Rixia's POV
.
.
Siraulong yun! Pinagsasabi niya!? Nahihibang na ba siya!? O baka naman matagal na siyang baliw? Naka-drugs ata. Adik yung lalaking yun! Lasing siguro....O baka naman gutom lang. Kung ano-anong pinagsasabi eh!Habang nakaupo ako dito sa kama ko at pinagmamasdan si Lexia na maglaro, si Caspher lang talaga yung nasa isip ko.
'Stay away from that Vano, the male royalties and any man other than me. You understand?'
'And next time na mag-suot ka pa ng ganyan in public.........Hindi ko alam kung anong magagawa ko'
'Because you're my property and you're just mine!'
AIIIISSHHH!! Bwiset na line yan! Hindi mawala-wala sa utak ko!!
Ano ba kasing kahibangan ang ginawa ni Caspher!?
Nakakainis!! Hanggang ngayon, sobrang lakas parin ng kabog ng puso ko na para bang lalabas na!
May part sakin na masaya at parang...........KINIKILIG?????
Hinde! Hinde! Imposible!
Hindi mangyayari yun! Never!!
Huhuhu! Ano ba kasing nangyayari sakin? Ano ba puso! Umayos ka! Pasaway na utak! Kalimutan mo yung line ng mokong na yun! Nakiki-usap ako! Huhuhu!
Natigil lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano ng biglang may pumasok sa kwarto ko.
"Heeyy!" Bungad ni Sirene at sinalubong ng yakap si Lexia. Yung royalties naman ay umupo sa mahabang sofa. Si Celline, Hannah at Allira ay tumabi sakin sa kama.
"Bakit nga pala wala si Sophia?" Bulong ko sa tatlo.
"Nasa kaharian daw 'NINYO'. Tini-train siya sa pakikipag-laban" Sagot ni Celline na pinagdiinan pa talaga ang salitang 'Ninyo'.
"Kanina pa pala umalis sila Marianne kasama si Berniz para bumalik sa mortal world" Ani Allira kaya tinanguan ko siya.
"Hoyy Windy!! Peram muna si Lexia!" Eathan.
"Iihh!! Ayoko nga! Bleehh!!"
"Hindi naman sayo yang alaga ah!? Peram muna kasi!!"
'WAAAHHH MAHAL NA PRINSESA! HUHU! TULONG!!' Napatawa naman ako ng palihim dahil sa sigaw ni Lexia.
Hayy nako..
"Hindi nga sakin toh, pero sayo ba toh!? Kakahawak ko lang sakaniya aagawin mo na agad!! No, no, no!!" Mahabang sabi ni Windy with hand gesture pa.
"Windy kasi!!" Eathan.
"Ayoko nga kasi!!" Windy.
"Isa!" Eathan.
"Dalawa!" Windy.
"Nakakainis ka na ah!?" Eathan.
"Bakit ikaw ba hindi!?" Windy.
"Peram lang naman eh!"
"Eh ayoko nga eh!!" Napa-iling nalang ako dahil sa kakulitan nilang dalawa.
Parang mga bata...
"Akina sab---"
"ENOOOUUGGHH!!" Lahat kami ay natahimik at natigilan dahil sa malakas na sigaw ni Caspher.
Grabe! Yumanig mundo ko ah!!
"You two are so annoying!" Sabi niya pa bago salubong ang kilay na naupo ulit sa sofa.
Kinuha naman ni Sirene si Lexia kay Windy bago ibigay sakin.
'Huhuhu! Mahal na prinsesa....I hate them! Huhuhu' Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kaya nagtaka ang royalties.
"Sinong kausap mo? Oh god! Don't tell me, baliw---Aray ah!?" Daing ni Iceanna dahil binatukan siya ni Ivan.
'Ayos lang ako mahal na prinsesa. Hihi!' Sagot ni Lexia sa tanong ko kaya lumawak ang ngiti ko.
"Hindi ba nasabi sainyo ni Sirene?" Tanong naman ni Hannah.
"Ang alin?" Ate Rei.
"Nakaka-usap ni kyuseshu si Lexia.." Sambit ni Hannah kaya napatango-tango sila at tumahimik na.
*Yawn*
Inaantok na ako..
Ang tagal naman kasi nila Marianne!
"Tulog ka muna lead. Gisingin ka nalang namin pag nandiyan na sila" Bulong sakin ni Celline kaya tumango ako bago humiga sa kama ko at niyakap ng mahigpit si Lexia.
Nakita ko pa ang royalties na babae na nahiga din sa balikat ng mga lalake bago pumikit kaya pinikit ko narin ang mata ko hanggang sa lamunin ako ng antok.
.
.
"Kireina! Gising na.." Naalimpungatan ako ng biglang may yumugyog sa balikat ko kaya minulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Allira."Nandito na sila" Bulong niya kaya napabangon ako at nakita sila Marianne at Berniz na seryoso ang mukha habang malalim ang iniisip.
Ano kayang problema sa mortal world?
"Gisingin niyo na ang mga babae" Sabi ko kaya ginising narin ng mga lalake yung mga babaeng royalties.
Nang makita kong gising na ang lahat ay tumingin muna ako sa wrist watch ko.
11:40 a.m
Tanghali na pala. Kaya pala nagugutom na ako eii.
"Anong nakuha niyong problema?" Tanong ni Cedrick kaya napatingin kami kila Marianne na seryoso parin hanggang ngayon.
"Queen, hindi na namin alam ang gagawin. Baka hindi na natin kayanin" Nag-aalalang sabi ni Berniz kaya kumunot ang noo ko.
"Ano nga kasi ang nalaman niyo?" Ion.
Huminga muna ng malalim ang dalawa at tumingin sakin bago magsalita.
"Sabi ni Mr. Valenueva na naghahanda na ang Ultra-Violet para sa war na magaganap sa pagitan nila at ng organisasyon natin. Naghahanda narin daw ang gang ng anak nila para makipag-laban satin sa gangster arena. At yung labanan na yun at ang war ay next month na. Sa companies naman natin, medyo nagkaka-problema na. Ang sabi nanakawan daw ang company mo ng one billion---"
"One billion!!!!????" Malakas na sigaw ko na ikinaputol ng sasabihin ni Berniz. Halat naman ng kaba sakanilng dalawa ni Marianne.
"O-oo" Sabay na sagot ng dalawa. Naihagis ko naman yung unan sa kung saan.
"Kalma lang Lesley" Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magagalit dahil sa sinabi ni Ate Rei.
"I don't know how!" Sabi ko kaya hinagod ni Hannah ang likod ko.
"Ipagpatuloy niyo na" Celline.
"Sabi din ni Gray kanina na nagpadala ang Ultra-Violet ng death threat kay Blacky. Sabi daw, yung anak nila ang magiging kabayaran sa lahat ng utang na loob o bagay ni Blacky. Nagka-problema din sa Angels University dahil hindi na nasusunod pa yung mga rules sa underground. Wala pa namang pumapatay at namamatay dahil napipigilan agad pero araw-araw nalang daw may gulo sa University. Pero may goodnews naman" Napatingin ako kay Marianne dahil sa huling sinabi niya.
"Anong goodnews?" Sabay-sabay naming tanong maliban sa tatlong cold.
"Nasa airport ngayon ni granma Lea sila Niks. Tumawag kasi sakin si Faye. Ang sabi niya, babalik na daw sila ng pilipinas para tulungan tayo sa mga problema. Nabalitaan daw kasi nila lahat ng problema natin. At may dala daw silang magandang balita na sure na makakapag-pasaya satin" Berniz.