Chapter 32

133 11 2
                                    

THIS IS A WORK OF FICTION
•errors ahead
•wrong grammar
taglish

• This is a work of fiction, names, characters, events, incidents, and location are only the products of the author's imagination or have been used in fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, and event's are entirely coincidence, if you found some mistakes or grammatical errors, improper used of works kindly correct it to me. Thank you.





Chapter 32




Mikha Lim.


Nandito ako ngayon sa penthouse, tahimik at malayo sa gulo ng mundo. Ako lang at ang malamig na hangin mula sa bintana, at ang nakakalitong tanong na paulit-ulit na bumabalik sa utak ko..



Gago... Bakit mo hinalikan?



Nakaharap ako sa salamin, pero ang sariling reflection ko, hindi ko kayang titigan nang matagal. Ano bang ginawa ko? Bakit ko siya hinalikan?




"Putangina, Mikha..." bulong ko sa sarili, sabay yuko at hinga nang malalim. Parang gusto kong ipagbangga ang ulo ko sa pader para lang mabura 'yung nangyari. Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa utak ko—pero 'yun lang ang naiisip kong gawin kanina.




Nung nakita ko siya....




Iniisip ko pa lang kung anong reaction ni Aiah, lalo na 'yung gulat sa mukha niya matapos kong gawin 'yon, parang gusto ko nang maglaho.




Nakakahiya...



Napabuntong-hininga ako at pinisil ang tungki ng ilong ko habang pilit kong inuunawa ang sarili ko.



"Anong nangyari sa'kin? Mikha, gago ka ba talaga? Napaka-impulsive mo," bulong ko habang napapailing. Pero kahit ilang beses kong pagalitan ang sarili ko, wala, hindi ko rin kayang pagsisihan ang ginawa ko.




"Hindi na ako pupunta roon. Bahala na siya," bulong ko habang pilit kong iniiwasan ang idea na puntahan ulit siya. Pero sa totoo lang, gusto ko ring malaman... galit ba siya?




Noong nakita ko siya kanina, parang tumigil ang oras. 'Yung paraan ng pagtitig niya sa akin, 'yung pagkalito sa mukha niya... ang cute niyang panoorin, pero sa parehong oras, parang sinasakal ako ng kung anong damdamin na hindi ko maintindihan.




Tumayo ako at naglakad papunta sa balcony, sinandal ang mga kamay sa railings habang nakatitig sa Eiffel Tower. Hindi ko alam kung ano ang mas malakas ngayon—ang lamig ng hangin o ang gulo sa isip ko.




Napabuntong-hininga ulit ako, mas malalim.




"Alam ko naman kung bakit kita hinalikan, Aiah," mahinang bulong ko habang nakatingin sa langit. "Pero hindi ko kayang aminin, kahit sa sarili ko."





Natawa ako nang maalala kung kanino dapat to.




Para sa kanya....





Binili ko ang penthouse na 'to ilang months after namin mag hiwalay. Breakup gift ko sana sa kanya at iniisip ko na balang araw baka dito siya magiging komportable, malayo sa gulo ng trabaho niya. Gusto ko siyang protektahan, gusto ko maging panatag siya... Kahit wala na kaming dalawa.





Humigpit ang hawak ko sa railings.





Ang hirap. Ang hirap tanggapin na mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro kaya ko siya hinalikan dahil hindi ko na kayang pigilan. Pero ano ngayon? Ano na ang gagawin ko pagkatapos ng lahat ng 'to?



Cry, or Better Yet Beg (Operation Love #1 Mikha Lim)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon