Bree's POV
6 months ago..
"Ate Breeiana! Bilisan mo na diyan!"
"Okay!" Halos magsigawan na kami ni Aims dito sa bahay. Its already 6pm na ng Gabi. Ngayon namin gaganapin ang bridal shower ko. Ohmygahd. I can't wait. Bukas na ang araw na pinaka'hihintay namin ni Julian. Dati, brides maid lang ako ni Althea, pero ngayon. Ako na ang bride.
Nagpunta na kami sa hotel kung saan kami mag'iistay in. Dun na din ako aayusan bukas. Pati ang mga bride's made and family ko. Magkakahiwa-hiwalay ang rooms namin. Pero kami nila Shiena, Jai, Althea, Aims, at Ate Lia ay sa iisang room lang. Nagkasya naman kami. Dito nadin namin gaganapin ang bridal shower.
"Girls, are you ready?" Na'eexcite pang tanong ni Ate Lia sa amin. Kasalukuyang nasa hotel room na kami. Nag'sitanguan nalang naman kami kay ate. Kaya naman maya maya'y may nag'doorbell.
"Omg! This is it!"
"Sheeeeet!"
Nagsimulang pumasok ang mga lalaking nakatopless at boxers lamang ang soot. Saan galing 'tong mga to? Lahat sila nakang mascara. Yung isa sa kanila ay nagpatugtog at pinatay ang main light ng kwarto. Ilaw lang ng malaking lampshade ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto namin. Nagpatugtog din sila ng sexy love.
Anim yung mga lalaking nandito. Isa isa nila kaming nilapitan. At nagsayaw sayaw sa harap namin. Pero yung lalaking nasa harap ko. Parang kilala ko yung matang to ah. Unti unti akong lumapit sa kanya at natanggal ko yung mascara niya.
"Hi.", Bati pa niya sa akin. At agad naman akong napangiti.
"Anong ginagawa mo dito?" Nilagay ko yung mga kamay ko sa may batok niya.
"Hmm, mag'aadvance sana ako. Yung sa honeymoon natin. Pwedeng ngayon, aray!" Bigla ko kasi siyang binatukan. Ang landi ba naman kasi.
"Ano ulet yun?"
"Joke lang eh. Eto naman." Tapos hinalikan niya pa ako sa noo.
"Sheet! Tara na sa kwarto!" Napalingon naman kami kay Aims na sinamaan ng tingin ng kuya niya.
"Just kidding, kuya naman." Umirap nalang sa kanya si Aims. At kami naman ay natawa nalang.
"Sino sino kasama mo?"
"Si Renzo, ayun nasa harap ni Aims, si Chester na kay Lia, si Jigs syempre na kay Althea at si Dale na kay Shiena." Nagtawanan naman kami doon ni Julian. Habang ang mga babae ay nagtitilian at kinikilig padin. Natatawa nalang ako sa mga pinag'gagawa nila. Pero Di ako makafocus dahil sa katabi ko. Hello! Naka'topless at boxers lang ho siya! Grabe. Baka marape ko pa to.
"Ahm, Julian? Pwede, magbihis kana?"
"Bakit naaakit kana?" Sabi niya pa with his sexy voice. Leche naman eh! Ugh. Behave okay? Behave.
"Magbibihis kana, o walang kasal na magaganap bukas?"
"Sige."
"Anong Sige?"
"Sige magbibihis na." Agad naman siyang nagpunta sa banyo para magpalit ng damit. Nagulat ako at nagtshirt at pajamas siya.
"Bakit ganyan soot mo?"
"Sa baba lang naman room namin eh." Napatango nalang ako sa kanya. Nakita naman naming tapos na ang kalandian ng mga boys at nakabihis na. Nagpunta naman kami ni Julian sa my veranda ng hotel room na 'to. Magkatabi kami habang yakap ko siya sa beywang at yakap niya ako ng mga bisig niya. Ang sarap lang makulong sa mga bisig niya.
"Baby.." Malambing na tawag niya sa akin. Tinignan ko siya, hindi naman siya nakatingin sa akin. Pero nakatingin siya sa mga stars.
"Hmmm?" Tinitigan ko pa din siya.
"Bukas, hindi na kita girlfriend o fiance, magiging asawa na kita." Nakita ko naman ang panunubig ng mga mata niya, kaya pala nakatingin sa taas para Di ko makita ang mga luha niya.
"At bukas, hindi na kita boyfriend. Mister kana." Ngumiti naman siya sa akin at agad na nagpunas ng luha.
"Bukas nako magsasalita, baka masabi ko yung vow ko para bukas eh." Tapos niyakap niya ako ulit. Ramdam na ramdam ko ang mainit na yakap niya. Yung pakiramdam na ayoko ng bumitaw pa. Rinig na rinig ko rin ang bawat pagtibok ng puso niya. Yung pakiramdam na gusto mo nalang makatulog sa mga bisig niya. Hinalikan naman niya ako sa noo. Ang sarap ng hangin, ang sarap matulog.
BINABASA MO ANG
Captured hearts ❤
RomanceAre you willing to fight for your feelings? Paano kung puro takot ang nandiyan sa puso mo, pero nagmamahal ka sa isang tao? Paano kung natatakot kang magmahal ulit? What would you do? Are you going to face your fear and trust? Or just ignore what yo...