Nagising ako mula sa pakaka-idlip dahil sa marahang pagyugyog ng kung sino mang pontio pilato sa balikat ko.
Raising my head, still with my eyes blurred, I asked "What?"
"You done? 30 minutes na lang, ipapasa na yung plate." It was Xienna. I took my time to let my eyes refocus. There were still a few lines on my plate that needed to be inked.
I looked at her again, shaking my head. "Malapit na, kaunti na lang."
Semi finals just started pero parang masyado na agad madugo. Ang dami na kaagad pinapagawa!
Mga mamser, baka pwedeng paawat naman oh. Wala ba kayong pa-academic break diyan?!
Lunch came, agad kaming dumiretso sa usual karinderya na kinakainan namin. Wala munang fastfood-fastfood, lahat kami nasa petsa de peligro ngayon. Dormer things.
While having our lunch, we talked about some academic related stuffs. Mostly, about our incoming Design plate since iyon ang pinaka-importanteng subject sa program namin.
"Oy! Bading!" Matinis na tawag ni Xienna, nakatingin siya sa may bandang likuran ko. Nang lumingon ako, nakita kong nakalapit na sa amin si Ingo. Agad bumungad sa akin ang amoy ng sigarilyo.
We're already done eating, yet still sitting here waiting for the food to settle. "Io, libre mo ko coke." Pagpaparinig sa akin ni Ingo.
"May pang-yosi pero walang pang-coke?" Pabiro kong sumbat, pero inabutan ko pa din siya ng bente pesos. Para siyang batang nabigyan ng kendi, nangingiti itong lumapit sa tindera para bumili.
Paubos na allowance ko pero I still have a lot of extra money dahil na din sa mga raket ko. I don't really mind treating my friends sometimes. Pero budget friendly lang din na libre. Kuripot ako eh.
Nang kahit papaano ay natunawan na kami, nagsimula na kaming maglakad papasok ulit sa uni. They're all walking in front while I was at the back. Di nakawala sa akin ang bahagyang paglingon ni Ingo, paunti-unti niyang binagalan ang hakbang para magkasabay kami sa paglakad. "Diba ngayon lakad niyo?" Tanong niya habang marahan akong sinisiko.
"Ha?"
"Miyerkules ngayon, diba?"
Kumunot noo ko.
"Ano ang Miyerkules? English lang alam ko." He gave me a dead pan look. I know... I know... I couldn't believe it, too. Sabado, Linggo, Lunes, at Biyernes lang alam ko. Lagi akong nalilito sa tatlong natitirang araw.
Sa kinse at singkwenta nga nalilito pa din ako, diyan pa kaya?
"Ano ba yan! Si Levi susunduin ka mamaya, diba? Magd-date kayo." Oh shit! I forgot!
"Heh! Wag ka maingay, di ko nga sinasabi sa kanila." Halos pabulong kong pagsita sa kanya sabay nguso sa mga kasama naming naglalakad sa unahan.
Nawala sa isip kong may lakad nga pala ako mamaya with Leviathan, or more like it never really crossed my mind again after that night he first texted me. Dalawang araw na ang nakaraan simula nang una niya akong tinext and I'm quite surprised na hindi na yun nasundan. As far as I know, talking stage requires frequent messaging.
Lumipas ang mga oras, hindi na nawala sa sistema ko ang kaba para sa magiging lakad ko mamaya. Bakit pa kasi pinaalala sakin ni Ingo!
It's already 5 in the afternoon, the instructor finally dismissed us. Niligpit ko na ang mga gamit kong nakapatong sa desk. As I carried all my stuff, I noticed something off.
"Asan T-square mo, Rio?" Puna ni Myrtle. Nilibot ko ang tingin sa kanila at nakitang may mga nakasabit silang t-square sa balikat, except for me. I cursed under my breath, galing pa yun kay Kuya! Kung hindi ako makakaputol, makakawala naman! Mabilis akong nagpaalam na sa kanila at nauna nang umalis. If I'm right, baka sa karinderya ko iyon naiwan. Wala akong maalalang may bitbit akong t-square pagkapasok ng campus.
BINABASA MO ANG
Beyond The Horizon (Legacy #1)
RomanceSince he was a kid, Capt. Alexander Zugasti had always dreamt of venturing the seas. Wanting to get away from his parents grasp who wants him to take over their chain of companies someday, he tried to pursue his dreams away from the family he grew u...