Nakaupo ako sa harapan ng school admin namin habang ang nasa tapat ko naman ay ang babaeng witness daw sa nangyari pati na rin ang school principal nila. Ang sabi nila ay may isa pa raw kaming hinihintay. Wala akong ideya kung sino iyon, hanggang sa dire-diretsong pumasok sa loob ng office ang isang lalaki. Pamilyar ang itsura niya pero hindi ko gaanong matandaan ang pangalan. Isa lang ang masisiguro ko, lahat sila ay magkakakampi laban sa akin.
“Magandang tanghali, Governor. Maupo po kayo.”
G-Governor? Bakit naman pati politiko ay kasama sa panggigisa sa akin?
“Kumusta po ang mga bata?”
“Nasa ospital pa rin para sa ilang mga tests na gagawin ng doctor,” sagot nito at umayos ng upo bago tumingin sa akin. “Ano ang nilagay mo sa mga pagkain nila para maging ganoon ang kalagayan nila ngayon?”
What the hell? Talaga bang sa tingin ng mga ito ay ako ang may kasalanan? Para saan pa ang pag-uusap na ganito kung ganoon? Para pagkaisahan ulit ako? This time in a more private place naman, ganoon ba?
“If I only knew, I should’ve called my lawyer,” may bahid na inis na bulong ko.
“Hijo, bakit hindi ka na lang umamin at humingi ng tawad sa ginawa mo? Pinahihirapan mo lang ang sarili mo.”
“Mawalang galang na po, governor. Pero paano ako aamin kung wala naman akong ginawang masama? Wala akong pakialam kung pagtulungan niyo ako ngayon dito, but at least be fair. Let me call my lawyer and see what will happen next.”
“Lawyer? Ang lakas naman ng loob mo kung ganoon. Gusto mo bang isa-isahin ko pa sa iyo kung ilang beses mong nakainitan ang anak kong si Wesley? Hindi pa ba sapat na ebidensya ang mga iyon sa ginawa mo ngayon?”
So siya pala ang tatay ng baliw na iyon. Kaya pala talagang malakas ang loob na magyabang dahil mataas ang katungkulan ng ama.
“Bakit hindi niyo po tanungin ang anak niyo kung anong problema niya sa akin para kantiin ako nang paulit-ulit. O baka gusto niyo rin isa-isahin ko sa inyo ang mga rason niya kung bakit umaasta siyang parang sintu-sinto sa harapan ko?”
“Enough! Seven, ayusin mo ang mga sinasabi mo. We’re here to fix things, not to make them worse!”
“Exactly!” I said, slowly losing my temper. “Not to sound rude, but if you don’t want to make things worse, hindi niyo dapat ako pinagtutulungan. Ano namang magagawa at masasabi ko kung pagkaupo ko pa lang dito ay tatanungin niyo na kaagad kung anong nilagay ko sa pagkain nila. You're accusing me, and I need my lawyer to take care of this matter. Now if you’ll excuse me.”
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Mabilis akong naglakad pabalik ng booth namin. Maraming bulong-bulungan sa paligid sa tuwing dumaraan ako, pero sa sobrang daming nangyayari ay hindi ko na lamang sila binigyan ng pansin. Buong akala ko ay magiging masaya ang araw na ito para sa amin. Kabaliktaran pala ang mangyayari.
“What happened, Sev? Anong sinabi nila?
Napaupo na lang ako sa upuan nang makarating ako sa booth at napahilamos sa sobrang frustration na nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang nangyari kay Wesley at sa mga kaibigan niya. Kahit gaano pa kalaki ang inis ko sa kaniya, hinding-hindi ko naman magagawa ang mga ibinibintang nila sa akin. I own a bar. I’ve been serving people for almost four years now. Sa mahigit apat na taon na iyon, ngayon lang nagkaroon ng ganitong problema. At talagang dito pa nangyari kung saan mabilis na masisira ang image ko hindi lang bilang estudyante, pati na rin bilang may-ari ng Triple 8. Siguradong lahat ay maapektuhan dahil kalat na kalat na ang balita.
Hindi ko magawang magsalita at sumagot sa mga pag-aalala ng mga nasa paligid ko. Ang tanging gusto ko lang munang gawin sa ngayon ay humingi ng tawad sa mga group mates ko. Hindi bale na sana kung ako lang mag-isa ang mapapahamak dito, kaya lang siguradong pati ang mga grades nila ay at risks dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
D'Beasts Series #4: Ceasing the Rivalry
General FictionONGOING [BoyxBoy] D'BEASTS SERIES #4: Ceasing the Rivalry