Chapter 41

86 4 0
                                    

Kestrel's POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Arlea buntis siya?! Ano 'to, seryoso ba 'to? Sino ang ama? Si Wrenley ba? Kaya ba siya pumunta rito? Shit, kung gano'n, ibig bang sabihin may nangyari sa kanila kamakailan?

"Kestrel, stop overthinking, please. Just stop it. I can read what's on your mind, so just please... stop it, baby," mahinahon na sabi ni Wrenley habang nakatingin sa akin.

Pero paano? Paano ko pipigilan ang sarili ko? Hindi ko maalis sa isip ko na posibleng totoo. Lalo na dahil may nangyari na sa kanila dati isang bagay na hindi ko kayang kalimutan. Paano niya ako masisisi kung gano'n ang iniisip ko?

Napatingin sa akin si Arlea, ang mukha niya basang-basa ng luha. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghikbi. Sinubukan ni Wrenley na kumawala sa yakap nito, pero mas lalo lang idiniin ni Arlea ang mukha niya sa dibdib ni Wrenley.

Tangina naman.

"Who's the father, Arlea?" kalmado pero malamig na tanong ni Wrenley habang pilit na tinatanggal ang braso ni Arlea mula sa pagkakayakap. Pero bago pa siya makawala, hinawakan ulit ni Arlea ang kamay niya at lalo pang humikbi.

"Is there anyone else, Colz?" sagot ni Arlea na nagpaiyak ulit sa kanya.

WHAT. THE. FUCK.

Si Wrenley ang ama?

Parang naubusan ako ng hangin sa narinig ko. Naramdaman ko ang sakit at inis na unti-unting umaapaw sa dibdib ko.

Niloko ba ako ni Wrenley? Ginagawa niya ba 'to sa likod ko?

Mabilis na tinanggal ni Wrenley ang kamay ni Arlea at lumapit sa akin. Galit na galit siya.

"What do you mean by that?" malamig niyang tanong, at nakita kong nanigas si Arlea.

Ngayon, nasa tabi ko na siya. Naramdaman ko ang panginginig ng galit niya habang mahigpit siyang nakatingin kay Arlea.

"You don't get it? It's you!" sagot ni Arlea, may kasiguraduhan sa boses.

"Bullshit!" mura ni Wrenley.

Shit. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Nakakatakot.

"Shit, Arlea. Alam mong walang nangyari sa atin-"

"WHAT IS THIS ALL ABOUT?"

Napatingin kaming dalawa sa likuran namin, kung saan nakita kong nakatayo ang mama ko. Mukha siyang nakarinig ng ilang bahagi ng usapan. Kasama niya si Uncle Lorenzo na halatang litong-lito.

Double shit.

"Who's the father, Arlea?" tanong ni mama, kalmado pero halatang gusto niyang malaman ang katotohanan. Kumunot ang noo ko. Kilala niya si Arlea? Paano?

"A-Auntie..." halos pabulong na sabi ni Arlea habang nagsisimula ulit siyang umiyak. Pilit niyang pinipigilan ang paghikbi niya.

"It's Wrenley."

DAMN.

Totoo ba 'to? Tumingin ako kay Wrenley na halatang pinipigilan ang sarili. Nakakuyom ang mga kamao niya, at ang panga niya ay mariing naka-clench.

Mabilis akong umatras palayo sa kanya. Napansin niya 'yun, at biglang nagbago ang ekspresyon niya natakot siya. Halatang kinakabahan siya habang tumingin sa akin.

"Kestrel," mahina niyang tawag, sabay hawak sa kamay ko. Pero iniwas ko 'yon.

Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Lito na lito na ako.

"Again? You mean Wrenley was the father?" tanong ni Uncle Lorenzo, halatang naguguluhan pa rin.

"Bago kami maniwala sa'yo, may patunay ka bang buntis ka talaga?" seryosong tanong ni Uncle.

Professor VaughnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon