Xian's POV
Umalis na rin si Rowan, pinatawag daw siya ng coach nila. Inaya niya pa ako sana mag dinner pero tumaggi ako.
Pa hard to get din mga ante! Wag uto-uto.
"Xi!" Tawag sakin kaya napalingon ako. Hindi ko nagustuhan kung sino ang nakita kong tumawag sakin.
"Huy, Theodore Laquerino, saan kayo pumunta!? Iniwan niyo kong naka tunganga don sa gym." Iritado kong saad.
Kinamot niya lang ang ulo niya. "E-ehh, bigla kasi kaming ni love arrest. Di na kami nakapag sabi sayo."
Napataas naman ang kilay ko.
Hmp! Men and their alibis.
Tinaas niya pa ang kanyang dalawang kamay "Totoo! Mamatay kaman."
Wait... Parang mali yun ah!
*Realization hits
"Aba!" Sabay hampas sa kanya. Tinawanan lang ako hmp!
Alam niyo kahit may saltik tong kaibigan ko na to, di maipag kakaila na gwapo rin siya. Uy, walang malisya ha, nag sasabi lang ng totoo.
Akala ko nga nong una is babaero to eh, nasa mukha kasi HAHAHA. So far, wala pa naman akong nabalitaang nabuntis niya, ay charot. I mean, mali pala ang expectations ko sa kanya.
He's so goofy para siyang puppy, ang gentleman din pero yun ngalang may pagka baliw na side.
"Anyway, nasaan na si jha?" Tanong ko. "Edi andon na naman sa crush niyang hilaw." Gigil nitong saad.
Matagal ko nang pansin kay theo na super protective niya kay jha. Sakin din naman pero iba talaga pag dating kay Jha eh, di ko nalang binibigyann ng pansin. Pinaningkitan ko siya ng mata.
Hmm..
"Uy anong tingin yan xi? Hindi ko yan gusto."
"Gutom lang ako, halika kana." Palusot ko.
"Palagi naman eh" sabi niya pero di ko medjo narinig.
Kumain kami ni theo ulit sa canteen and mwehehe... nilibre niya ko! Pang peace offering daw. Parang gusto ko nalang mag tampo palagi hihihi
Medjo na initan nako sa jacket kaya hinubad ko muna. Nagtaka naman akong makita ang mukha ni Theo, sobrang pula tas natutulala pa. Nang mapagtanto ko kung saan siya naka tingin napa ngisi ako. Na alsa pala ang damit ko, nakita niya siguro nipples ko hahaha. Maikli lang kasi ang cop top ko.
Teasing time!
"Hey Mr., nandito po ang mata ko." Hinawakan ko ang baba niya at inangat deretcho sakin. Napatawa ako internally HAHAHA mas namula siya!!! Di naman ako na b-bother, I mean nakita ko rin naman yung katawan niya so I guess wala namang malisya yun.
"U-uhmm? Anong ginawa niyong dalawa? Hmm? Wag nyong sabihin nagkadevelop-an na kayo!" Biglang sulpoy ni Jha, kaya tinulak ako bigla ni theo at nasalampak ako sa sahig.
Oww, shots! Ansakit ng pwet ko!!!
"Wuy you didn't have to push me!!" English yun ah. Ansakit kasi. "S-sorry, ito kasing si Jha eh nang gugulat." Saad niya at tinulungan akong makatayo.
YOU ARE READING
Falling Behind
RomanceNaranasan mo na bang magmahal ng isang tao kahit na mali? Alam mong pinagtagpo kayo ng tadhana ngunit alam mo rin na hindi kayo tinadhana para sa isa't isa. Anong gagawin mo? Magpatuloy at sundan ang tibok ng iyong puso o tumigil at sundin ang siga...