Chapter 36

0 0 0
                                    


"Students, yung mga late earlier this morning. Please proceed to Libraby for your assigned areas." Bilin sa'min ng aming adviser bago ito tuluyang lumabas at nagpaalam.

Oo nga pala, si pa pala ako pwedeng umuwi dahil late ako kaninang umaga. Maingay na ang paligid ng buong classroom sapagkat uwian na. Hinanap ng mata ko ang kaibigan ko para magpaalam.

"Hintayin ka nalang namin, Mad?" Ani Daisy

"Di na, baka matatagalan pa kami"

"Sige, ikaw bahala, padaying nadin kasi driver namin"

"Hm, Ingat kayo."

"Ingat ka din" Ani Aera at isinalpak ang bag sa kanyang likuran at tuluyan na silang umalis, sinundan ko sila ng tingin at ikinuha nadin ang bag ko at nagtungo sa library. Nang makasalubong ko si Axell sa di kalayuan. Nakatalikod ito, hawak ang isang strap ng kanyang bag, habang naka pamulsang naglalakad. Pinagmasdan ko lang siya sa malayo at mahigpit na hinawakan ang dulong bahagi ng aking magkabilang strap.

Oo nga pala, sabay pala kaming na-late kanina.

Hanggang sa makarating kami sa library.

"Okay, students. Kayo ba yung assigned in this area? Okay. You three. Dito kayo. Rearrange the books and sanitize the tables. Ang ilan sainyo, CR and sa may labasan. Is that all clear? "

"Yes, Ma'am"

"Good, magsimula na kayo"

Agad kaming nagtungo ayunsa designated areas namin, at sa loob kami na assign ni Axell. Maglinis ng tables at ayusin ang mga libro. Kaya agad akong nagtungo sa mga nakaliherang libro at nagsimulang maghanap ng mga naliligaw na libro. Pinasadahan ko ang aking kamay sa mga ito habang sinusundan ng ang aking mata ang kamay ko. Nang may makita akong librong di kabilang sa section na'to ay agad ko iyong kinuha at nilagay sa basket.

Sakabilang pasilyo ay ganun ulit ang aking ginagawa, muli kong dahan dahang pinasadahan ang aking kamay sa nakahilerang mga libro. Napahinto ako nang matanaw ng gilid ng mata ko si Axell na nasa tapat ko sa kabilang pasilyo.

Pinagsamantalahan ko ang pagkakataon na yun para masilayan siya. Pinagmasdan ko ang kanyang galaw. Kita ko kung paano niya hinigit at binuksan ang laman ng libro para suriin ang laman nito. Mula sa kanyang pagkunot ng noo at pagkibot ng mapulang labi na tila nauusisa sa kanyang librong hawak. At ang paghaplos ng mga kamay nito sa pagbuklat sa kabilang pahina. Para siyang isang main character sa isang palabas. Dagdag pa rito ang sinag ng araw na tumama mismo sa kinatatayuan niya, dahilan para kuminang ang itim na hikaw na suot niya.

Magpa hanggang ngayon ay di niya padin ako pinapansin. Sa di ko malamang dahilan.

Bakit Maddie, Namimiss mo na ba siya?

Bigla itong napatingin sa kinaruruonan ko na agad kong ikinagulat. Tumalikod at agad nagtago.

Napapikit ako sa inis ko sa sarili ko. Jusko, Maddie. Ano ba kasing ginagawa mo? At dahan dahang bumalik sa ginagawa na parang walang nangyari. Inayos ko na muli ang mga libro at hinanda ang sarili para magtungo sa kabilang pasilyo. Pasimple akong sumulyap sa kaninang pwesto ni Axell para tignan siya muli ngunit wala na siya ngayon dito. Hinanap siya ng mata ko ngunit di ko na makita.

Pumwesto na ko sa pasilyo kung 'san nandito si Axell kanina at muling itinuon ang sarili sa ginagawa. Kinuha ko ang librong mula sa basket na dala ko at inipit sa magkabilang libro.

Nanlaki ang mata ko nang may biglang humila sakin at ang huling nangyari ay sinandal ako sa bookshelves.

"Anong kailangan mo sakin?" Si Axell

"W-Wala" Mas lalo niyang inilapit ang mukha sakin, mas lalo kong hinigpitan ang hawak kong basket at libro sakabilang kamay ko.

"Sigurado ka ba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwritten DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon