" Excuse me. "
Nagtataka namang napalingon sa tumigil na sasakyan ang isang estudyanteng pauwi sa bahay nila galing sa paaralan.
Nangungunot ang noo nitong nakatingin sa lalaking ibinaba ang bintana ng salamin na nakatingin sa kanya kasabay noon ay ang kaba na nararamdaman niya dahil handa na siyang tumakbo.
" Do you know where Benedict Piamonte lives? "
Tuluyan na siyang nagtaka at saka pinaningkitan ng mata ang lalaking nakasakay sa kotse, bukod pa ang lalaking driver nito.
Muli niyang pinagmasdan ang kotse at kahit wala siyang alam sa mga sasakyan ay masasabi niyang mahal ang ganoong klaseng sasakyan.
" Anong kailangan niyo sa kanya? " Kinakabahang tanong niya dahil sa pagkakaalala niya, wala namang inutangan ang Ama niyang ganito kayaman.
" You're his daughter? Niece? " Tanong nito sa kanya na ikinaatras niya.
" Calm down, Miss. There will be no harm done to you or the individual we are searching for. considering our boss is currently with them and instructing us to go to Benedict Piamonte's residence. "
Buti nalang at hindi siya bobo sa English.
" Fine. He's my father and of course I know his residence. " Matapang niyang sagot dahil maraming tao ay paniguradong madali ng humingi ng tulong.
" Can you bring us to him? "
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Heiress
Teen FictionSimple pero mahirap na buhay ang meron si Gracia pati ang pamilya niya dahil sa mga utang at kakulangan sa pera. Pero sa likod ng mga ito nananatili pa din siyang matapang at masaya sa harap ng ibang tao. Magiging normal sana ang buhay niya pero n...