Naalimpungatan ako ng may marinig akong mga kaluskos.
Halos atakihin ako sa puso ng bumungad sakin ang muka ng lalakeng to.Sobrang lapit at ramdam kona ang hangin na nang gagaling sa bibig nya.
"Wag kang gagawa ng ingay."bulong nya.Para bang may tinataguan sya.
Madilim at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin.
Sinenyasan nya ako na gumilid sa malaking ugat.Isiniksik ko naman ang sarili ko dito.
"Anong nangyayari?."halos bulong kong tanong.
Magkatabi lang kami at pawang pinag sisiksikan ang mga sarili sa malaking ugat.
Siniko nya naman ako at tiningnan ng masama."Sabi ng manahimik ka."pasigaw nyang sagot pero mahina.
Napatingin naman ako sa di kalayuan at may nakitang naglalakad. Pero hindi ko ito gaanong maaninang.
May iba pabang tao dito?
Papunta sa direksyon namin ang naglalakad.Kinapitan naman ako ng lalakeng to sa braso kaya napatingin ako sa kanya.
Nag sign sya na tumahimik ako.May inilabas sya sa bag na parang kumot at mabilis na itinaklob ito sa aming dalawa.Ano bang nangyayari?
Kulay itim na kumot ito at may kabigatan.Napatingin ako sa harap namin at narealize na nakikita namin ang nasa labas.
Para kaming walang suot na kumot dahil malinaw kong nakikita ang labas.
Napahawak ako sa kanya ng maaninagan ng liwanag ng buwan ang papalapit na inaakala kong tao.
Isa palang halimaw.Malaki at parang sanga ng puno ang katawan nito.May maliit din itong sungay at halos itim at brown ang katawan nito na naghahalo ang kulay.
Pumikit nalang ako,para bang iniisip na pag mulat ko ay wala na ito.
"Dito kalang."napamulat naman ako ng sabihin nya.
"Teka?Saan ka pupunta.?"Hindi nya ako pwedeng iwan dito!
Baka gawin akong food ng halimaw na iyon!
Para namang napipikon ang muka nya.
"Dito kalang.Makinig ka sakin."
Akmang aalisin nya ang ang kumot sa kanya ng hawakan ko sya sa braso.
"Ano nanaman?"alburoto nya
"M-mag-iingat ka."Halos maiyak na ako ng sabihin yon.
Inisnaban nya lang ako at mabilis na umalis.
Pinapanuod ko ang galaw nya.Gumagapang sya palapit sa halimaw.
Jusqo!mag ingat kang lalake ka!
Hindi ka pwede mamatay!Mamatay ako dito pag napahamak ka!Kailangan mopa akong iuwi samin!Napasampal ako sa muka ko ng makagawa sya ng ingay.Naapakan nya ang tuyong sanga!Antanga naman!
Sigaw ko sa isip ko.
Luminga-linga ang halimaw.
May kinuha naman sya sa bulsa nya.Isang patalim.Nakagat ko ang labi ko ng makita sya ng halimaw.Nalintikan na!
Nagpambuno silang dalawa.Jusqo!ang laki pa naman ng kalaban nya!
Sinakayan nya ito sa likod at pilit na sinasakal.Nasaksak nya ito pero parang balewala lang dahil sa kapal ng katawan nito.
Napatayo ako ng magawa syang iitsa nito sa isang puno.Tumama ang likod nya at napahawak dito.Patay na.
Bulong ko sa isip ko.Nalaglag ang kumot dahil sa pagtayo ko.Napatingin ako sa binti ko at napansing parang nawala ito.Ito nalang ang natatabunan ng kumot.
YOU ARE READING
Our Time
RandomI'm Kyel I was a time traveler, but then...she came, I got stuck in her time. And I don't want to leave anymore