"Magandang umaga ho tita Dina!" Nakangiting bati ni Nora mula sa labas ng gate. Nagkakanda-haba ang leeg nito na tila may hinahanap.
"Magandang umaga din sayo hija." Aniya na itinigil ang pagdidilig ng halaman at nakangiti ding hinarap si Nora.
"Si Adonis po tita?"
"Nasa palengke, kasama ni Anton. Bakit?" Kunot-noong tanong ng Ginang.
"BAKIT? ANONG KAYLANGAN MO SA MY LOVE KO?" Mataray na tanong ni Cassandra buhat sa veranda.
Nakatikwas ang isang kilay nito na naglakad papunta sa kinaroroonan ni Nora.
"Sayang tita!..sana nakisabay nako kanina kung alam ko lang na papunta sila ng palengke." Anitong binalewala ang presensya ni Cassandra.
"Alam mo Nora, tigil-tigilan mo ang paglapit sa asawa ko." Naniningkit ang mga matang aniya.
Tumingin si Nora sa kanya. "Alam mo babae, hindi ako naniniwalang asawa mo sya. Dahil wala kayong suot na sing-sing!" Anitong ngumisi pa ng nakakaloko.
"Talaga?! Yan lang ba ang basehan mo?..paano kung may maipakita ako sayong papel na katunayang kasal nga kami?! Titigilan mo na ba si Adonis ha?!" Sunod-sunod na tanong nya na mahigpit na nakahawak sa bakal na gate.
Kung may super powers lang sya, bubunutin nya itong gate at isasaklang sa talipandas na ito.
Biglang natahimik si Nora at pagkuway....
"Magpapasama lang naman sana ak----"
"Pwes! Hindi sa asawa ko!...asawa ko sya! Hindi naman siguro mahina ang utak mo para hindi iyon maintindihan diba?... Alam mo naman siguro kung saan ka lulugar? Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko o gusto mo pang ipaliwanag ko sayo?!..."
"Ahm...mga hija, makasingit na nga sa inyo ano..." Ani Dina na nakangiwi.
"Tita magpapasama lang naman po sana ako. Mukhang sya po ang hindi nakakaintindi..." Dinahan-dahan pa nito ang pagkakasabi para lalong maasar si Cassandra...
"Gusto ko sanang pumagitna sa inyong dalawa, ngunit tama naman si Cassandra....Nora, ako ng nakikiusap sayo na layuan mo na ang anak ko."
Si Cassandra naman ang napangisi at parang batang binelatan si Nora.
"Tita, ang tagal kong hinintay ang pagbabalik ni Adonis, at alam nyo po yan. Umaasa akong magkakabalikan ulit kami ng anak nyo...ikakasal na sana ako noon, ngunit mas pinili kong umatras para sa kanya. Kung alam lang nya na matindi pa rin ang pag-ibig ko sa kanya." Malungkot na anito.
"Bakit mo sinasabi ngayon yan Nora? Wala na, huli ka na. Ako na ngayon ang nasa puso ni Adonis my love!"
Napairap ito kay Cassandra. "My love...yan din tawagan namin ni Adonis noon...di kaya ako parin ang naaalala ng asawa mo?" Nanunuyang anito.
"Ah ganun b-----"
Nang mahagip na nga nito ang buhok ni Nora. Nanggigigil na hinila iyon ni Cassandra. Pilit na gumaganti ang isa subalit hindi nito maabot ang buhok ni Cassandra. "Aray ko! Bwiset kang babae ka!" Sigaw ni Nora.
"Bwiset ka rin! Layuan mo ang asawa ko!"
Kung walang gate na nasa pagitan nila, malamang para ng manok na nagsasabong ang dalawa.
Mabuti nalang maagap na naawat ni Dina ang manugang. "Tumigil na nga kayo!...ikaw Nora, umuwi ka na at huwag mo ng gagambalain pa si Adonis. Huwag ka ng umasang babalikan ka pa ng anak ko dahil nakatali na sya." Pumaling ito sa manugang. "Anak, bumalik ka na ulit sa loob, ako ng kakausap kay Nora."
"Opo inay! Ipagluluto ko po si Adonis ng favorite naming Adobo with pineapple!...pagkatapos maghapon kaming magkukulong sa kwarto ng my loves ko. Balak na po kasi naming bigyan kayo ng apo inay!.." nakangising anito na sadyang ipinaririnig kay Nora.
BINABASA MO ANG
ANG 𝘉𝘖𝘋𝘠𝘎𝘜𝘈𝘙𝘋 KONG PROBINSYANO
RomanceIto ay istorya tungkol sa itinagong tagapagmana. Lumaki si Cassandra sa poder ng itinuring nyang Lola. Ang kanyang Lola Lena. Itinuring sya nitong parang kanyang tunay na apo. Para maprotektahan ito sa mga nagtatangka sa buhay ng kanyang alaga, itin...