Chapter 36

883 48 5
                                    

not edited.

Chapter 36:







"Pota, saan ba tayo pupunta?" Reklamo ni Andrei nang tawagan ko siyang kitain ako rito sa South Lavender seaside.

"Puro ka reklamo tang ina, may papanoorin lang tayo." Sagot ko, naglakad papunta sa resto bar kung saan nag-gi-gig sila Everest.

"Siguraduhin mong hindi mga babae 'yan, ikakapahamak ko pa." Sagot niya nang sumunod siya sa'kin.

"Wala akong balak manood ng babae, tanga. Pogi rin hanap ko." Sagot ko.

"I think same?" Natatawang sagot niya kaya binatukan ko siya. Inang 'yan.

"Ano pala nangyari kay Arrow?" Tanong ko, pumasok na kami sa resto bar, punuan na naman. Ang dami nang tao kaya sa may likod na part na lang kami pumwesto ni Andrei. Okay na rin para hindi niya kami makita. Gusto ko lang siya makita ngayon. Tang ina, isang linggo akong nangulila sa kan'ya.

"Ayon, naaksidente kahahanap kay Archer." Sagot niya nang makaupo kami. Agad niyang tinawag 'yong waiter na dumaan malapit sa'min para mag-order.

"Nahanap na?"

"Oo, nasa hospital ngayon. Uuwi na rin yata sila mamaya. Balak ng girls pumunta sa bahay nila Arrow, sleepover daw." Sagot niya.

"Sige lang. Diretyo na tayo mamaya roon." Sagot ko.

"Sino ba pinunta natin dito kasi?" Kunot noong tanong niya, lumingon pa sa bandang stage. May ibang kumakanta roon, mamaya pa siguro sila Everest. Alam kong may gig sila ngayon dito dahil nakita ko kahapon 'yong kabanda niya at nasabi may gig nga sila rito.


"Si Everest." Sagot ko.


Agad na lumingon siya sa'kin, kunot na kunot ang noo.


"Hindi kami magkapatid." Sagot ko.

Tumawa siya, umikot ang mata ko at inambahan siya, pero mas inasar pa ako ni tanga, "Pre, buti na lang. Paano na lang kung magkapatid kayo?" Tawa pa niya. Sarap niyang birahin tang ina.


"Saksakin mo na lang ako kung ganoon." Sagot ko na siyang ikinatawa niya lalo.


Dumating ang order namin, sakto rin na dumating ang banda ni Everest. Hinanap agad siya ng mga mata ko, pero agad na nangunot ang noo nang makitang nakaakbay sa kan'ya 'yong isa sa mga kabanda niya.


"Tang ina." Naiyukom ko ang kamay, masama ang tingin doon sa lalaki. Sarap baliin.

Narinig ko ang pagtawa ni Andrei, pero hindi nawala ang sama ng tingin ko roon sa kamay no'ng kabanda niya. Bakit kasi nagpapaakbay? Akala ko ba hihintayin niya ako? Ano 'yan?!


"Ikalma mo naman, Davy." Hindi ko ulit pinansin ang isa pang nagpapainit ng ulo ko na nasa tabi ko. Sana pala hindi ko na siya sinama, dadagdag pala siya sa sakit ng ulo ko.


"Isang linggo lang akong nawala..." kinuha ko ang bote ng beer, diretyo ko 'yon ininom.


Tumawa ulit si Andrei, "Iwas pa kasi." Sagot niya.


Stardust SerenadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon