Kabanata 37

307 12 5
                                    

"Mommy, here's the balloons!" Kahel is jumping while handling the balloon na inorder namin.

The whole farm is busy right now. Mamayang hapon na ang Gender Reveal Party. Si Mama ay nasa kusina upang magluto dahil inorder namin ang cake para mamaya. Ang gagawin nalang namin ay magdedesign.

"Kami na diyan, hija!" Tito Max hurriedly attended nang tangkain kong umakyat sa upuan na hawak ni Rohab.

"Ituro mo nalang ang gagawin namin." Sabi naman ni Mang James.

Ina-arrange ko ang mga table at extra banderitas na may blue and pink. Ang mini stage na nasa Lanai ay arranged na. Kasama iyon sa agreement nila Mama at nang nagorderan niya. Even the cakes and balloons were complete. Ang ganda nga ng design at sinend ko kay Nesrin.

"How I wish to be there." May panghihinayang na sabi nito nang tumawag at pinapakita ko ang paligid na punong-puno ng design.

I chuckled. "Kailan ka ba kasi susunod sa amin?"

She smiled sadly. "Hihintayin ko nalang kayo dito."

Natawa ako. "Hindi na ako babalik diyan."

She grunted kaya't natawa ako. I continuously showed her the design.

"Wait. Sino 'yong kasama ni Kahel magpump ng extra balloons?" She frowned.

Napabaling din ako kay Kahel na humahagikhik habang hawak ang pinapalobong balloon ni Rohab.

"That's enough, Kuya Rohab! It's gonna pop!" He loudly said while giggling.

"Trabahador dito sa farm." Maikli kong sagot.

She sighed. "Miss na siya nina Tita Kiera. Ate if only-"

"Stop, Nesrin. I don't want to talk about the Montejanos anymore."

"Your son is a Montejano, also the quadruplets you are carrying are Montejanos."

I shook my head. "I will let them see my kids one day. Hindi ngayon."

"Do you even know what happened after your accident?" She argued.

"All I know is that I almost died while being pregnant, Nes." I coldly stated.

She sighed and closed her eyes.

"I'm sorry, Ate. I know stress is not good for you. I'll call some other time." Aniya at binaba na ang tawag.

I took a heavily sigh bago pumasok sa loob ng bahay.

"Tumawag ang kapatid mo?" tanong ni mama habang hinahalo ang pancit.

I nodded. "Binaba din po agad."

"Haynako, baka ikasal na din yan. Ayaw nang iwan si Zon."

Tipid akong ngumiti. "Atleast one of us get to have her happy ending, Ma."

Ngumuso si Mama. I raised a brow. "Or two, I think."

Namula siya kaya't natawa ako. "Rashiela!"

"Sus, si Mama kinikilig kay Tito Max."

We both laughed.

Lumabas muna ako para i-guide sina Tito sa mga banderitas at balloon na isasabit pati ang table setting. Iyong ibang trabahador ay naglelechon sa likod.

"Kahel, halika ka na at magshower!" Ate Fe said.

Dalawang oras nalang. Tapos na ang designs kanina pa.

"Ikaw, Rass. Maghanda na din." Mama strictly said. "Pupunta na ang ibang bisita."

I nodded. Papasok na sana ako sa may hagdan nang mahagilap ko si Rohab na naglalagay ng mga pagkain sa isang supot.

Lillium MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon