CHAPTER II

181 1 0
                                    

After 2 months. 

Yung two months na yun, friends na kami ni Alexander. Pero..... Remember Justine Jude Campos? Classmate ko na crush ko. Siya naman ang ike'kwento ko sa Chapter na ito.

First time naming magbonding magkaka'klase kasama ang adviser namin. Uwian non. Kumain kami sa Mcdo. Pagkatapos pumunta kami sa Mall malapit sa Mcdo na yun. Ehdi sila gala. Gala. Laro. Kami sunod lang kami ng sunod sakanila. Nag'videoke.

Napagod kami non. Nagtanong ang Adviser namin kung saan namin next gustong pumunta. Sinabi nila na sa bahay ni Ailyn. Malapit lang kasi yung mall kanila Ailyn. Walking distance. Ayun. Naglalakad na kami. Nung pagkarating namin kumain agad kami. Kain. Kain. Kain.

7:30 in the Evening. 

Nagkwentuhan lang kami non. Tapos nag Spin the Bottle. Syempre tanumgen portion lang ang ginawa namin. Ang tanong sa akin ng adviser ko " Ilang months kayo ni King? "

Si King yung Ex ko. 1 year din kami nun. Tapos yun lang. Then si Justine nalang yung hindi natatanong.

" Kung ikaw Justine, okay lang ba sayo si Isay? "

OMG. Nagulat ako sa tanong ng Adviser namen. Syempre ang hinihintay ko yung sagot ni Crush. Ayan. Napapatingin ako sakanya. Pero siya hindi niya ako matingnan.

" Opo Sir. "

" Eh okay lang sayo na ligawan mo siya? "

" Dipende po. "

OMG ulit. Kinilig lang ako sa sagot niya. Hahaha. Ang landi. Tapos dun na natapos kwentuhan namin.

Nagyaya na sila mag'uwian. Naglakad lang ako pa'uwi. Walang kasabay. Medyo natatakot ako kasi gabi na. Tapos pag'uwi ko may nagtext sa akin.

" Sino 'to? "

Pagtingin ko. Si Justine. Eh wala naman akong number ni Justine. Yun pala sinave ng kaklase ko. Si Loyd. Alam kasi ni Loyd na Crush ko si Justine. Ehdi nagpakilala ako. Nagpaliwanag. Tapos humaba ang usapan namin.

" Si Isay po 'to. "

" Ah ganun ba ? Nakauwi ka na ? "

" Opo. "

" Ah good. Kumain ka na? "

" Hindi pa. Busog pa ako eh. "

" Ah sige. Text kita ulit pag nasa bahay na ako. Hirap kasi. Baka makuha pa phone ko. "

" Ah. Sige. Ingat sa paguwi. "

Haaay. Ang sweet niya pala. :"""> Lalo akong na'fall sakanya. 

Tapos nagtext na siya na nakauwi na siya. Eh medyo inaantok na ako kaya sabi ko matutulog na ako.

The next day. Nagpapansinan sa school. Fastforward. :) 

May party kami sa school. Hanggang gabi siya. Parang mini prom. Syempre may sayawan. Kainan. And.ang hinihintay ko ang Sweet Dance. Hahaha. Kahit sino naman na babae diba? Ayun. First Dance ko si Christian. Classmate ko. Then next si Austin. Next si Alfred. Next si Alexander and next si Loyd. Nagusap kami ni Loyd.

" Oh say, bat hindi ka pa sinasayaw ni Justine? "

" Ewan ko. Busy sa pagkaen eh. "

" Sige. Tatawagin ko. "

Tapos biglang lumapit na si Justine sa akin. In'offer niya ang kamay niya to dance. Tapos ayun. Tatanggi pa ba ako? Medyo malapit kami sa gitna non. Hindi kami nagtitingina. Sa iba ako nakatingin. Sa mga ibang nagsasayaw. Tapos siya medyo sa taas nakatingin. Lumapit si Loyd. Nakangiti sa akin. At kinuha ang camera ko. Sabay sabe

" Uy picture naman kayo. Ikaw talaga Tin. Nahihiya ka kay Isay. "

Ako naman nahihiya. Ayaw pang magpa'picture. Pinilit ako ni Justine. Hinarap niya lang yung katawan ko sa may camera. Ehdi bumilang na si Loyd.

" 1. 2. 3. Oh isa pa. Yung sweet naman. "

Biglang umakbay si Justine. Tapos kinuha niya yung kamay ko para ilagay niya sa bewang niya. Hay nako. Ano bang nangyayari? Sana hindi na matapos. Bumilang na ulit si Loyd.

" 1. 2. 3. Ahhh. Ang sweet. "

Tapos inabot na ni Loyd yung camera ko at umalis na at tinuloy na namin yung pagsasayaw namin.

Tapos na. Hinatid niya na ako sa upuan ko. Nag'announce na yung isang teacher na patapos na ang program. Natuwa ako non. Kasi Last Dance ko ang crush ko.

Uwian na. Pagod ako. Nag'shower na ako at natulog. Pero hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi ko. Sana. Sana hindi na natapos yung gabing yon.

May pasok nanaman. Haaay.

Super close na kami. Lagi ko siyang nakakatext. Gabi gabi. One night. Nagka'aminan na kami. Sa text lang.

" Ate. "

Ate and Kuya ang naging tawagan namin.

" Bakit? "

" May sasabihin ako. "

" Ano yun? "

" Alam mo... Hay. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin. "

Medyo natatakot ako sa sasabihin niya.

" Sige lang. Go. "

" Crush kita eh. Hindi ko alam kung bakit. "

" Ah. Ganon ba? Ako din. Matagal na. Siguro kami pa ng Pinsan mo crush parin kita non. "

" Kaso hindi talaga pwede ang gusto kong mangyari. "

" Ano ba yon? "

" Na ligawan ka. "

" Ah ayos lang yon. Hindi mo naman dapat gawin. "

" Hindi mo kasi alam Ate eh. "

" Bakit ba ? "

" Na'fall na din ako sayo. Sa gabi ganlbi tayong naguusap. Na minsan kitang hinatid sainyo. Kaso nag'promise kasi ako sa Bestfriend ko na hindi ko siya titigilan. "

Awww. Medyo na'hurt talaga ako. May nililigawan pala siya. Ang sakit. Umasa pa naman ako sakanya.

" Ehdi ituloy mo yung panliligaw mo. "

" Ayos lang sayo ? Alam kong nasaktan ka. May promise lang kasi talaga ako sakanya. Syempre Bestfriend ko. "

" Oo. Naiintindihan ko naman yon Kuya. "

" Sige. Sorry talaga Ate. :( "

" Okay lang yun. Ano ka ba. "

Okay lang pero hindi talaga.

The next day. Hindi kami nagpapansinan. As in kahit tingen wala. Kahit sulyap manlang hindi ko magawa. Parang Broken Hearted ba? Eh nako! Umasa pa naman kasi ako. :( Hindi ko na rin siya nakaka'text. Ang lungkot lang. Kaya hindi na rin ako nagpapaload.

Tapos after a week pinansin niya ako. Sabi niya kasi sa akin halos kami lang daw ang hindi nagpapansinan sa room. Ang awkward lang diba. Peeo hindi na talaga kami nagkakatext. Lagi siyang nagpapadaan ng Gm. Gm na laging may ' Riezel ' o kaya naman eh ' Bestfriend ' tapos may heart pa. Ehdi medyo nalulungkot ako. Hindi pala medyo. Sobra pala.

Kelangan ko mag'move on. Mag move on kahit hindi naging kami. 

Okay. Nagawa ko naman yun. Nagpapansinan kami sa school pero minsan nalitaw bigla yung feelings ko. Kaya minsan dinededma ko lang siya.

Tahimik na buhay ko. Nangyari na ang gusto ko. Yung kausapin siya ng wala na yung feelings ko. Kuya na talaga ang tawag ko sakanya sa school at Ate naman tawag niya sa akin. Hindi namin tinatawag ang mga pangalan namin. Ewan ko ba kung bakit.

Tapos ayun. Hanggang naging mag Friends na lang kami. At wala na yung feelings namin sa isa't isa.

Call Sign.Where stories live. Discover now