Wala ng nakapagsalita sa amin matapos dakpin sa marahas na paraan, halos magkandabali-bali pa ang buto ko sa katawan habang iginagapos sa mahabang kayawan. Hindi na rin namin naisipang manlaban dahil sa dami ng patalim na nakatutok, kaunting maling galaw lang ay puwede ng malagutan ng hininga. Nang maigapos kaming apat, pinagtulungan na nila sa pagpasan ang kawayan. Kumakanta pa sila habang binabaybay ang makipot na daan.
“What the f—saan ba tayo dadalhin ng mga hayop na 'to?” hindi mapigilang tanong ni Andres. Sinubukan niyang magpumiglas pero nauwi sa pagdaing nang saksakin ng balisong sa hita.
“Sh*t!” pagmura ni Jorge.
Tahimik lang si Carlos, palihim na nagdasal. Pinagmasdan ko naman ang mga nilalang na bumihag sa amin. Tao rin naman sila subalit sobrang itim ng balat, mahahaba ang mga buhok na maayos namang nakatali, may kahabaan ang mga kuko, nakapaa, umalingasaw ang malalansang amoy, wala silang pang-itaas, tanging kapirasong punit-punit na tela lamang ang nakatakip sa maseselang bahagi, nanlilisik at mapupula ang kanilang mga mata, at may katulisan ang mga ngipin na sobrang itim. Parang unggoy sila kung gumalaw, iyon bang bahagyang pagewang-gewang habang naglalakad, para ring asong gusto ng kumagat dahil sa walang tigil na pagpapakawala ng mahihinang halinghing. Sa hinaba-haba ng nilakbay, hindi ko na alam kung saang parte ng Isla Himlayan na kami napadpad. Mahigit isang oras na nila kaming karga-karga, ni hindi man lang sila nagpahinga kahit isang segundo. Mahigit isang oras na rin kaming kabado sa maaaring kahinatnat. Hindi nagtagal, sa paglipas ng ilan pang sandali, sa wakas narating din ang paroroonan. Sabay pa kaming napadaing matapos walang kung ano-anong ibinagsak sa mabatong lupa. Isa-isa kaming kinalagan at binigyan ng kaunting oras para makahinga.
“Lima minuto,” saad ng isang nilalang na lumapit sa amin. Base sa pananalita niya, parang nagsimula pa lang siyang matutong magsalita.
“Tribo Baguun?” nagtatakang sambit ni Carlos sa mga letrang nakaukit sa kapirasong tabla na nakasabit sa bakod na gawa sa kawayan.
“Nag-time travel ba tayo pabalik sa past? What era? Before Christ?” naguguluhang tanong ni Jorge.
“Shut up!” biglaang sigaw ni Andres. “It doesn’t matter kung nag-time travel tayo o kung anong era ang kinalalagyan natin ngayon, what matters now is kung paano tayo maka-survive!”
Muli kaming natahimik, napapaisip. Kalaunan, nagkatinginan sa isa’t isa nang parehong maisip ang pagtakas ngunit isa lang iyong daan patungo sa kamatayan dahil bantay-sarado, sa likod at gilid ay may mga patalim na nakabantay. Hindi rin kami iniwanan ng tingin ng mga nilalang na nakapalibot.
“Are they even human?” tanong ni Carlos nang mapansin ang naglalakihang karne ng kung anong hayop na karga-karga ng mga nilalang. Karne ng hayop na hindi namin sigurado kung nakakain ba ng ordinaryong tao.
“Sa hitsura nila naisipan mo pang itanong iyan?” saad ni Andres.
“Galit ka ba, Andres?” tanong ni Jorge na may bahid na ring galit ang boses.
“Oo dahil p*tangina itong napasok natin!” sagot ni Andres, napapalakas na ang boses.
“O, akala ko ba mag-iisip tayo ng paraan para maka-survive? May paraan ba tayong maiisip diyan sa pagtatalo ninyo?” Sa pagkakataong ito ako naman ang nagsalita. “Alam kong tensyonado tayong lahat dahil sa hindi inaasahang pangyayari pero sana naman huwag nating pairalin ang damdamin! Kailangan nating mag-isip!”
Sa ikatlong pagkakataon muli kaming natahimik.
Ilang sandali pa ang lumipas bago kami nakaisip ng paraan, nagsilapit ang mga nilalang. Marahas kaming pinatayo na halos mabalian na ng braso sa biglaang paghila. Nagkaroon pa ng saglitang pagpapalitan ng lakas dahil napikon si Andres, nakasuntok. Lumaban ang nilalang na kaniyang sinuntok at bago pa man tumaob sa kaniyang ulo ang dulo ng palaso, may dumating. Wala ring ipinagkaiba sa mga nilalang na kaharap namin.
“Kayo apat sunod sa akin,” ani ng nilalang na bahagyang mas malaki ang pangangatawan at mas matangkad. Matigas ang pagmumukha niya, seryosong-seryoso. Pagkatapos niyang sabihin iyon, nauna na siya sa paglakad, papasok sa mismong tribo.
Itinulak-tulak pa kami upang makasunod sa lalaking iyon. Nakapipikon pero kailangang magtimpi upang hindi mahagupit ng patalim. Pagpasok namin ng tribo, marami pala sila. Sa tantiya ko aabot ng isang daan. May mga babae, may lalaki, may bata, at may matanda. Pagdating sa harapan ng maliit na entabladong gawa sa kahoy, sapilitan nila kaming pinaluhod. Ilang sandali pa, umakyat sa entablado ang dalawang lalaki: matanda ang isa, ang isa naman ay hindi nalalayo sa amin ang edad. May sumunod pang dalawa.
“Sila ang ating bihag. Ano gagawin sa kanila? Malayo pa ang piyesta ng bakunawa,” saad ng lalaking tumawag sa amin kanina.
“Gawin silang laruan. Lalaro tayo ngayong gabi,” tugon ng matandang nasa entablado. Kahit pantigan ang kanilang pagbigkas at pahinto-hinto, malinaw naman ang nakapaloob na mensahe at iyon ang mas nakadagdag kaba sa amin.
“Anong laro?” baling sa akin ni Carlos.
“Hindi ko alam,” tugon ko.
“Whatever it is, siguraduhin natin na mabubuhay tayo,” saad ni Jorge.
“Kung makasilip ng pagkakataong tumakas, gawin na natin,” ani Andres.
Palihim na lamang akong sumang-ayon sa kanilang tatlo. Wala naman kaming pagpipilian kung hindi harapin ang hamon ng tribong ito. Right now, it’s a matter of life and death.
“Pahabol sila aso!” saad pa ng matanda sabay turo sa aming likuran.
Pareho kaming napalingon at mukhang nauna nang tumakas ang aming kaluluwa sa katawan. Ang tinutukoy niyang aso ay hindi aso kung hindi isang halimaw. Nilalang na kung tawagin nating mga tao ay sigbin. Ang sigbin ay isang uri ng aswang na kasinglaki ng normal na laki ng kambing. Mapupula ang mga mata, naglalabasan ang matutulis na mga pangil, nakalabas ang may kahabaang dila, pagapang itong kumilos at nakaliyad. Base sa naririnig kung usap-usapan sa amin, wala pang ni isang tao nakaligtas sa aswang na ito.
“The fvck! Aso sa kanila ’yan?” bulalas ni Carlos na punong-puno ng takot ang boses.
“Aso? Sigbin iyan, eh!” dagdag pa ni Jorge.
Naalerto kaming apat nang magsilapit ang mga nilalang at hilahin kami patayo. Kinalagan na ang mga kamay naming nakagapos at sabay na itinulak palapit sa sigbin na naghihintay sa unahan.
“Takbo kayo riyan,” saad ng lalaking nagsasalita kanina. “Diretso huwag liko. Sundin daan. Kapag darating kayo dulo nang buhay, ligtas kayo.”
Sabay kaming napatingin sa gawing kanan. May makipot na daan doon na maghahatid sa amin patungo sa madilim na kagubatan. Kakila-kilabot na ang daan tapos may hahabol pa na aswang.
“Esteeban, bilang ka kalahating oras. Kung hindi sila abot sa dulo sa loob ng kalahating oras, patayin mo,” mariing banta ng matandang nasa entablado.
“Dinig ninyo sabi ni Osang Ilwa? Kalahating oras abot kayo dulo. Ang hindi papatayin ko. Sige na! Takbo!” hudyat ng lalaki, si Esteeban.
Sa hudyat niyang iyon, wala na kaming nagawa kung hindi tumakbo dahil kumilos na rin ang sigbin. Walang lingon-likod kaming nag-uunahan pero sa kalagitnaan pa lang ng daan isa sa amin ang sinundo ni Kamatayan.
“Carlos!”
Sa sandaling ito, ang maputik na daan ay pinangingibabawan ng nagkagutay-gutay na laman.
“Tara na! Tara na!”
BINABASA MO ANG
Tribo Baguun
HorrorSabi nila ang bawat daan ay mayroong hangganan subalit walang nakakaalam kung anong maaaring kahinatnan. Tunghayan ang kuwento ng magkakaibigan na sina Aaron, Carlos, Jorge, at Andres sa kanilang road trip sa kahabaan ng kalsada ng Isla Himlayan. Sa...