Tahimik na nakaupo si Shawn Perez sa isang upuang bakal sa parke, pinapakinggan ang kalmadong simoy ng hapon. Kakatapos lang ng klase niya, at ang dalawa niyang kaibigang babae ay may lakad, na parang isinasama lang siya kapag may kailangan. Pero wala siyang magagawa dahil wala na siyang ibang malalapitan sa skwelahan kung hindi sila lang dalawa.
Habang nakatingin sa paligid, nakita niya ang mga batang naglalaro at nagtatawanan kasama ang kani-kanilang ina. May kirot sa kanyang puso habang naaalala ang kanyang ina na pumanaw dahil sa sakit na cancer. Ganito rin sila dati, magkasama, masaya.
“Miss ko na si Mama,” bulong niya sa sarili, habang pinipigilang tumulo ang luha. “Kahit anong sabihin ng iba, tanggap niya ako, kahit bakla ako.”
Habang tumatagal, napansin niyang unti-unting dumidilim ang paligid. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang magising siya, alas-onse y medya na ng gabi.
Tinignan muna niya ang cellphone. Napabuntong hininga nalang siya, kahit isang mensahi o isang missed call man lang ay wala. "Kahit siguro mawawala ako dito sa mundo ay walang maghahanap sa akin."
Agad siyang bumangon at nagsimulang maglakad pauwi. Sa daan, may nakita siyang isang matandang babae na nahihirapan sa pagtulak ng mabigat na kariton na puno ng kung anu-anong laman.
Nilapitan niya ito. “Nay, tulungan ko na po kayo,” alok niya.
“Ay, salamat, hijo. Ang bigat kasi,” sagot ng matanda, kita ang pagod sa kanyang mukha.
Habang tinutulungan niya ang matanda at magkasama silang tumatawid sa kalsada, isang mabilis na paparating na sasakyan ang kanyang natanaw mula sa malayo. Wala siyang inisip kundi itulak ang matanda palayo sa daan.
“Nay, tabi po kayo!” sigaw niya bago niya maramdaman ang pagtalsik.
May narinig siyang isang napakagandang ring bell. Tinignan niya ito kung saan galing ang tinig, kahit nanlabo na ang paningin niya ay pilit paring hinahanap ang tinig na ito.
Nakita niya ang imahe ng Ina niya na papalapit, malabo, pero alam niyang Ina niya ito.
"Mag-ingat ka palagi anak." Malabong rinig niya dito.
"Ma?" Huling bigkas niya bago nawalan ng malay.
Nagising si Shawn sa ospital, nanlalabo pa ang paningin. Pinunasan niya ang luha niya ng maalala niya ang pangyayaring nakita ang Ina. Napangiti siya, kahit papaano ay napanaginipan ang Ina niya. Kaya siguro hindi critical ang kalagayan niya dahil iniligtas siya ng Ina niya.
Napansin niyang nagmamadaling pumasok ang ama niya sa silid, tila may hinahanap.
“Pa,” tawag niya, “nandito ako.”
Napalingon ang kanyang ama sa kanya pero agad itong umiwas ng tingin, para bang hindi siya kilala.
“A-anong nangyayari?” tanong ni Shawn, nalilito. “Bakit parang hindi ako kilala ni Papa?”
Lumapit ang ama niya at tinanong siya, “Miss, nakita mo ba si Shawn, ang anak ko?”
Napakunot ang noo ni Shawn. “Ano’ng kalokohan ‘yan, Pa? Nasa harapan mo na ako!”
Pero bago siya makapagsalita pa, narinig niya ang sunod na sinabi ng ama niya: “Iha, wala ka bang alam kung nasaan siya?”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. "Miss...Iha?" tanong niya sa sarili, nagtataka. Natawa nalang siya dahil sa narinig ng ama niya. "Alam ko na bakla ako Pa, pero huwag ka namang magpatawa. Kailan mo pa ako tinanggap na magiging bakla."
Napailing ang ama niya at tumawag ng nurse. “Nurse, paki-check up nga itong dalaga. Mukhang wala sa tamang pag-iisip. Ginagaya ang anak kong si Shawn.”
Napamura si Shawn. “Anong ginagaya? Anak mo naman talaga ako!”
Bigla na lang may nag-notify sa kanyang cellphone, kaya’t mabilis niyang kinuha ito. Pagtingin niya sa screen, nakita niya ang repleksyon ng isang babae. Napasigaw siya, halatang nahihintakutan.
“Anong nangyayari sa’kin?! Bakit mukha akong babae?!”
YOU ARE READING
Midnight Switch
FantasyLiving in the shadows at school, he feels invisible, struggling with his identity and the weight of being a "nobody." With two half-brothers who couldn't be more different and a stepmother who barely notices him, his only solace is his loving, overp...