"Oh Zandra, anyari sayo? Simula pa kahapon yang mukha mong yan ah. Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong sakin ni Nica.
Anniversary nila kahapon kaya ininvite nila kami ni Kinance magbar. Nong una, nagdadalawang isip pa ako kasi bar yong pupuntahan and I hate bar because of the atmosphere na meron ito pero wala rin akong nagawa dahil sa pamimilit ni Kinance. Hindi ko naman kasi matiis ang kaibigan kong yon eh. Tyaka isa pa, sabi niya namang enjoy sa bar kung mag-i-enjoy ka. Kaso, ang pagsasaya sana naming yon ay nasayang dahil sa bwesit na Tarzan na yon. Buong araw ba namang sunod nang sunod sakin. Sinama pa ang buong member ng Q4. Grabe talaga, first time kong makapasok ng bar. Ni hindi ko man lang nasubukang uminom o sumayaw sa gitna. Chance ko na sana yon dahil for the first time, pumayag si kuya Paul.
Well actually, ilang beses na nga akong nakapasok ng bar but what I mean is, yong tipong magsasaya ka talaga. Hindi yong papatay ka kaya ka pupunta ng bar. That was the first time pero... sayang na sayang talaga ako sa ganap na yon. Nakakainis, sobra pa sa sobra. But it's okay cause Hannah was there. Hindi man kami nakainom, nakapagchikahan naman kami. Hindi kasi siya nauubusan ng topic. Ang maganda pa, sinisigurado niyang makakarelate kami sa mga bagay na gusto niyang pag-usapan.
And if you're asking kung bakit sa bar ginanap yong anniversary ng dalawa? Ask them. Hindi ko rin kasi alam. Sadyang gusto lang muna siguro nilang mag-enjoy kasama kami habang malayo pa yong exam kasi sa mga upcoming days, maraming activity ang magaganap sa university.
"Hoy, ano bang iniisip mo?" She wagged her right hand to get my attention.
"Okay lang ako. Gago lang yong Tarzan na yon. Panira ng araw. Nakakainis. Hindi man lang ako nakainom kagabi," nakanguso kong sabi pero kahit ganon, bakas pa rin ang panggigigil sa tono ng pananalita ko.
Muli akong napatingin sa kanya nang humagalpak ito ng tawa. Wtf! Anong nakakatawa? Dapat nga maawa siya sakin dahil yong first time na yon, puro panghihinayang ang laman.
"Nica naman, wag mo nga akong pagtawanan. Walang nakakatawa," inis kong sabi sabay irap.
"Sungit naman nito, eh sa nakakatawa lang eh," tanggol niya sa sarili.
Ilang minuto pa ang lumipas bago ito kumalma at tumigil kakatawa. Tagal din niyang matapos. Nakakaasar nga eh pero hinayaan ko nalang. Kung hindi ko pa 'to kaibigan baka kanina pa 'to umiyak.
"Alam mo, Zandra, tingin ko may gusto sayo si Axziel," gulat akong napabaling ng tingin sa kanya. "Base on how he look at you and how he protected you, he's acting like your strict boyfriend. Yon nga lang, napaka-OA ng pamamaraan niya."
Akala ko ako lang ang nakapansin, pati rin pala si Nica. Bigla tuloy bumilis yong tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. I hate this thing. I hate this feeling. Hindi maganda ang patutunguhan nito kung magpapatuloy 'to. Pero hangga't wala pa akong ebidensiya, hindi muna ako kikilos. Baka kasi tamang hinala lang 'tong lahat.
"Hindi yan. Remember that we're enemies. Paraan niya lang yan para makaganti sakin. Ang mga taong gaya niya, mahirap makalimot sa mga taong kumakalaban sa kanila. Hindi yan titigil hangga't hindi nakakaganti. Siguro iniisip niya na kung hindi niya ako kayang kalabanin physically, kakalabanin niya ako emotionally. But, I'm always ready. Hinding-hindi ako magpapatalo sa unggoy na yon," kabaliktaran ng nasa isip ko ang lumabas sa bibig ko. Wala akong planong sabihin kay Nica ang hinala ko. Hindi pwede.
"Sabagay, pero kasi... iba talaga yong nakikita ko. Pero baka tama ka. Iba yong sakit na galing sa puso kaysa galing sa katawan kaya ingatan mo yang puso mo. Wag kang magpapaloko sa Axziel na yon. Baka hindi mo kayanin, balita ko pa naman... NBSB ka," sabi nito sabay tawa.
Tama naman si Nica. Sana lang talaga, mali yong hinala ko. Pumasok na rin kami dahil oras na ng klase. Ngunit pagkapasok ko, nabalitaan ko agad na wala ang prof namin dahil may pinuntahan itong importanteng meeting so, I decided to go to the library.
YOU ARE READING
Love In Shooting Stars [SERIES #1 (On Going)]
RandomAleenah Cliezandra Salvador Alarde is a courageous woman. Her attitude underwent a significant transformation after a tragic incident in her family four years ago. She has a strong protective instinct for her loved ones, particularly towards her twi...