Greatest 02

2.3K 131 90
                                    

Always Been My Greatest 02


                                      ⋆ ˚。⋆୨♡୧⋆ ˚。⋆


"Ano? Wala raw?"

Palapit si Jacob habang umiiling-iling. Mabilis ang naging pagtayo namin ni Cedrix dahil sa balitang dala ng kaibigan.

Walang pasok sa isang subject.

"Hindi pa 'yon nakakalayo, 'di ba?"

"Oo, bilis!"

I grabbed my backpack and pulled the hem of Jacob's shirt. "Bakit, gago?"

"Basta grasya 'to, bilisan niyo!" sabi ni Cedrix, ang mga mata ay lumilingat-lingat.

Mabilis ang lakad naming dumiretso sa labas ng campus papunta sa isang café.

"Akin 'yung mahaba ang buhok."

I eyed the girl with a short hair and faded blue jeans. Damn that thick thigh. "Akin 'yung morena."

"Tangina niyo! Akala ko kung anong grasya! Babae lang pala, mga kupal!"

I rolled my eyes but still has that curious look to the girl who's my type. She's with her circle, they're smoking hot and hella gorgeous circle of friends.

Apat sila roon. Si Cadence na lang ang kulang at partner-partner na kami rito. Swabe ang naging pasok naming tatlo sa café kung saan dumiretso iyong mga babae.

The ambiance here screams elegancy, siguradong iiyak na naman ang pitaka ko rito. 'Di bale, sobrang sarap—ganda naman ng tanawin.

"Ano sa'yo?"

"Kahit ano basta masarap."

Tinapik ni Jacob ang dibdib ko. "Dude, you're looking at the morena girl like she's your prey! Tangina ka talaga!"

Cedrix laughed too, tilting his head. "Iyong masarap daw pero naka tingin kay Nabi."

With the sudden mention of a girl's name, I immediately diverted my focus to Cedrix. "Nabi?" I asked to clarify.

He simply point the girl who's my type using his lips. Lumapit siya nang kaunti at bumulong. "Nariana Abigail Reyes. Freshie 'yan, best friend ni Hanna."

"And who's Hanna?" tanong ni Jacob.

Cedrix's lips formed a snobbish smile. "Iyong pinopormahan ko."

Nangunot ang noo ko. Si Cedrix? Poporma? Kung damit baka maniwala pa ako pero kung sa babae siya poporma, nagkakalokohan na yata kami rito.

E, iisa lang ang likaw ng bituka namin ng hayop na 'yan, e. Pasimple lang gumalaw at lumandi pero gago at babaero pa rin kung susumahin.

Mukhang ganoon din ang iniisip ni Jacob dahil pabiro niyang binatukan ang kaibigan.

"Pinopormahan para maka-home base?"

Umiling ito. He turned his look to the girls' table and the short hair girl who's really fair smiled a bit at... Cedrix. Shit! Totoo nga!

Nagyayabang na lumingon sa amin si Cedrix at itinaas-taas lang ang kilay. "See? Pinopormahan ko nga.... seryosohan."

Tangina.

Isang playboy na naman ang magreretiro.

"Tayo na lang pala mag-aagawan sa mga babae, Cob, e."

Umiling si Jacob. "Tanga! Ba't kailangan mag-agawan? Magkaiba tayo ng tipo."

Yeah, he's right. I'm into model type of body, iyong toned and sexy. Napansin kong iba rin ang dating sa akin ng mga morena at maikling buhok.

Si Cedrix kasi chinita at cute vibe ang gusto. Iyong parang Korean o Japanese ang itsura. Si Jacob naman... ewan, he's into Nursing students.

Always Been My Greatest Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon