01

15 1 1
                                    

"Ate, malalate na po tayo!", sigaw ng aking bunsong kapatid na si Aellie. Nakaligo na siya at ako ay nagbibihis na, hinihintay niya lang ako sa baba sa aming sala.


"Oo, heto na, patapos na ako magbihis!", sigaw ko naman sa aking bunsong kapatid na naghihintay sa sala. Ako nga pala si Anastasia Lynn V. Espinocilla o kaya naman, Tasha. Simula na ng unang araw ng pasukan namin at magsisimula ang aking buhay sa bagong school na kung saan halos mga mayayaman ang nagaaral. Inenroll kami doon ng tita namin na nakatira sa States ngayon.


Bumaba na ako ng sala at nagmamadaling magsapatos. "Asan na 'yong hinandang baon ko para sayo?", tanong ko kay Aellie na nagmamadaling maglakad palabas. "Nasa bag ko na po, ate!", agad na sinagot ni Aellie ang aking tanong.


Kami lang pala dalawa ni Aellie sa bahay. Ang magulang namin ay namatay na dahil sa car accident. May lahi kami ni Aellie na half-Filipino at half-Canadian kaya mukhang unique pakinggan ang pangalan namin. Ang nakabangga sa magulang namin ay lasing at halos tulog na raw habang nagda-drive. Wala man ang magulang namin ni Aellie, kaya naming mabuhay ng maayos dahil malaki na kami. Ako na ang tumatayong ama, ina, at ate ni Aellie. Ako na sumalo lahat ng responsibilidad sa bahay kasama na doon ang mga bayarin sa pangaraw-araw namin.


Nang makalabas na kami ni Aellie ng bahay, nilock ko ang pintuan at gate para walang makapasok. Naka double lock pa iyon. Nakatira kami sa isang private subdivision kaya safe kami dito pero kahit na safe dito, mabuti na magdouble lock na rin just in case.


Dahil medyo malapit lang naman ang bagong school namin, naglakad na lang kami papunta doon. Ang pangalan ng school na iyon ay Heartridge Academy. Pangalan pa lang ay parang puro mayayaman na ang nagaaral dito. Hindi ako yung tipong tao na pala-kaibigan kaya siguro wala naman lalapit sa akin dahil mukha naman akong masungit ngunit sa totoo lang, mahiyain talaga akong tao at hindi ako marunong makipag-kaibigan o kaya naman makipag-socialize sa ibang tao.


Dalawa ang building ng Heartridge Academy. 'Yong isang building ay para sa elementary at 'yong isa pa namang building ay para sa junior high school at senior high school. Hinatid ko muna si Aellie sa elementary department dahil grade 6 pa lang siya.


"Babye po ate! Kain tayo sa labas mamaya ah!", sigaw ni Aellie sa akin sabay pagkaway ng kaniyang kamay sa akin. Tumawa ako ng kaunti at kumaway din sa kaniya.


"Oo na, sige na. Susunduin kita mamaya pagkatapos ng orientation namin ha.", sabi ko kay Aellie bago ako umalis papunta sa high school department.


Pagpasok ko ng high school department, umakyat muna ako sa 2nd floor at pumunta sa locker ko. Nilagay ko muna doon ang mga notebooks na next week ko pa kailangan at gagamitin dahil orientation pa lang naman ngayong week.


Pagkatapos ko ilagay ang aking mga notebooks sa locker, sinimulan ko nang hanapin ang aking classroom. Naliligaw ako dahil sa sobrang laki ng high school department. Grade 11 na nga pala ako, at nahihirapan pa rin akong hanapin ang classroom ko.


Nang naglalakad ako sa hallway, may nakabangga sa akin na isang matangkad na lalaki, nakasuot ng dark blue blazer na may logo ng school sa kaliwang dibdib, dark red na tie, at black school pants. Nang nabangga niya ako, nadapa ako at siya naman, bumaba ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo.


"Aray!", sigaw ko. Binangga niya ako eh, sino ba naman 'di masasaktan dahil sa lakas ng pagbangga niya sa akin!


"Woah! Slow down, lady", tumawa ang lalaki at ang kaniyang mga kaibigan na kasama niya, nakatingin lang sa akin habang nakaupo ako sa sahig. Hindi ba nila ako tutulungan tumayo o ano?


You'll also like

          

"Sorry, kahit ikaw ang bumangga sa akin", sabi ko sa kaniya sabay ang aking pagtayo galing sa sahig.


"Anong sabi mo?", matapang na sinabi niya nang hinila niya ako palapit sa kaniya, hawak ang palapulsuhan ko. Nagkatinginan kami dahil medyo malapit ang mukha namin sa isa't isa.


"Ang sabi ko, bitawan mo 'ko", mariin na sabi ko sa kaniya dahil bago lang ako dito sa school na 'to, binibigyan na niya agad ako ng problema.


"Sino bang nagsabi na hilahin mo ako ng ganito?", medyo galit na pagtanong ko sa kaniya, umiinit na ang ulo ko.


"The name's Ezra Y. Matsumoto, the richest student and the school campus' crush. Why? Do you have a problem? Or do you have a problem with me?", he smirked. Ang tapang naman neto, akala mo kung sino, pero bakit parang medyo pogi pakinggan ang kaniyang pangalan?


"What about you, sino ka?", pagtanong niya bigla, sabay bitaw niya sa akin.


"Ako si Anastasia Lynn V. Espinocilla. Tasha, for short. Baguhan lang ako dito, kaya huwag mo akong bigyan agad ng problema. Nakakairita kaya!", sarkastikong sabi ko. Totoo naman eh, nakakairita naman 'tong lalaking 'to. Pake ko ba kung sino siya?


"Oh well, Tasha. Let me introduce myself to you again. My name is Ezra Y. Matsumoto. The son of the owner of this school. Now I'm going to ask you again, do you have a problem with me?", malalim na pagsabi niya sa akin. Anak pala siya ng may ari ng school na ito? Eh bakit ganito ang ugali neto porket anak siya ng may ari ng school?


"Eh kung anak ka ng may ari ng school na ito, bakit ang sama ng ugali mo? Pinalaki ka bang ganyan o sadiyang lumaki kang ganyan?", maangas na sabi ko sa kaniya at tumawa ang kaniyang mga kaibigan dahil sa sinabi ko kay Ezra.


"Shut the hell up, will ya?!", pagbulong ni Ezra sa kaniyang mga kaibigan na tumawa dahil sa sinabi ko. Agad silang napatahimik na para bang master nila si Ezra. Alam kong napahiya siya kaya tumawa na lang ako ng sarkastiko at patago.


"Napahiya ka lang kasi", sinabi ko kay Ezra, sabay tawa ko. Sumama ang tingin niya sa akin bigla dahil sa sinabi ko. Nawala ang ngiti ko at sinamaan ko rin siya ng tingin. Akala ba niya na duwag ako? Well, he's talking to the wrong girl, matapang ako.


Tinuruan ako ng magulang ko kung paano maging natapang at tumayo para sa aking sarili kaya hindi ako natatakot kay Ezra at sa tingin niya sa akin.


"You, being my enemy, will be the best thing that will happen in your life.", sabay tawa ni Ezra nang sabihin niya sa akin 'yon. Okay lang, para naman may malabasan ako nang galit. Sa kaniya ko ibubuhos lahat ng aking galit dahil enemy ko na raw siya.


"Okay lang, at least pwede ko ilabas sayo lahat ng galit na nararamdaman ko araw araw dahil sayo, 'di ba?", seryosong sabi ko. Siya na nagsabi na maging enemy niya ako, edi okay. Payag ako doon.


"Papayag ka talaga? Wow ah, are you acting brave or what?", sarkastikong tumawa at pagsabi sakin. Bagay sana ang pangalan niya na Ezra kung hindi lang ganito ugali niya, parang basura.


"I may be an average girl but you cannot underestimate me.", deretsong sabi ko at seryosong seryoso ako sa sinabi ko sa kaniya. Pake ko ba kung sino siya? Gusto ko na lang umalis sa harapan niya hanggang sa magring na ang bell.


"Well, you just got saved by the bell. You're making my blood boil, you know? So what if you're a girl, huh? You're funny.", sarkastikong sabi niya nanaman at bigla rin uminit ulo ko dahil sa sinabi niya sa akin. Alam ba niya ang salitang "gender equality"? Hindi ata eh.


"Pake ko kung sino ka? At may nakakatawa ba sa sinabi ko? Ha!?", sinigawan ko ng kaunti si Ezra dahil kuhang kuha niya ang inis ko, ang aga aga nangiinis 'tong anak ng may ari ng school.


"You know what? You're just wasting my time. Ang panget mo na nga, panget mo pang kausap. Let's go boys.", masungit na sinabi ni Ezra.


Umalis na siya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Pinaguusapan na kami ng mga tao dito, halos lahat sa kanila ay babae. Marami rin pala nakikipag-chikahan dito. Daming mga chismosa.


Nahanap ko na ang classroom ko at pagbukas ko ng pintuan, agad kong nakita 'yong lalaking nakabangga sa 'kin. Si Ezra. Akala ko ba naman ay nakatakas na ako sa kaniya, pero hindi pala. Hay nako!


"Woah! Here comes my enemy!", sinabayan niya ng pagtawa. Talagang sinusubukan niya talaga ako ha!?


"Alam mo, hindi naman kita inaano pagpasok ko pero bakit ganyan ugali mo?", inis na sabi ko sa kaniya.


"Oh bakit? Papalag ka, ha?!" mariin na sabi niya. Bakit siya pa yung nagagalit kung siya naman din ang nagsisimula parati ng away kahit ayaw ko naman na magka-problema?


"Alam mo, manahimik ka nalang, nakakapaginit ng ulo", iritang sabi ko kay Ezra. Hindi matigil tigil 'tong lalaking 'to. Crush mo ba ako, ha?!


"You're just scared", sarkastikong sabi niya sakin. Malapit na talaga ako manapak, promise. Anong pake ko kung lalaki 'yon? Kaya ko ring manapak ng lalaki noh.


"Bwiset, tumigil ka na lang please?! Ang dami mong dada", nagalit na ako sa kaniya.


Hindi na siya nakaimik. Siguro tumatawa na lang 'yon deep inside. Nakakainis naman. Baguhan nga ako rito tapos ganito ang pag-welcome niya sa akin dito sa school? Aba, huwag ngayon. Nakakapagdagdag lang siya ng problema sa buhay ko.


Pero bakit ganun? Even though he's my worst enemy, napopogian ako sa kaniya? He just looked so attractive dahil sa uniform. Maganda nga kasi yung uniform kaya mukhang mayayaman ang mga nagaaral dito sa academy.


"Nagkakagusto ba ako sa kaniya? Ugh stop it, Tasha. Get it together. He's my enemy, remember that.", I whispered to myself.

____________________________________________________________________________

<3

The Untold FeelingsWhere stories live. Discover now