KABANATA 40
MAGKAKAPIT BISIG si Felicidad at Ivana. Nakasunod naman ang dalawa sa likuran nila.
"Anong pinag-usapan niyo ni Peklat?" Tanong ni Fe kay Ivana. Nagkibit balikat naman ito at sinulyapan ang Ginoong 'yon. Mabilis din siyang humarap nang mapagtantong nakatingin ito sa kaniya.
"W-wala."
Lumingon naman si Felicidad kay Blanco at nakita nakatingin ito sa kaniya. Tila namula siya sa kilig dahil ang taong sinisinta niya'y pinagmamasdan siya. Mabilis din siyang humarap sa dinaraanan.
Tahimik ang dalawang Ginoo at hindi nag-uusap. Wala 'rin naman silang pag-uusapan. Kung ibang Ginoo ito baka magsimulang magbukas ng usapin si Blanco ngunit hindi niya matantsya ang isang 'to.
Wala namang pakielam sa paligid si Primo. Tanging ang kaniyang layunin ang dahilan bakit siya naririto.
"Akala ko ba uuwi ka na, peklat? Ba't nakasunod ka pa 'rin?" Tanong ni Fe.
"Tss."
"Sungit." Bulong ni Ivana.
Tumigil ito ng paglalakad kaya nama'y napatigil din ang tatlo. "Aalis na ako. Mag ingat kayo." Sabi ni Primo at naglakad paalis. Ni hindi nito hinintay ang sagot ng tatlo at prenteng naglakad papalayo.
Pinagmasdan lang siya ng tatlo. Napatabinge pa ang ulo nila dahil sa inasta nito.
"Sungit." Umirap si Ivana nang sabihin niya 'yon.
Natawa naman si Felicidad. "G-ganun talaga 'yon! Sungit masyado, pinaglihi sa kasungitan."
"Saan mo ba nakilala ang isang 'yon?" Tanong ni Blanco.
"S-sa Plaza." Sagot ni Fe. "Tapos ay madalas ko na lang siyang nakikita kung san-san."
"Parang sinusundan ka." Sabi ni Blanco at nilagpasan na siya.
"O-oy. H-hindi ah!" Sa isip ni Felicidad kung tutuusin ay parang si Ivana ang sinusundan nito. Dahil na 'rin sa nangyari sa labas ng Hacienda Buenvenida kung saan nagkita silang muli.
"Selos?" Rinig niyang sabi ni Ivana kaya nama'y namula ang kaniyang pisnge.
"H-hoy, bangko! Hintayin mo kami!" Humabol na silang dalawa kay Blanco.
"Paumanhin nga pala, Ivana. Ako na ang humihingi ng kapatawaran kung muntikan ka nang sugurin ng aking Ina." Panimula ni Blanco.
"Wala 'yon. Naiintindihan ko naman siya."
"Hindi pa 'rin tama na ikaw ang sisihin niya. Kung tutuusin ay ako dapat ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari kanina."
Ngumiti na lang si Ivana. "Naiintindihan kasi ng iyong Ina kung bakit mo 'yon nagawa. Kaya ako na lang ang sinisi niya. Kasalanan ko'rin naman dahil ako ang nagbigay ng impormasyon sayo."
"Paniguradong pagagalitan ka sainyo." Sabi ni Blanco.
"Kung hindi ako isumbong ni Tio, baka hindi."
"Kakausapin ko si Ginoong Marco, huwag kang mag-alala."
"Wag na, Blanco." Ngiti ni Ivana. Tahimik namang nakikinig lang si Felicidad sa kanila. Nilingon siya ni Blanco at nagtama ang kanilang mata. Sinabayan ni Blanco maglakad si Fe at napapagitnaan siya ng dalawa.
"Saan pala kayo tutuloy ngayong gabi, Ivana?" Tanong ni Felicidad sa katabi niya.
"Sa Hacienda nila Amelia panigurado dahil gabi na. Balak kasi naming umalis ng maaga ni Rafaela kaya lang dumating si Tio at nangyari nga ang nangyari kanina kung kaya't ginabi na kami. Kayo? Doon sa kaibigan ni Ate Clara?"
BINABASA MO ANG
PROMISE ME, BLANCO
Historical FictionMatatagpuan ni Felicidad ang kanyang sariling bihag ng mga Hapon kasama pa ang ilang mga kababaihan. Nang tuluyang masakop ang bansang kanyang minamahal sa ikatlong pagkakataon, naglaho ang kaniyang pangarap para sa sarili na para bang isa lamang it...