Entry #12

136 19 10
                                    

Dear Future Girlfriend,

Eto na, eto na talaga. Kinakabahan ako putspa! Ngayon ko lang ulit naramdaman ito. Yung tipong parang hinahabol ka ng tren at tatlumpung kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso mo, yung tipong parang mag aagaw buhay ka sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo.

Kung minsan nga ay hindi ka pa mapakali, at nakakalimutan ang dapat na sasabihin. Pero bahala na si Batman. Wag kang kabahan GL, makakaya mo yan. Magiging success kayo sa speech choir na yan!

Akala mo aamin na ako MFG no? Hahaha. Yan ang tinatawag nating twist lol. Pero di nga seryoso, kinabahan ako ng todo sa speech choir na yan kanina, but sad to say na isang umaatikabong ITLOG ang nakuha natin. ANG GALING NO? Bravo!

Ang damot damot kasi ni sir sa score. Gusto niya yung perfect kuno. Gusto niya walang sablay at maayos. E kung naging tayo na lang kaya? Para PERFECT COUPLE, WALANG SABLAY at may MAAYOS na samahan. Wag kang mag aalala MFG darating din tayo diyan. Sa ngayon patorpe torpe muna ako. Nahihiya kasi ako sayo.

Sinabi ni sir sa atin na may second chance pa daw tayo bukas kaya kaninang uwian ng hapon ay nagpraktis na naman tayo. Nakakatuwa, kasi sa bawat paulit ulit natin dahil tayo ay nagkakamali. Ay kasabay non ay paulit ulit din kitang nasisilayan. At ang pinakamalala sobrang lapit mo sakin kaya hindi ko maiwasan.

Di ko maiwasang mapatingin sayo. Sus, kung pwede lang inakbayan na kita sabay halik. Syempre joke lang no. Nirerespeto kita ng sagad sagaran, at hindi kita kayang lokohin at paglaruan.

Nung uwian, heto huling sulyap sayo. Feeling ko nga destiny tayo, kasi nung nagpapraktis tayo, lagi tayong sabay sa step at magkatapat na magkatapat tayo. Pero naalala ko lahat nga pala tayo ay ubligadong sabay sabay roon. Nakakashunga pala kapag nahuhumaling ka sa isang babae no?

Alam mo sana naman makipagtitigan ka sa akin, para naman hindi ako nagmumukang pasulyap sulyap lang sa hangin.

Love,
GL

P.S. Practice make Prefect daw!

P.P.S. E ano kaya kung praktisin na natin kung paano maging couple para matupad natin yung pagiging PERFECT COUPLE ;)

Dear Future Girlfriend [Ang Diary Ng Lalaking Galunggong Este Mahangin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon