11

1 0 0
                                    

I arrived at the condo by 6 pm. Melly and Dior texted me to meet at the club by 8 pm kaya naman may oras pa ako. On the way home I bought myself a little chocolate cake. I do this every year just to feel like a normal person. 

Tinotoo naman ni Brent ang sinabi na itetext niya ako pagkadating ng opisina. Hindi na rin ako nagreply para hindi na humaba ang usapan dahil siya na rin ang may sabing may gagawin siyang importante.

Isinabit ko ang bag at umupo sa island ng kusina. Binuksan ko iyon at pinagmasdan ang dedication na ipinasulat ko. It looked normal dahil hindi naman alam ng crew na para sa sarili kong birthday ang cake na iyon. Mabuti na lang.

Dahil sino ba naman ang tao na bibili ng cake para sa sarili niya? Edi ako.

Tumayo ako at kinuha ang lighter tsaka sinindihan ang dalawang numero na nakatusok sa cake.

"Happy Birthday, Alyana Isandra...." bulong ko sa sarili.

I closed my eyes and clasped my hands below my chin uttering a soulful wish. Nang magmulat ako ay inihipan ko angmunting apoy. Sinundan ko ang puting usok na tinatangay ng hangin pataas.

Twenty-one years may be short but it isn't easy. Life really throw stones at my way. Ang iba ay naiwasan ko pero ang iba ay hindi ko naiwasan at ngayon ay dala ko ang sugat.

I cut a slice of cake and went to the veranda. Nasa 16th floor ako kaya ang mga sasakyan sa baba ay parang langgam na lang. And the sun is starting to set. I sat on the chair and silently ate the cake.

Nang makuntento ako sa pagmumuni-muni ay tsaka lang ako tumayo para maligo. I cleaned myself thoroughly dahil nanlalagkit ako sa init sa school. Nakaroba akong lumabas ng banyo at binuksan ang cabinet.

My eyes landed on the burgundy satin dress I've been keeping for a long time. Nakasiksik lang iyon dito dahil hindi ko mahanapan ng okasyon para suotin. Maybe now? Inilagay ko iyon sa kama sinisipat kung kasya pa ba sa akin iyon.

"I better try it on first..." bulong ko.

Umiikot ikot ako sa harap ng salamin. It was a backless and strapped dress and has a padding already so I decided not to wear any bra. It hung lowly on my back and the dress hugged my body. Hindi ako ganon kakurba kagaya ng iba pero kumpiyansa naman ako dahil nagwoworkout ako kahit papano.

Ang ganda ko! The dress is giving me so much confidence I didn't even think twice wearing it. Umaabot lang ang dress na iyon sa ibabaw ng tuhod ko. I curled my hair and put on a nude lipstick. By the time I finished nagulat ako na malapit nang mag-alas otso! Masyado ata akong natuwa sa pag-aayos.

Mabilisan ko rin isinuot ang ankle strap na high heels bago dumiretso sa elevator. I arrived at the club 8:33 pm. Tumawag na sa akin si Dior at sinabing dumiretso na raw sila sa loob dahil ang tagal ko.

The club is owned by Dior's brother kaya naman kilala na ako ng guard. Pinahatid ako sa vip room dahil doon daw kami. I straightened my dress as I enter the club. Madami na ang nasa gitna at sumasayaw. May ilan din na nakatayo at hawak ang baso sa isa nilang kamay habang nakikipagusap at kaniya kaniyang dumidiskarte.

I was led to a more private room. Ang alam ko kapag may celebration pwede itong gamitin. Pagkabukas na pagkabukas ko ng glass door at sumalubong sa akin ang isang party popper.

"Happy Birthday!" sabay na sumigaw si Melly at Dior. Tumawa naman ako pagkadilat ko ng aking mata.

Napanganga ako nang makita ang itsura ng kwarto. May mga balloon na nakaletrang 'happy birthday'. Nakalatag din sa gitna ang mga favorite naming pagkain! May pizza, lasagna at carbonara!

"Kayo naghanda?" nangingilid ang luha ko. Sapat naman na sa akin na binati nila ako pero ang makita na nageffort silang mag-ayos para sa akin ay sadyang nakakataba ng puso.

In Your ArmsWhere stories live. Discover now