakas saka ko siya inirapan at ibinalik ang aking tingin sa harap. Shuta siya!
Hindi ko na nga makalma ang aking sarili tapos ganto pa siya. Ano naba ang nangyayari sa akin! Dati, kaya ko siya pinayagan sa panliligaw eh dahil sa confident ako na hindi ako magkakagusto sa kaniya kase sobra kong gusto si Jin at labis din ang aking pagseseryoso sa aking goal sa buhay at lalo na sa pangarap kong magandang buhay para kay nanay. Seryoso parin naman ako sa goal ko ngunit sa ginagawa ni Kristian ay tila ako hinahatak papunta sa kaniya. Tila siya isa sa mga direksyon sa dulo ng isang daan, ang isang direksyon ay patungo sa pangarap ko at ang isa naman ay papunta sa kaniya. Ano bang ang nasa dulo ng landas papunta sa kaniya. Ha?
BINABASA MO ANG
Whispers of Breathless Love - GTD#1 (Under Editing)
RomanceGood Trans Diary #1 TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY Aries Jade Pereze X Kristian Pein Corpuz Ari has always been a silent type of person, she only talk, vent or tell a story to her friends, Joy. She was a typical transgender who experience being bu...