NIKKO'S POV
30 minutes before class yet I am still here, walking. Naisipan kong lakarin na lang papuntang campus, tinatamad ako mag drive tsaka baka madumihan lang. Wala rin naman akong pake kung late ako, at least nga pumapasok, 'di ba?
Malapit na 'ko sa eskinita kung saan pwedeng short cut papuntang school nang may mga lalaking humarang, may mga hawak silang kahoy at seryosong nakatingin sa akin.
"Sa wakas, umalis ka rin sa bulok mong kotse." Sabi ng isa.
"Anong sabi mo? Bulok? Lamborghini kaya yun!" Sagot ko.
"Kahit ano pa 'yan!" Sigaw ng isa at akmang susugod sa akin para hampasin ng hawak hawak na kahoy. Papalapit pa lang siya nang sipain ko agad ang sikmura niya.
"Dadaan ako, gumilid kayo." Sabi ko at dahan-dahang naglakad sa pagitan nila. Napansin ko naman na hahampas ulit yung isa kaya naman inunahan ko na.
Sinuntok at hinampas ko sa likod dahilan ng pagbagsak niya. Kaya lang, hindi ko namalayan na may humampas na rin sa likod ko. Apat nga pala sila.
"Fuck! Aray ah!" Sigaw ko.
Sunod sunod silang sumugod at pinaghahampas at suntok ako. Hindi ako agad nakapalag dahil sa hindi pa nakakarecover itong katawan ko sa gulong pinasok ko nitong nakaraan.
"Ahhh! Apat kayo, iisa lang ako! Madaya!!" Sigaw ko pero hindi pa rin sila nagpapatinag.
Nararamdaman ko na rin na may humahapdi't tumutulong dugo mula sa mukha ko. Kung tutuusin, kaya ko naman itong mga 'to, wala lang talaga ako sa wisyo para makipag-away. Nakakapagod din kaya.
Sandali akong hindi gumalaw, kunwari wala ng malay. Tumigil sila sa pag sipa't hampas sa akin.
"Knockout na. Ang dali lang naman pala nitong inuutos sa atin." Sabi ng isa at sabay sabay naman nilang tinapon yung mga hawak na kahoy.
"Pinagbigyan ko lang naman kayo." Sagot ko habang tumatayo't iniistretch ang mga kamay.
"My turn?"
Tumakbo ako papalapit sa kanila't inapakan ang isa sa mga kahoy dahilan para tumalsik ito pataas. Agad ko namang sinalo at hinampas sa ulo ng isa. Akmang susuntok na ang isa pero hinarangan ko gamit yung kahoy at gumanti ng malakas na suntok.
Dalawa na lang.
Muli akong tumakbo't umikot sa ere, nang makaharap ay buong pwersa kong sinipa ang isa dahilan para tumalsik siya sa isa pa nilang kasama.
Ngayon, apat na silang nakahiga at umiinda ng mga sakit ng katawan.
Matindi pa nga diyan ginawa nila sa akin, apat sila e. Sadyang hindi lang agad sumusuko katawan ko, mukhang immune na dahil laging nasa away at gulo.
Naglakad na ako ulit kahit hinihingal at pagod. Masyado rin mainit dahil naka hoodie ako pero ayaw ko naman alisin, ang pogi ko kaya rito.
Break time na nang makarating ako sa loob ng campus, agad ko naman tinaas ang hood ng suot kong hoodie at tinakpan mukha ko. Didiretsyo na muna ako sa clinic, masyadong mahapdi sa mukha mga sugat ko, mahirap na, baka masira tangi kong puhunan.
Nang makarating sa clinic, may nakita akong lalaki na paalis na. Tumingin siya sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya pero pakiramdam ko jina-judge niya na buong pagkatao ko. Oo na! Alam kong pogi ako!
Pagpasok sa loob, si Nurse Cha agad ang bumungad sa akin.
"Naku! Ito ka na naman, Nikko!"
Ngumiti naman ako't naupo sa gilid.
YOU ARE READING
WITH US
Science FictionA group of scientists used children to make experiments and test if they could give them special abilities. But when their plans went sideways and a certain group attacked their laboratory, everything started to fall apart. That's when these teenage...