Chapter 6

57 2 0
                                    

The Battle Of Patience

Nang nasa loob kami ng study room niya ay para akong siga na umupo sa sofa.

"San kwarto ko? habang nakataas ang dalawang paa sa maliit na lamesang na sa gitna.

Napahawak ito sa kanyang ulo para bang stress na stress na sakin "pangatlong kwarto. Umalis ka na baka matadyakan pa kita"

Napangiti ako sa sinabi niya, sinadyang iirita siya pa lalo. “Tadyakan? Aba, kaya mo ba?” I crossed my arms and leaned back comfortably on the sofa, not bothering to remove my feet from the table. Gusto ko siyang inisin dahil alam kong stress na siya sa akin. Kung tutuusin, Icarus is used to getting his way with people, pero hindi sa akin. Hindi ko kailanman hahayaan na kontrolin niya ako kahit pa sabihing siya ang may hawak ng kontrata.

Hindi na siya nagsalita pa, pero kita ko sa mukha niya na pilit niyang kinakalma ang sarili. He stood there for a few seconds, probably deciding whether or not to kick me out of the house altogether, pero sa huli, napabuntong-hininga na lang siya at lumapit. Tumigil siya sa harap ko, nakatingin sa akin mula sa itaas.

“Shava,” he started, his voice low but with a hint of irritation, “if you’re going to stay here, you need to act at least a little bit serious. Hindi ito playground, and I don’t have time for your childish games.”

Napanguso ako at tumingala sa kanya, hindi na tinanggal ang nakataas kong mga paa sa mesa. “Eh ano ngayon? Kung ayaw mo sa akin, bakit mo pa ako kinontrata, huh? Kung ayaw mo ng ganitong attitude, then find someone else.”

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusukat ang bawat galaw ko, naghahanap ng paraan para ako kontrolin. But instead of the usual cold and irritated demeanor, nakita kong bahagya siyang ngumisi. “You’re really something else, Savah.”

I raised an eyebrow, not really sure if that was a compliment or another insult. "Well, I'm not your typical girl," I replied, shrugging as if I didn’t care. Pero sa totoo lang, may kunting thrill sa loob ko dahil alam kong somehow, naguguluhan siya sa akin. And that was something I could work with.

After a few moments of tense silence, tumalikod siya at naglakad palabas ng study room. “Follow me,” he called out without looking back.

Napapikit ako ng mata habang humihinga ng malalim bago tumayo mula sa sofa. “Tsk, bossy ka talaga,” I muttered, pero sinundan ko rin siya palabas. Hindi ko na inalis pa ang kamay ko sa bulsa ng aking hoodie habang tinuturo niya ang mga bahagi ng bahay na kailangan kong tandaan. Ang laki ng bahay, para bang naglalaro ako ng maze sa sobrang dami ng kwarto at sulok.

“Pangatlong kwarto sa kanan,” sabi niya, tumigil kami sa harap ng isang malaking pinto. “Ito ang magiging kwarto mo habang nandito ka.”

Sumilip ako sa loob, nakita ko ang malambot na kama, malaking bintana na overlooking ang garden, at mga mamahaling kasangkapan. “Hindi naman pala masama,” sabi ko, habang tumutuloy sa loob para suriin ang silid. “Tamang-tama, pwedeng tambayan ng mga tropa ko.”

Napakunot ang noo ni Icarus at biglang bumaling ang kanyang tingin sa akin. “Tropa mo?” tanong niya, may bahagyang tono ng disapproval.

“Oo,” sagot ko habang naglalakad paikot sa kwarto, hinahaplos ang mga gamit na tila ba akin na. “Stef, Suei, at yung iba. Tambay minsan sa bahay, kaya dito ko rin sila pwedeng dalhin ‘di ba?”

Icarus crossed his arms, his jaw tightening. “Absolutely not. Walang ibang pwedeng makapasok dito maliban sa’yo. This place is private, and I’m not about to let your friends treat it like some hangout spot.”

I smirked at his reaction. “Talaga? Bakit? Baka matuklasan nilang womanizer ka?” I teased, crossing my arms as well. Alam kong nakakairita na ako sa kanya, pero that’s part of the fun. Gusto ko siyang subukan kung hanggang saan ang pasensya niya.

Halos makita ko ang pagtitimpi niya. His eyes narrowed as he looked at me. “You signed the contract, Savah. You follow the rules.”

I rolled my eyes. “Oo na, kontrata, kontrata. Big deal.” Pero hindi ko na rin kinontra pa. “Fine, walang bisita. Pero paano kung gusto ko ng company? You’re not exactly the best conversationalist.”

Bigla siyang lumapit sa akin, at halos maramdaman ko ang bigat ng kanyang presensya. His gaze was sharp and piercing, but there was something else in his eyes that made my heart skip a beat. “We’re not here to be friends, Savah. This is a business arrangement. If you’re bored, deal with it. But don’t think for a second that you can just do whatever you want.”

Napalunok ako, hindi dahil sa takot pero dahil sa intensity ng mga mata niya na nakatitig sa akin. There was a challenge there, one that I wasn’t sure if I was ready to take on. Pero syempre, hindi ko ipapakita na affected ako. Tumayo ako ng diretso at tumitig din sa kanya.

“And what if I do?” I said, raising an eyebrow. “What if I break the rules?”

For a moment, his lips curved into a dangerous smile. “Then I guess we’ll have to see how far you’re willing to go.”

Nagtataka ako kung anong pinaplano niya, pero before I could say anything else, umalis na siya, iniwan akong mag-isa sa kwarto. Habang nakatingin ako sa pinto na sinara niya, hindi ko maiwasang magtanong kung ano ba talaga ang pinasok ko.

Umupo ako sa kama at huminga nang malalim. Parang game na ito ngayon. Ako laban sa kanya. Kung ano man ang plano ni Icarus, I’ll make sure na hindi ako ang matatalo. He may think he’s in control, pero hindi niya pa ako kilala nang buo.

Lumapit ako sa malaking bintana ng kwarto at tinitigan ang tanawin sa labas. The view was breathtaking, but I couldn’t focus on that. My mind was racing, thinking about what would come next. Icarus wasn’t the type of guy na madadala sa simpleng pang-iinis o biro. He was calculating, dangerous even. And that made things more exciting for me.

I grinned to myself, feeling a surge of excitement. “Bring it on, Icarus,” I whispered to the empty room. “Let’s see who wins this game.”

TWB#2 Fake Love, Real Billionaire Where stories live. Discover now