All Rigths Reserved.No Parts of this book maybe reproduced or transmitted in any form , or by any means , electronic or mechanical , photocopying or recording or any information storage retrieval system without the consent of the author.
Dear crush,
Ako si Helen. May aaminin sana ako sayo. Pero bago ang lahat gusto ko munang ishare sayo ang aking isang maiksing kwento.
Second year high school ako nang magtransfer ako sa school na pinapasukan mo. Nung una wala naman akong mga kaibigan pero after di nagtagal may mga lumapit din naman saakin para makipagkilala. Meron akong naging close friend si Marjorie, ang kaso taga kabilang section sya. Section A kasi ako at sya ay nasa section B. Tuwing recess nagpupunta sya sa room namin para makisabay kumain pero one day, ang sabi nya ako naman daw ang pumunta sa room nila kaya nung recess na pumunta ako sa kabilang room para puntahan sya.
Recess time na kaya wala ng tao sa room dahil lahat sila ay nasa cafeteria na para magmerienda. May baon naman kaming pagkain ni Marjorie pero nagdecide kami na sa room nalang nila kumain para hindi na hassle. Habang kumakain kami ay tinitignan ko ang paligid ng room nila nang madako ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo sa sulok. Oo ikaw yun. Tinanong ko kung kaklase ka ni Marjorie at ang sabi naman nya ay oo ang kaso hindi ka daw nya kaclose dahil sobrang tahimik mo daw na tao. Nagkwento pa siya tungkol sayo nung mga sumunod na araw at aaminin ko na unti-unti akong nagkakainteres sayo. Hindi ko naman alam kung bakit pero nakasanayan ko ng magtanong kay Marjorie kung ano ang nalalaman nya sayo. Nung una ay ayaw na nyang magkwento pa tungkol sayo kinukulit pa nga nya ako kung may crush daw ako sayo eh. Napilit ko naman sya hanggang sa malaman ko na ulila ka na daw at ang tiyahin na kakambal nalang daw ng mama mo ang nagpapaaral sayo. Nakaramdaw ako ng awa nang malaman ko iyon. Naisip ko na napakaswerte ko at may mga magulang pa ako.
Alam mo ba? Simula nang nalaman ko na ulila ka na ay lalo akong naging interesado sayo? Kasi parang ikaw si superman, kahit sobrang nakakalungkot ang sitwasyon mo nalalagpasan mo padin. Minsan nga naiisip ko kung ako kaya ang nasa kalagayan mo? Magiging matatag din kaya ako tulad mo? Maybe yes, maybe not. Pero isa lang ang sure ako. Malulungkot ako.
Sa nakalipas na mga araw ay napagtanto ko na hindi ko pa pala alam ang pangalan mo. Natawa nga ako sa sarili ko eh. Ang dami ko na kasing alam about you pero name mo lang hindi ko pa alam. Funny right? Well, tinanong ko na din ang name mo kay Marjorie. Troy. Troy pala ang name mo. Ang cute lang kasi parang bagay tayo. Helen and Troy.
Lumipas ang mga buwan at napapansin ko na lagi ka lang nasa sulok ng room nyo. Minsan nga gusto kitang lapitan pero baka isipin ni Marjorie na crush kita. OO crush nga kita pero ayaw kong malaman ng iba na may crush ako sayo kasi ang sabi saakin ni Marjorie kahit daw tahimik ka lagi at masungit marami parin daw ang nagkakainteres sayo. Hindi naman din ako nagtataka dahil halata naman sa itsura mo na gwapo ka ngang talaga. Madalas na akong mapanghinaan ng loob dahil alam ko na marami akong karibal sayo. Sino ba naman ako diba? Ako lang naman si Helen. Ang tanong, alam mo ba na nag eexist ako?
Alam mo ba na sobrang crush na kita? Kahit anong pigil ko kasi sa nararamdaman ko parang balewala kasi feeling ko hindi ko kaya.
Alam mo rin ba na hindi talaga ito ang unang letter ko for you? actually hindi ko na din alam kung pang ilan ba talaga dapat ito. Hindi ko kasi binibigay sayo yung mga letter ko dahil sa takot na baka mapahiya lang ako.. na baka tawanan mo lang ako at higit sa lahat baka malaman ng iba na gusto kita at awayin nila ako.
Crush, nung birthday ko naglakas ako ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko pero sana hindi ko nalang ginawa. Nakita kasi kita kausap yung classmate ko na muse (Aphrodite) namin. Kitang-kita ko sa mga mata mo na masaya kang kasama sya kasi nakangiti ka. Ngiting never mong pinakita sa iba. Masakit. Sobrang sakit kasi gusto ko na saakin ka ngingiti ng ganyan pero alam ko naman na wala akong karapatan diba? alam ko yun.