VIII. HACK IT!
~Lou’s journal~
“Ano na, Cainglet? Nasabi mo na ba kay Kei?” bulong ko kay Fille nang mamataan ko siyang pumasok na muli sa gym.
*Yup. I really hope our plan works.
Nagpatuloy ang nahintong championship game. Obvious na obvious na sinasadyang hindi ipasa ni Kei ang bola kay Mondael. Kung hindi naaagaw ng kabilang team ang mga pasa niya, kay Jhake naman ito napupunta. Si Jhake na napakataas magdribble ng bola. Nabibitiwan pa nito ang bola kapag iniinsulto siya ni JR. Parang payabangang Mondael at JR ang labanan, at parang hindi ko rin sigurado kung kanino ako mas naiinis sa dalawa.
Galit na galit si Mr. Breen sa mga players niya. Usok na ang ilong niya. “Ipasa niyo kay Mondael!” he shouted from the sidelines. JR was loving every minute of it. Patuloy ang pagtatrashtalk niya. It was all going smoothly as planned.
But finally, nakahawak ng bola si Mondael. Nag-umpisa na naman siyang umiskor. JR was getting pissed off sa tuwing makaka-score si Mondael. Sumenyas ako kay Kei na gumawa siya ng paraan. Humingi siya ng pasa mula kay Mondael pero hindi nito ipinasa ang bola sa kanya. Sa halip na ipasa ang bola, itinira iyon ni Mondael. Swak ang tira niya.
“That’s my man!” pagchicheer ni Mr. Breen.
“Talaga, Sir? Syota mo si Kavacis?” nakangising sigaw ni JR mula sa court. Tinitigan siya ng masama ni Mr. Breen.
“Shut up, JR! Ref, itechnical mo nga ‘yan!”
Nagpatuloy ang mainitang laban. It was a cardiac ballgame. Mostly, it was Jeremy Sumpter vs Mondael Kavacis. Then the dying seconds of the game came. Lamang ng isa ang team nina JR. Dapat hindi na makatira ang team B at maubos na lang ang oras sa game clock para manalo na ang team A. Sumenyas ako kay Kei na hawakan na lang ang bola. Kei held the ball. Pero biglang napasigaw si Mr. Breen.
“Nishikori! Ipasa mo ang bola kay Mondael!”
Sa nerbyos, nabitawan ni Kei ang bola. Ngunit agad naman itong nakuha ni Mondael. Damn it! He’s gonna take a shot. 5, 4, 3, 2… There, he took the shot…
But the shot went short. He missed it. Then the final buzzer sounded. Nagtalunan ang buong team A. Jessy came to JR immediately.
“That’s so great, bro. You’re amazing!” Jessy said, beaming. “That calls for a celebration! Come on, bro. Sama ka sa amin. Iti-treat ka namin.”
“Alright!” JR said, grinning. “Magsa-shower lang ako.” Kahit nang lumakad na siyang patungo sa shower room, dinig na dinig ko pa din ang sobrang pagkabilib niya sa sarili.
Lumapit ang ngiting-ngiting si Fille kay Anjo. Then, Anjo suddenly kissed her. It was enough to give me a bad day. Nakakabadtrip! Eksena na naman sila. I turned away from them.
Biglang dumaan ang talunang si Mondael sa gitna ng naghahalikang sina Fille at Anjo. Muntik na akong mapahalakhak nang makita kong napadapa pa si Anjo nang mabangga siya ni Mondael. Tumayo si Anjo at susugod na sana kay Mondael, pero pinigilan siya ni Fille. “Don’t. Pikon lang ‘yan, kasi talunan,” sabi niya.
I can’t stop laughing to myself. Siga talaga ang Mondael na ‘yon. Pati ang mga moment sinisira. I continued walking feeling a little smug.
“Hi Lou!” bati sa akin ni Nastja nang magkasalubong kami.
“Oh hey! I know your team just lost, but… I just wanna invite you to a little party with me and my friends,” yaya ko sa kanya.
“Ngayon na?” nakangiting tanong niya.
BINABASA MO ANG
CRIMES AND MYSTERIES 3: AKO SAPATOS
ParanormalIsang taon matapos makaligtas ang ilang estudyante sa tiyak na kamatayan, isa na namang panibagong kaso ang maglalagay sa buhay nila sa alanganin. Ano nga ba ang kinalaman ng pakikipagchat sa internet sa mga kasong dapat nilang lutasin? May magpap...