Kabanata 5

3 0 0
                                    

Labis ikinatuwa ng aking puso ang aking nabasa. Batid kong para sa akin ang liham na iyon at sa aking hula, baka ito'y itinapon ni Isidro sa mga halaman dahil nabigo siyang ibigay ito sa akin.

"Dencia... kailan ulit tayo huling nagtungo sa bulacan?" Tanong ko kay Dencia habang kami ay nanunulsi tatlo nila Tiya Juanita.

"Nitong nakaraang taon lamang, bakit? Nais mo bang bumalik doon?" Aniya.

Ngumiti ako. "Wala naman akong babalikan doon, dahil andito siya."

Muli akong tinapik ni Dencia upang ipaalala sa aking kasama namin si Tiya Juanita.

"Si Alberto ba iyong sinasabi, Felicidad?" Tanong ni Tiya.

Pilit akong ngumiti nang marinig ko ang pangalan ni Alberto. "Siyang tunay, Tiya," pagsisinungaling ko.

"Ika'y napakasuwerte sa iyong nobyo, Felicidad. Isang parangal ang makapag-aral ng abogasya at ang iyong nobyo ay isa sa mga nakatanggap ng parangal na iyon," sambit ni Tiya.

Hindi ako masuwerte dahil iba ang lalaking iniibig ko. At ngayon na batid ko na ang lihim na pagtingin namin sa isa't isa ay wala na akong mas maikatutuwa pa. Ang nais ko na lamang mangyari ay mapigilan ang pagkakasundo namin ni Alberto.

"Nakaisip na ako ng paraan," saad ni Dencia nang umalis si Tiya Juanita. "Itong paraan na ito ay konektado sa paraan ng paglisan ko sa beateryo kaya tiyak na makukumbinsi natin sila."

Tumango-tango ako kay Dencia at patuloy na nagtiwala. Nang nasa hapagkainan na kami upang maghapunan ay balak na itong sabihin ni Dencia.

"Ama..." tawag niya sa aming ama at nang balingan niya kami ng tingin ay dalawa kaming kinabahan.

"May nais po akong aminin sa inyo."

"Ano iyon, Dencia?" Tugon niya.

Nagtinginan kami ni Dencia at huminga nang malalim. "Iniibig ko po si Alberto."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Dencia. Hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niyang rason bagamat iba ang aking inaasahan.

"Ano ang iyong pinagsasabi, Dencia?" Tanong ng aking Ina. "Batid mong ipinagkasundo na si Alberto sa iyong kapatid."

"Ngunit, Ina... iba rin ang iniibig ni Felicidad, at ito rin ang dahilan kaya lilisan ako sa beateryo," ani Dencia.

Napatingin sa akin ang aking ama. "Ito ba ay tunay, Felicidad?"

Dahan-dahan akong tumango sa aking ama. Narinig ko ang malalim nitong paghinga.

"Bakit ngayon niyo lang ito sinabi? At sino naman ang iyong iniibig, Felicidad?" Halata sa tono ng aking ama na siya'y galit na.

"S-si... I-Isidro po, ama," pag-amin ko.

Tila naguluhan ang aming Ina sa kaniyang narinig. Kaya siya'y nahilo.

"Dalhin ang señorita sa kaniyang silid," tugon ni Tiya Juanita.

Tiningnan kami ng aming ama at huminga ng malalim. "Kung gayo'n... wala na akong magagawa pa, kundi ang ipagkasundo si Felicidad kay Isidro. Tama na ang diskusyong ito, bumalik na kayo sa inyong silid."

Habang naglalakad patungo sa aming silid ay hindi ko mapigilan ang ngumiti dahil sa tagumpay. Bago pa pumasok si Dencia sa kaniyang silid ay matamis itong ngumiti sa akin.

"Gracias, Dencia," bulong ko sa kaniya at tumango siya sa sinabi ko.

Nang pumasok ako sa aking silid ay hindi ko mabilang kung ilang oras akong nakangiti hanggang sa makatulog at magising nang may magandang bungad ng sikat ng araw.

Gunita sa KahaponWhere stories live. Discover now