U24
ELI'S POV
Sinabi na sakin ni kurt lahat. Bf ko, sabi niya sakin kapatid niya yung isang kurt sa campus namin na nagpapanggap bilang siya. Sinabi niya sakin na kuya niya yun ,si xeon. Tama nga sabi nila he's a great pretender.
Andito ako sa classroom, pero di ko siya nakita. Ayoko na din siyang makita. Lumipat ako ng upuan. Nakipagpalit ako kay danzel ,kahit nagtataka siya pero no choice na siya eh.
“Alam mo ba nasan si kurt? di na kasi siya nagrereply at sumasagot sa tawag ko.”
Biglang tanong ni aaron sa tabi ko.“Hindi.”
Tipid na sagot ko kaya tumango tango nalang siya. Wala na akong paki sakaniya simula nung malaman ko lahat. Balak niya pala akong agawin sa kapatid niya kaya siya nagpapanggap.Dumating nalang prof namin pero wala parin siya. Teka paki ko ba dun? Mula ngayon ituturing ko nalang na di ko siya kilala at parang wala kaming pinagsamahan.
Naglalakad ako sa hallway, may narinig akong nagbubulung bulungan.
“Ilang araw ng di pumasok si kurt, nag aalala na ako sakaniya. Baka napano siya, balita pa naman bigla siyang tumakbo palabas ng hospital”
Napatigil ako sa narinig. Tumakbo sa hospital? bakit?“Bakit naman siya tumakbo?”
Tanong nung kasama niya. Tumigil muna ako para makinig sa usapan nila. Kunwari nagccp lang ako.“Di ko rin alam eh, para daw may hinahabol siya na ewan.”
Napalunok ako, di kaya nababaliw na siya?Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nagugutom na ako eh.
Pumunta ako sa cafe, nakita ko naman sila danzel at aaron. Balisang balisa, pero di ko nalang sila pinansin.
Habang kumakain ako, naalala ko yung memories namin dito kaya nawalan ako ng gana kumain. Tumayo nalang ako at bumalik sa classroom. Kakalimutan na dapat kita eh pero bakit hindi ko magawa?
*****
Uwian na. Nagmamadali akong lumabas sa classroom baka kulitin na naman ako nung dalawang kumag.
Nakarating na ako sa gate pero kumunot ang noo ko ng may nagkukumpulan.
“Sh*t ang gwapo niya”
“Oo nga gurl nakakalaglag panty ehe”
Halatang kinikilig sila pero wala ako paki. Nakakakita lang ng gwapo ganan na reaction nila tsk. Nagtaka ako ng biglang napasinghap ang lahat at ramdam ko ang mga tingin nila sakin.
Kaya napatingin ako sa harap ko. Siya pala pinagkukumpulan ng mga babae kanina. Napangiti ako ng lumapit siya sakin at inakbayan ako.
“Let's go love!”
Nakangiting sabi niya sakin, kaya ngumiti na rin ako. Pinandilatan ko yung mga babae na nasa gilid namin. Ansama nila tumingin. Yung iba naiinggit, yung iba naman parang hinuhubaran na nila bf ko. Pasensiya na kayo pero taken na toh.Pagkarating namin sa kotse niya pinagbuksan niya ako ng pinto. Awh apakagentleman naman niyan. Susunduin na daw niya ako palagi at ihahatid, babawi raw siya kasi nawalan siya ng time sakin.
*****
Nakarating na kami sa bahay at pinatuloy ko muna siya. Di naman siya tumanggi. Wala sila mommy dito lagi kasing busy sa work yun.
“Upo ka muna”
Ngumiti lang siya at tumango.“Eheem!”
Napatingin ako sa tumikhim. Andito pala siya di ko napansin.“Kuya si kurt nga pala , di ba nameet mo siya before? naalala mo paba siya? kurt si kuya aiden”
Pagpakilala ko sakanila. Nilahad naman ni kurt ang kamay niya kay kuya pero di eto tinanggap ni kuya kaya parang nahihiya siyang binawi eto.Sinamaan ko ng tingin si kuya.
“What?”
Irap niya at bumaling sa tv ang tingin niya.Binatukan ko siya ng malakas.
“A-arayyy elizabeth ano ba!”Ngumiti siya ng pilit na bumaling kay kurt.
“Nice to meet u bro.”Napairap nalng ako sa inasal niya. Apakahambog talaga pero dati ang bait niya kay kurt ngayon hindi na tssk. Padabog akong pumunta sa kusina at nagtimpla ng juice.
******UNEXPECTED******
LightInDarkPalace
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED
Mystery / ThrillerPeople who wear their mask perfectly is dangerous, if you see the fire create water to be your shield.