"Waaah! Nica Lopez?!" sabi ni Marc. Pinapunta ko kasi si Jen sa school namin, para matuwa naman si Marc. Haha.
Kaso, mukhang andaming naka-recognize sa kanya. Dumami tuloy yung tao sa paligid namin.
"Tara, sakay na tayo sa car ko." sabi ko sa dalawa. Lalo kasing dumadami yung mga tao.
"Oh, I thought we'd be riding in my car." sabi ni Jen.
"Hindi na." sabi ko.
"Okay." sabi ni Jen. Pinauna na nya yung driver ng sasakyan nya. Tsaka sya sumakay sa kotse ko.
Papunta na kami sa school ni Heidi at Irish.
"Hi, Nica. Ako nga pala si Marc." sabi ni Marc at inaalok si Jen makipag-shake hands.
Hindi naman tumanggi si Jen. "Jennica Lopez. Nice to meet you."
"Hindi ko sukat akalaing kilala mo si Dylan. Sikat ka kaya!"
"Well, to make this long story short, we're childhood friends."
"Eh Dylan, bakit mo niyaya si Nica na pumunta sa school? Ang dami tuloy nakakilala sa kanya dun."
"Sabi nya kasi gusto nyang makilala si Heidi, eh."
"Yep. I want to befriend her." sabi ni Jen kay Marc.
"Eh tayo? Friends na rin ba?" sabi ni Marc.
"Of course!"
"Yeah! May kaibigan na kong artista! Hahaha." sabi ni Marc.
"Thank you!" sabi ni Jen.
Malapit na kami sa school nina Heidi nung i-text ko sya.
<<Heidi, kanina ka pa ba naghihintay dyan? Sorry ha? Pero malapit na kami. And I have a surprise for you. Someone wants to meet you! :D
Ilang saglit lang, nasa harap na kami ng school nila. Sakto namang nag-text si Heidi.
>>Sorry kung hindi ako nakapag-text, Dylan. Meron kasi kaming ini-interview ni Irish ngayon, eh. Wag mo na kong sunduin.
Lumingon ako sa entrance ng school nila.
Ayun! Nakita ko si Heidi kasama si Irish at.. Isang lalaki. Nasa loob sila ng isang café. Masayang-masaya si Heidi.
"Jen, sorry. Hindi daw sya makakasabay satin. Meron syang ginagawa, eh." sabi ko.
"Who? Your girlfriend?"
"Yep. Maybe next time you'll meet her."
"Sayang." sabi ni Jen.
------------------------------------
Umuwi na si Jen. Sinundo na sya sakin ng driver nya. Buti hindi nagtampo sakin at hindi namin nagawa ang aim namin.
"Pareng Dylan, nakita ko sa café sina Heidi at Irish kanina, ah!"
"Oo, nakita ko rin. May kasamang lalaki. Akala ko hindi mo nakita."
"Nakita ko, pero minabuti kong tumahimik na lang. Andito si Nica Lopez kanina, eh."
"Buti at di ka umimik. Thanks."
"No problem. Pero kailangan mong malaman kung sino yung kasama nina Heidi at Irish. Mahirap na."
"Oo. Itatanong ko yan sa kanya bukas." sabi ko.
"Dito na lang ako, pre. Malapit na dito yung sakayan pauwi, eh."
"Sige, pare." sabi ko. Bumama na si Marc at nag-antay ng masasakyan. Ako naman, umuwi na sa condo.
------------------------------------
"Ahmm.. Heidi.."
"Hm?" sabi nya. Nag-iinternet kasi kaya hindi na naman makausap. Nag-iinternet din naman ako.
"May itatanong lang ako."
"Ano?"
"Yung lalaking kasama nyo ni Irish kahapon sa café sa tabi ng school nyo.."
Napahinto si Heidi sa ginagawa nya. "Yun ba? Ahmm.. Sya yung iniinterview namin. So nakarating ka pala sa school kahapon. Di ba sabi ko, wag na kayong tumuloy ni Marc?"
Hindi na ko nagsalita. Nag-internet na lang din ako.
"Dear, yan ka na naman. Tumahimik ka na naman. Nakakatakot yan, ah? Baka nagagalit ka na naman sakin, hindi ka nagsasabi."
Narinig ko sya, pero hindi ko lang trip sumagot. Hindi naman masamang magtanong ng ganun sa girlfriend, di ba?
"Dear, interviewee lang talaga namin sya. Wag ka na mag-selos.."
"Selos?! Hindi, ah! Bakit naman ako magseselos?"
"Eeee, nagseselos ka no?" sabi nya sakin.
"Hindi."
"*kiss sa lips*. Yan. Okay na ba?"
"Okay naman talaga ako, ah?"
"So ninakawan mo lang ako ng kiss?"
"Uy, hindi kita ninakawan ng kiss, ah! Ikaw tong kumiss sakin eh!" sabi ko.
"Eh nagtatampu-tampuhan ka dyan para i-kiss kita eh!"
"Hindi ah! Hindi nga ako nagtatampu-tampuhan eh!" sabi ko tsaka ko sya tinutusok sa tagiliran. May kiliti sya dun, eh.