02
Ang assumera mo kase, Montana! Nakakahiya ka! Akala mo talaga sa'yo nakatingin! Bakit naman sa'yo titingin?! Hindi ka naman kilala no'n! Hindi naman kayo kelan man nagkita!
"Parang minumurder mo na 'yong spaghetti sa sobrang diin ng tinidor mo sa plato, girl!"
Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Eya. Umangat ang tingin ko sa kanya at kinagat ang ibabang labi ko.
"Anong problema mo? Kanina ka pa lutang!" Natatawa n'yang sabi.
"Ewan ko ba dito kay Tana. Minsan talaga bigla bigla nalang nalulutang. Kinakausap ko pero hindi naman sumasagot!" Reklamo pa ni Shai.
Umiling ako at inikot sa tinidor ko ang natitirang spaghetti sa plato ko na libre lang ni Shai. "May iniisip lang ako."
Ilang araw na ang lumipas simula noong event. Days have passed, but the thoughts of Zayn, the civil engineering governor, are still running nonstop in my mind.
Tuwing iniisip ko s'ya ay palagi kong naaalala kung paano s'ya kumanta at kung gaano kaganda iyong boses n'ya. Isa pang hindi ko makalimutan ay kung gaano s'ya kagwapo at kung gaano s'ya kalaglag panga lalo kapag nakangiti!
Hindi ko rin makalimutan ang pagkadismaya na hindi naman pala para saakin ang tingin at ngiti n'ya noong event.
Jusko ka, Montana Elaina! Ang laking gaga mo!
"Uy uy, Shainaia!" Natigil ang pag-uusap ng dalawa kong kaibigan nang may dumaan sa lamesa namin dito sa cafeteria at biglang tawagin si Shai.
"Parang tanga tumawag," Sabi ni Shai at tumayo para bumeso dito. Hindi ko na sila masyadong tiningnan at kay Eya bumaling.
"Girl, pahingi ng fries?" Patanong na sabi ko sa kanya pero parang hindi n'ya yata ako narinig at napako ang tingin n'ya sa kausap ni Shai sa likuran ko.
Her eyes seem glistening while looking at the boys in my back. Siguro ay mga gwapo kaya ganyan s'ya makatingin. Hindi naman ako interesado kase may nahanap na akong crush ko 'no!
Napatawa ako sa sarili at nang hindi napapansin ni Eya ay kumuha ako ng fries sa tray n'ya.
"Bakit dito kayo kumakain? Sa kabilang canteen mas madami pang pwedeng bilhin, ah?" rinig kong tanong no'ng tumawag kay Shai kanina.
"Nandito iyong gusto namin pagkain, pakeelam mo naman?"
"Nagsusuggest lang! Sungit mo!"
"Ingay n'yo," Nailaglag ko ang kinuha kong fries kay Eya nang marinig ko pamilyar na malalim na boses na hinding hindi na mawala sa isip ko simula no'ng nakaraang araw.
Naramdaman ko ang mabigat at malamig na presensya sa taong nakatayo sa likuran ko at parang hindi ko yata kayang gumalaw.
Tangina!
Tangina!
"Ayaw mo ba kaming ipakilala sa mga kasama mo Shai Shai? Mukhang magaganda, madamot ka ah?" Isa pang boses ang narinig ko ngunit iisang boses ang hindi mawala sa pandinig ko!
Parang nag-iinit ang pisngi ko at agad na ibinaba ang kamay ko sa kandungan. Hindi ko alam ang gagawin!
"Right! I still haven't introduced you guys to my best of friends!" Shai said and tapped my shoulder.
Gagi! Lilingon ba ko?! Lilingon ba ko?!
Putangina, lumingon ako nang parang tanga!
Hindi ko alam at parang wala ako sa sariling napatingin sa tatlong lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon pero ang mga mata ko ay tila malikot na hindi mapakaling tumingin kay Zayn Figuiredo!