Chapter 7

214 13 0
                                    

Notice: This chapter contains depictions of sexual assault, violence and self-harm. If you are unable to engage with such content, it is advisable to omit this section. Your mental well-being takes precedence over the narrative presented herein.

Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ngayon. Basta ang alam ko, basang basa na ng luha ang mukha ko. Hindi ko na rin alintana ang mga mata at bulungan na nasa paligid habang wala ako sa sariling naglalakad palayo.

Dinala ko ang mga paa ko sa loob ng isang building dito sa school at bumungad sa akin ang mga kapwa ko estudyanteng nakakalat sa mga oras na ito. Ilang hakbang pa ang ginawa ko nang matanaw ko na ang hagdan patungo sa aking pupuntahan

"Aray!" naramdaman ko pa ang pagbangga sa akin ng isang lalaki, pero hindi ko pinansin ang pagdaing niya at nagtuloy-tuloy lang ako sa paghakbang paitaas.

"Hoy! Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong niya.

Marahas kong ipinihit ang doorknob para buksan ang pinto at niluwa ako non sa rooftop. Agad akong pumasok at napasandal sa dingding.

At dito ko na tuluyang pinakawalan ang hagulgol na pilit kong pinipigilan kanina pa.

Alam kong walang tao dito at walang makakarinig sa akin, kaya malaya kong ilabas lahat ng kahinaan ko sa lugar na to.

Naramdaman ko na rin ang paghina ng mga tuhod ko, kaya't napaupo na lang ako sa gilid.

Sobrang bigat ng dibdib ko; pakiramdam ko, di na ako makahinga dahil sa sobrang pag-iyak.

Isa-isa na namang naglalaro sa isip ko ang mga alaala at salitang iniwan niya—ang paulit-ulit na pambababoy sa murang edad ko noon, dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon.

Ang bawat suntok, sakal, palo, sampal, at pati na rin ang madalas niyang pagpuslit sa akin sa loob ng sako.

Yung pagngud-ngod niya sa akin sa sarili kong ihi nung minsang di ako makatayo sa kinauupuan ko dahil sa sobrang sakit ng pagitan ng aking hita dahil sa marahas niyang paggalaw sa maliit kong katawan.

Yung bawat sabunot na halos ikalagas ng buhok ko.

Yung pamimilit niya sa akin na isubo ang pagkakalaki niya na halos ilang araw akong hindi nakapagsalita dahil sa pananakit ng lalamunan ko. At higit sa lahat, yung paano ko nasaksihan kung paano niya pinatay ang mama ko, sa harap ko mismo.

"Mama" pahagulgol na tawag ko, baka sakaling marinig niya kahit malabo na 'yong mangyari.

Maharasa ko namang itinakip ang dalawang palad ko sa aking magkabilang tenga nang nagsisimula ko na namang marinig ko ang mapanindig balahibo niyang boses, na hanggang ngayon ay nakakulong parin sa utak ko.

"Bata mo pa lang, pero ang sarap mo na"

"Sumunod ka lang lagi kay Daddy para okay tayo"

"Walang magtatanggol sayo, Viell"

"Papatayin kita, pati na rin ang mama mo"

"Babalikan kita, balang araw"

"Tama na!" napasigaw na ako para malabanan ang boses na yon. "Tama na, please. Pagod na pagod na ko" namamaos na sabi ko sa kawalan.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang biglang naramdaman ko na naman muli ang tila pagka-uta sa aking sarili. Madalas ko tong maramdaman sa tuwing hindi ko mapigilang galawin ang sarili ko, at sa tuwing matatapos akong makipagtalik sa kung sino.

Tumayo ako at nag-umpisang kamutin ng marahas ang aking mga braso, pati na rin ng aking leeg, mukha at binti.

Wala kong kahit anong kati-kati sa katawan, pero kinakamot ko ang sarili ko dahil ito ang paraan para mawala ang pagka-uta ko sa sistema ko.

Loving You, Viell (Young&Wild Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon