Purok

314 6 0
                                    

Si Pipo, atbp

PUROK

Biente metros mula sa aming bahay, sa kanang bahagi, ay may maliit na purok na nakatarak doon na gawa mula sa kahoy ang mga pader, ang upuan ay gawa sa kawayan at ang bubong ay gawa naman sa dahon ng niyog na pinagtagpi-tagpi. Sa palibot ay may puno ng Tuba-Tuba na nakatayo kung saan naka-pako ang gate na gawa lamang sa barbwire.

Sa katapat nun ay isang magandang bahay na gawa sa semento at yero; hindi tipikal na nakikita sa bukid, nakikita ng may-ari ng bahay ang lahat na nangyayari sa purok. 'yon nga lang ay minsan lang magkaroon ng tao ang bahay.

Ang purok na 'yon ay pinagawa ng SK para meron silang lugar na mapupuntahan kapag mayroon silang pagtitipon na ginagawa. Minsan, kapag hindi ginagamit ay naglalaro kami doon ng bahay-bahayan kasama ang aking mga kaibigan, kabilang na doon ang dalawang nakababatang kapatid ni Pipo na sina Ton2 at Jam2.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila nang bumalik sila sa purok na hindi kasama sina Maris at Jolly, sila ang lagi naming kalaro ng bahay-bahayan.

"Hindi sila pinayagan ng mga magulang nila na lumabas. Mamayang hapon pa raw." sagot ni Ton2.

"Eh, paano 'yan? Walang gaganap bilang nanay at ate?"

"Huwag na kaya muna tayo maglaro ng bahay-bahayan?" suhestiyon ni Jam2.

Sasagot pa sana ako nang bigla kong narinig na may tumatawag kina Ton2 at Jam2. Agad kong nakilala ang boses ni Pipo kaya agad akong nabalisa dahil muli ko na namang naalala ang nangyari isang linggo na ang nakararaan.

"Ano'ng ginagawa ninyo rito?" tanong ni Pipo sa mga kapatid nang makalapit ito sa amin. Gaya noong nakaraan na mga araw ay hindi na naman ako nito pinansin.

"Naglalaro kami ng bahay-bahayan," matapang na sagot ni Jam2. Sa kanilang dalawa ni Ton2 ay siya ang naiinis sa nakakatandang kapatid dahil lagi rin siya nitong inaasar at sinusumbong sa kanilang mga magulang kapag umaalis siya sa bahay na walang paalam upang maglaro.

"Kanina pa kayo hinahanap ni mama. Lagot kayong dalawa," pananakot nito sa mga kapatid.

Natakot naman si Ton2, dali-dali itong nagpaalam sa akin at nagtatakbong umalis. Tawa nang tawa si Pipo, aliw na aliw siyang makita ang takot na nakakabatang kapatid.

Si Jam2 naman ang sunod niyang pinaalis. Nagtalo pa ang dalawa dahil ayaw ni Jam2 na umuwi, gusto pa niyang maglaro, pero itong si Pipo ay ginagamit pa ang pangalan ng nakakatakot nilang ama na si Peter kaya walang nagawa si Jam kundi ang iwan ako.

"PAYAT!" naiiyak pang ganti-biro ni Jam2 kay Pipo habang umiiyak na tumakbo pauwi.

"Gumanti pa talaga ang mokong. Hahahaha!" napapailing itong tumabi sa akin.

Umusog ako ng konte palayo sa kanya.

"Ikaw? Ano pa'ng ginagawa mo dito?"

Hindi ko siya sinagot. Nakayuko lang ako, nakatingin sa tsinelas ko na ngayon ko lang napansin na magkaiba pala ang kulay.

"Huy! Napipi ka na ba at hindi mo ako sinasagot?" sinundot pa niya ang gilid ko.

"Ah!" umangot ng konte nag puwet ko sa kawayang bangko dahil sa kiliti.

"Uy! Virginn," tudyo niya.

Ilang ulit niyang sinundot-sundot ang tagiliran ko. Panay naman ang iwas ko sa kanya.

"Huwag nga kasi!" naaasar kong saway.

"Sumagot ka kasi," tumigil siya sa pang-aasar. "Anong ginagawa mo dito?"

"Maglalaro nga ng bahay-bahayan!" mas nilakihan ko ang distansiya naming dalawa.

"Bahay-bahayan, eh tatlo kayong lalake," saglit itong napaisip, ilang segundo lang ang lumipas ay tumawa ito ng ubod lakas. "Tangina! Huwag sabihin ikaw ang nanay? Hahahaha. Sino naman sa dalawa kong kapatid ang asawa mo?"

Pipo (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon