Like what he said, may inaasahan kaming bisita. He was the one who opened the gate for them while I took a shower again. I only wear a simple white shirt and a short.
Pagbabang pagbaba ko sa living room ay pinagmasdan agad ako ng dalawang gay make up artist.
"Fare skin, I love it!" ani ng isa sa kanila. "Soft," pinindot pa nito ang pisnge ko.
"Excuse my co-worker," saad naman ng isa pa. "I am Arielle the mermaid, ang ubod ng ganda!"
"Mukha mo, sis," saad naman ng isa. "Ako ang super ultramega ubod ng ganda, Cinderella!" pakilala naman nung unang bumati sa akin.
"We're not being professional here," si Arielle. "Sorry about that," and Arielle smiles at me.
"Okay lang..." sagot ko.
"Ayos lang ba kung sa k'warto ka namin aayusan?" aniya ni Cinderella eka. "Para kapag nakita ka ng husband mo, boom panis!"
"K-Kayo bahala..." pilit akong tumawa.
"Ganyan ka talaga, awkward?" sagot nanaman ni Cinderella kaya siniko siya si Arielle. Pasimple akong natawa dahil hindi ko alam ang iaasal ko.
Sinundan nila ako papasok sa k'warto ko at doon sila nagsimulang ayusan ako. Alas k'watro kami nagsimula, at nang malapit ng nag alas sais ay may kumatok sa k'warto.
"No, he can't see you yet!" ani ni Arielle, tinutukoy ay si Ace.
Humarang siya sa akin habang si Cinderella naman ay binuksan ng kaunti ang pinto.
"Ay, si Papa Gio naman pala!" saad ni Cinderella. Binuksan niya ang pinto dahil may dala si Gio raw ang pangalan.
"Saktong sakto, tapos na rin kami!" ani ni Arielle.
Nagkatinginan kami ni Gio. Ito ba 'yung secretary ni Ace?
"Hey," bati niya sa akin, simpleng ngiti naman ang ginawad ko.
"This is her night gown, make sure that she'll look perfect," saad ni Gio.
"Perfect na perfect na!" si Arielle.
"Oo nga, halos isang oras yata kaming tumam—" tinakpan ni Arielle ang bibig ni Cinderella.
"Alis na alis na!" pagtataboy ni Arielle si Gio. "Ikaw talaga! Ilalaglag mo pa tayo!" saad ni Arielle na ikinatawa ko.
Halos isang oras kasi silang walang ginawa rito dahil kaunti lang ang inayos nila sa mukha ko. Wala naman na raw dapat pang ayusin, kaunting lagay lang, perfect na. Ayun ang sabi nila. Talagang natagalan lang sa buhok ko dahil doon na lang daw sila babawi.
Tinulungan nila akong isuot ang dress na inabot ni Gio. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.
Off shoulder and fitted gray dress, kumikinang pa at may slit sa right thighs ko. Labas din ang cleavage ko sa gown na 'to. Meron ding partner na high heels black at shoulder bag ang dala ni Gio na bagay na bagay sa gown. Ang mga jewelry naman ay dala ni Cinderella st Arielle.
"Your husband pick every jewelry you're wearing," saad ni Arielle.
Simpleng simple na kwintas. Dalawang layer pero talagang simple lang ngunit nandoon ang pagiging elegante. Ang hikaw ko naman ay mahaba na pearl at ang relong suot ko ay gold na parang hinango sa bracelet.
Ang ganda...
Siya pumili nito? Sa totoo lang, maganda ang fashion sense ni Ace. Kung tutuusin, p'wedeng p'wede siyang maging model kung gugustuhin niya. Nasabi ko na bang sobrang pogi niya? Grabe, walang flaws.
Hindi ko ma-describe ng maayos dahil hindi ko pa naman nakikita ng malapitan ang mukha niya bukod nung unang gabi naming magkita. Inakma niyang halikan ako pero dahil sa sobrang taranta ko, nakagilid ang mukha ko at halos nakapikit na ako. Nagmadali pa nga akong lumabas nang hindi man lang tumitingin sa kaniya.
Isa pa, tatlong pa lang kaming magkasama. Sa tuwing nakatingin ako sa kaniya, naka-focus siya sa ginagawa, nakatagilid sa akin, nakayuko o hindi kaya ay nakatalikod. Kapag naman siya ang tumitingin sa akin, sa sobrang hiya at pagkailang ko ay umiiwas ako ng tingin. At kapag naman nagtatampo ang paningin namin, talagang nakakandado ang mata namin sa isa't isa, segundo lang din naman 'yun.
"Ready ka na!" Arielle.
"Paniguradong nganga sa ganda mo 'yung asawa mo!" Cinderella.
"Let's gaur!" sabay na saad nila.
Nauna muna silang bumaba, ayun kasi ang gusto nila. Nakita kong nag-set up si Cinderella ng Camera, nakatutok iyon kay Arielle at inililipat kay Gio at Ace na nag-uusap kanina na ngayon ay nagtataka.
"Let's welcome, the lady of tonight, Frixzy Santivalle!" ayun ang hint na bababa na ako, paulit ulit na pinaalala sa akin 'yun si Cinderella kanina.
I step down the stairs. Sa akin na nakatutok ang camera, hindi ko 'yun pinansin dahil nahihiya ako. Nakayuko pa ako ng bahagya. Ano ba kasi 'tong pakana nila?
When I look up, malapit na akong makababa, nagtama ang paningin namin ni Ace. He's scanning my whole body. Napalunok tuloy ako sa lagkit ng tingin niya sa akin.
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko ang pagpapalipat lipat ni Cinderella ng camera sa aming dalawa ng Ace.
Umiwas tuloy ako at muli ay nakayuko ako. Nag-iinit ang mukha ko. Nakababa na rin naman ako.
"Chin up, gorgeous," saad ni Ace. Nasa harapan ko na siya ngayon. Hinawakan niya ang baba ko para magtagpo ang mata namin.
"You're beautiful," he whispers to my ears.
Narinig ko naman ang mahinang tili ng dalawa sa gilid namin.
"T-Thank you," I said. Katulad ko ay nakaayos na rin siya. Silang dalawa ni Gio. Naka-formal attire suit nila. Black ang suot ni Ace na may chain pa sa pants niya na talagang bumagay sa suot niya.
"It's a mascarade party," saad ni Ace, inabot niya sa akin ang isang kalahating mascara sa mata na silver din ang design at may feather.
"Excuse me sa ka sweetan niyong nakakalanggam," ani ni Cinderella.
"Hihingi lang kami ng permission na i-post sa page namin ang video niyo, lalo na ikaw," si Arielle. "For documentaries lang."
"It's up to her," saad ni Ace.
Ah, doon pala 'yun. "Sige, okay lang," nakangiting sagot ko.
Nagpasalamat ako kila Arielle at Cinderella sa pag-aayos nila sa akin. Nang makaalis ang mga ito ay lumabas na rin kami.
May limousine sa labas ng gate namin na ikinagulat ko. Dito kami sasakay? Grabe, ang yaman naman nito. My parents are rich but this guy... he's three times richer than my family. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako pa ang pinakasalan niya when there's a lot of deserving woman out there na masasabayan ang yaman niya.
May dahilan ba?
YOU ARE READING
Locked by Contract (Marriage Revenge)
RomanceTheir life is locked to be together, Ace Rhyzon Santivalle's life is bound to be with her. To who exactly? No one actually knows what will happen or rather, what happened. One thing he is sure of, he holds the fate of the person who killed Mixzee A...