Gab's POV
"Nakita mo yun, Kevs? Nakita mo? Nakita mo? Ngumiti si Paul my love sakiiiiiin!" pangungulit ko kay Kevin.
"Nakangiti na siya bago pa tumingin sa'yo. Wag kang masyadong feeler. Ni hindi ka nga kilala nung tao eh. Hinay-hinay lang."
"Eto naman. Wag ka na lang kumontra please?"
Haaay. Ang gwapo talaga ni Paul.
Pumunta na kami sa classroom . Dumating na yung adviser namin, si Ma'am Castolo. Physics teacher din namin siya, first subject.
"Good morning class." si Ma'am Castolo.
"Good morning Ma'am Castolo."
"Gaya nang nakagawian, magbibigay ako ng pre-test."
"EEHHHHH? Hala Ma'am!"
O___________O ako yan. Putek. Di ako magaling sa Physics. Waaaaaaah!
After ng checking ng test, binalik na ang papers samin at umalis na si Ma'am.
Natatakot akong tingnan yung score ko. Huhuhu. Unti-unti kong binuksan ang mata ko.
.
.
.
30/50
TT__________TT ako ulit yan. My goodness! Pasado! Saktong 60%! Nakakaiyak.
"Ano ba yan! Isa na lang, perfect na sana. Benta, wrong spelling."
Sino ba 'tong mayabang na 'to? HAH! Si Kevin lang naman. Oo, magaling yan sa Physics. SUPER.
"Ang yabang mooooo!" si Alison habang sinasabunutan si Kevin. Yep, magkakatabi kami.
"Ilan ka ba?" tanong ni Kevin.
"29! Isa na lang din, passing na. Huhuhu. Ikaw Gab?"
"HEH!" mayabang kong pinakita ang score ko sa kanila. "Thirty! Sakto passing."
"Ang daya namaaaaaaan! Lowest ako sa'tin. Mamigay ka naman ng score Kevs!"
"Ayoko nga. Akin na lang yung one point mo Gab, para perfect na ako, tapos pareho na kayong 29. HAHAHA!"
"Ang sama!" at sabay naming hinampas si Kevin. >_______________<
After ng morning subjects, lunch break na. Sa school garden kami kumakain. Bibili lang ng softdrinks or juice sa cafeteria kasi may mga baon kami.
"Mm! Si Audrey." pansin ni Kevin. "Kasama si Paul my love mo."
Lumingon ako. Haaay. Parang kaninang umaga lang ngumiti siya sakin. Ngayon, buong ngiti siyang nakatingin kay Audrey. Nabanggit ko noon na gusto ko maging si Audrey. Bakit? Si Audrey lang naman ang babaeng nililigawan ni Paul. Ang swerte niya, pero hanggang ngayon, di pa rin niya sinasagot si Paul. Naku! Kung ako sana niligawan mo, edi tayo na. Noon pa!
Si Audrey Jane Cueto. A petite girl. Cute siya. May lahing Korean kaya ang puti. May long curly hair na bagay sa kanya. Mayaman din. 11th grade.
Anyway, hindi sila bagay ni Paul. Nagbubulag bulagan lang yang si Paul. Ako talaga gusto niya. Diba? Dibaaaaaaa? Ang pangit naman niyang si Audrey eh. Huhuhu. K. Ang bitter ko lang. TT__________TT
"Gab, hinay-hinay. Naubos na yang tinidor mo kakangatngat." pang-aasar ni Kevin.
"Ewan ko sa'yo! Teka nga, CR muna ako."
After kong magCR, napatingin ako sa relo ko at shocks! Magta-time na. Tumakbo ako papuntang classroom nang biglang may nabunggo ako at . . .
CRACK!
Ouch! Tumingin ako kung sino ang nabunggo ko at nagulat ako nang makita ang gwapong pagmumukha ni Matthew. Nakatingin siya sa may paa ko. Tiningnan ko din.
Nakita ko ang isang sirang mechanical pencil na natatapakan ko. Eto ba yung nag-crack? Ako ba nakasira neto? Pinulot ko at inabot sa kanya.
"Sorry."
"Sorry lang? Alam mo ba kung anong nasira mo?" galit na kinuha sakin ni Matthew ang mechanical pencil.
"Ah eh, yung mechanical pencil mo." pilosopong sagot ko.
"Hindi lang 'to basta-bastang mechanical pencil. Pano mo 'to papalitan?"
.
.
.
"Mayaman ka naman, ba't di ka na lang bumili ng bago? O gusto mo bili na lang ako ng bago. Mukha namang mumurahin at mabibili lang yan sa tabi-tabi."
.
.
.
Joke. Di ko yan sinabi. Nakakatakot yung itsura niya eh. Baka masuntok ako.
"Ah, eh. Magkano ba yan? 100? 200? Palitan ko na lang?"
"Sigurado kang kaya mo 'tong palitan? $5,000.00 'to."
.
.
.
"HUWAAAAT? $5,000.00? Sino niloko mo? Eh mukhang meron niyan sa national eh. P50.00 lang."
.
.
.
Joke ulit. Di ko yan sinabi.
"Ah, eh. Sorry. Di ko yata kayang palitan yan. I-scotch tape ko na lang, pwede?" biro ko.
Aba! Lalong nagalit.
"Sa tingin mo ganun na lang yun?"
"Eh, anong gagawin ko? Di ko naman mapapalitan. Wala akong pambayad! Ayaw mo namang i-scotch tape ko. Alangan magpa-alila ako sa'yo hanggang sa mapagbayaran ko yung $5,000.00 na halaga nyang nasira ko? Sa mga tv lang yun nangyayari noh!"
Biglang lumiwanag yung pagmumukha niya. Hala! Ba't kinakabahan ako?
"Ba't di natin gawin yun?" nakangiti niyang sabi.
"Ha? Alin?"
"Tutal ikaw na rin nag-suggest non. At wala ka ngang pambayad. Then, you'll be my slave. That way, you can pay your debt."
"Teka, teka, teka! A-anong pinagsasasabi mo?"
What the hell?
"You'll be my slave."
Kill me now, please. Huhuhu. TT___________TT
~
That's Alison on the multimedia. ♥
BINABASA MO ANG
Serving Mr. Arrogant
Teen FictionHindi ko na maalala kung pano ako napasok sa deal na 'to. Dejoke. Naaalala ko talaga, ayaw ko lang talagang maalala. UGGGHHHH!