Prologue

24 7 8
                                    

“Kunin mo 'to at umalis ka na,” said the man in his usual tone.

Kahit na December na at natural na malamig na ang hangin ay wala itong laban sa higit na nakapanlalamig na mga  tingin ni Alessandro sa babaeng hindi niya nakikilala.

“How dare you? Anak mo tong dinadala ko, Alessandro!”

“Enough with your nonsense,” he said through gritted teeth. “Now, take this money and leave.”

“Mga lalaki nga naman. Ayaw tumanggap ng responsibilidad pagkatapos makipag boombayah.” Iiling iling na humigop si Dominique sa straw ng iniinom niyang milk tea habang pinapanood ang isang babae at isang lalaki na nagtatalo at mukhang mga mayaman.

Mukhang walang balak ang babae na tanggapin ang inaalok na pera nang lalaki kaya si Alessandro na mismo ang nag lagay ng makapal na bunto ng pera sa kamay nito ngunit agad din iyong tinabig ng babae.

Umalingawngaw sa parking lot ang pag dapo ng kamay ng babae sa pisngi ni Alessandro. “Hindi ko kailangan ang pera mo!”

Mabigat ang paa na umalis ang babae habang nagkalat sa sahig ang maraming asul na papel na tinanggihan nito.

Ang kaninang atensyon ni Dominique na nasa babae at lalaki na nagtatalo ngayon ay nasa mga papel na. Nang makitang tumalikod and lalaki ay agad siyang lumapit doon at pinulot ang mga pera sa sahig.

“Kawawa naman kayo. Mga mayayaman talaga napaka iresponsable–”

“Anong ginagawa mo?”

“Huh?” She looked at the guy wearing a suit. Mukhang papasok na ito sa sasakyan nang makita si Dominique na pinupulot ang paper bills na hindi tinanggap ng babae kanina. He's looking at her while holding the open door of his car.

“A-ako ba?” turo ni Dominique sa sarili. “Hindi niya raw kailangan, sir. Ako need ko.”

Monkey BusinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon