20

24.8K 1K 886
                                    


"Seven... May nangyari ba?" 

Iyon kaagad ang tanong ko kay Seven pagbalik ko sa kwarto pagkatapos kumain. Nasa isipan ko pa rin ang narinig kong usapan nila ng magulang niya kanina. Hindi ko maintindihan. May kutob na ako pero hindi ko alam kung totoo ba 'yon. 

"About what?" Seven said while he was cleaning his stuff. Nililigpit niya iyong mga regalong natanggap niya. 

"May ginawa ba si Mama?" deretsang tanong ko.

Hindi niya man lang ako tiningnan. "Like what?" 

"Hindi ko alam..." Ayaw lumabas ng salitang 'yon sa bibig ko dahil natatakot akong baka totoo. 

"Everything's fine," he said to assure me while he was still busy organizing his cabinet. Natahimik ako at hindi na ako nangulit pa dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag sinabi niyang oo. 

"Uuwi na ako... May trabaho pa ako," sabi ko na lang at tumayo na para kuhanin ang gamit ko. Kinuha ko ang envelope at lumapit kay Seven. "Ito... Iaabot ko sa Mommy mo. Pambayad 'to sa tulong niya kay Papa."

"Alia, there's no need for that." He finally looked at me. 

"Hindi ako makakatulog nang maayos kapag hindi ko binayaran lahat ng 'yon, Seven," seryosong sabi ko sa kanya. "Malaki ang utang na loob ko sa pamilya mo kaya hayaan mo akong gawin 'to para kahit papaano mabawasan naman 'yong hiya sa loob ko." 

Napabuntong-hininga siya sa akin at nilahad ang kamay niya. "Give it to me. I know my mom won't accept it from you. I'll hand it to her instead."

Binigay ko sa kanya ang envelope bago kami lumabas. Mabilis akong nagpaalam sa magulang niya bago ako ihatid ni Seven pauwi. Hapon pa ang shift ko kaya nagkaroon pa ako ng oras para mag-ready sa trabaho. Pagkauwi ko ay naroon si Mama, mukhang paalis na. 

"Ma, may ginawa ka ba sa bahay nina Seven?" tanong ko kaagad sa kanya nang palabas na siya ng pinto. 

"Ano'ng ginawa ko?" Kumunot ang noo niya. "Ano'ng sinabi nila?"

"Wala... Pero may kinuha ka ba, Ma?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Ayaw kong malaman ang totoo. Natatakot ako sa isasagot ni Mama sa akin.

"Huh? Kahit halungkatin mo pa ang kwarto ko, Alia, wala akong kinuha. Grabe ka mambintang. Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa akin?" galit na sabi niya sa akin.

"Ma... Huwag mong kakalimutang pamilya ni Seven ang tumutulong sa atin kay Papa. Nahihiya na ako sa kanila kaya please... Huwag ka pong gumawa ng mas ikakahiya ko. Baka hindi ko na sila maharap sa susunod," pagmamakaawa ko sa kanya. 

"Wala nga akong ginawa! Ewan ko sa 'yo!" At padabog niyang sinara ang pinto.

Napabuntong-hininga ako at binagsak ang sarili ko sa kama. Napatitig ako sa kisame, malalim ang iniisip. Tumunog pa ang phone ko at nakita ko ang message ni Roxanne tungkol sa reunion. Naroon na ang date, oras, at kung saan gaganapin. Pagkatapos iyon ng New Year. 

Naging abala lang ako sa trabaho hanggang New Year at sinasamahan ko rin si Papa para magpa-check up kapag wala akong shift. Hindi ko makausap nang maayos si Seven dahil natatakot akong baka i-bring up niya iyong kay Mama. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin iyon. 

"Happy New Year!" bati sa akin ni Seven nang magkita kami sa isang restaurant pagkatapos ng bagong taon. Nagtrabaho lang naman ako noong araw na 'yon kaya wala masyadong naganap sa akin. 

"Happy New Year," bati ko rin at ngumiti nang tipid sa kanya. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa akin at nilagay ang palad sa noo ko para pakiramdaman ang temperature ko. "You have a fever." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon