KABANATA 4

45 3 0
                                    

Danica’s POV

Natigilan ako sa pag-iyak ng may narinig akong parang nadurog na bato.

“A-ano ‘yon!?” Kanya-kanya ng sigawan ang mga kasama ko tingin ko nagkakagulo na sa itaas na bahagi ng Salvacion kung sakaling totoo nga ang iniisip ko ibig sabihin andito na si Papa! Sana nga si Papa iyon gusto ko na ring umuwi sa Tierra.

Nagtilian ang mga kasama ko ng muling umugong ang nakakatakot na tunog ng baril.

“D-Danica baka Papa mo na ang kalaban nila! Sana makita nila tayo dito sa basement balewala rin kung hindi nila tayao mahahanap!” Sigaw ni Alyana na hindi matapos-tapos ang iyak.

“Sana nga Papa mo na iyon para maligtas na tayo dito! Apat na araw na ako dito sa lintik na basement na ito gustong-gusto ko ng umuwi hinding-hindi na ako babalik dito kahit kailan. Irereport ko agad sila sa mga pulis para makulong silang lahat!” sigaw ng isa sa mga bihag na gaya ko.

“Oo tama irereport natin sila para matigil na sila sa mga pinaggagawa nila! Kakasuhan natin ang Salvacion Boarding School!”

Mukhang nanumbalik ang lakas ng loob nila kaya hindi rin dapat ako mawalan ng pag-asa. Alam kong si Papa ang gumagawa ng ingay na iyon.

***

Gunters POV

“Ganon ba nagkakagulo sa Salvacion?” hindi ko na ito pinag aksayahan pa ng panahon para tingnan nanatili ang atensyon ko sa mga dokumento na kailangan kong pirmahan.

“Opo, Boss. Humihingi po ng backup si Madame Claudia ganun din ang Rocci Family ayaw daw po nilang sumabit sakaling masukol sila ng mga dayo.”

Nag-angat ako ng tingin sa Assistant ko na nakatayo sa harapan ng mesa ko. “Ilan ba ang mga dayo at kailangan pa nila ng back up? Marami naman silang mga tauhan diba.”

Pinagpawisan pa ito sa simpleng tanong ko. “B-Boss kasi ang sabi ni Madame Claudia nakasuot daw po ng mga Maskara ang mga dayo.”

Pumitik ang isang kilay ko sa narinig. “O tapos anong connect ng Maskara nila sa paghingi ng backup ni Madame Claudia.”

Atubili itong nagpunas ng pawis masyado naman ata silang takot na takot sa mga dayo na nakapasok sa Salvacion.

“Boss kasi ang matagal ng mga nakalibing sa limot ang mga dayo na nakapasok—.”

“F*ck! Get into your point!”

“Blank Cards at ang Payaso po Boss ang mga nag-over the bakod sa Salvacion k-kaya po humihingi ng backup si Madame!” Walang hingaan na sambit nito.

“What?” Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. “Is that a joke?”

“H-hindi po Boss!”

“Ginag@go mo ba ako! Paanong ang Blank Cards at ang Payaso ang pumasok sa teritoryo nila e matagal ng patay ang mga ‘yon!”

“Hindi ko rin po alam Boss p-pero hindi naman magsisinungaling si Madame Claudia diba.”

Saglit akong natigilan sa sagot nito saka ako tumayo at inayos ang sarili ko.

“Ano na po ang gagawin natin Boss?”

“Kukunin ko ang package ko at dudurugin ang mga dayo.”

“Pupunta po ba tayo sa Salvacion?”

“Oo, kailangan ko ang Ahedres ko.”

Ngumisi ito. “Tama! Kahit pa sila ang Payaso at Blank Cards siguradong hindi sila mananalo sa Ahedres natin dahil masbata sila kumpara sa kanila na tiyak na uugod-ugod na Boss!”

“Isara ang mga daan papuntang Salvacion walang pwedeng pumasok tiyak na nailikas na nila ang mga VIP student nila syempre malaking gulo sakaling magalusan ang mga iyon kumpara sa mga hampas-lupang Scholar nila. Ten minutes ayoko ng late.”

“Okay Boss! Tiyak na katatakutan tayo kapag tayo mismo ang nakap@tay sa Payaso at Blank Cards!”

Humakbang na ako palabas ng opisina ko gusto kong masaksihan ang magaganap na labanan sa pagitan ng mga Alamat at Ahedres.

Binalingan ko ang Assistant ko. “Wag kang masyadong kampante alalahanin mong mga batikang mamam@tay tao sila noong kabataan nila sa madaling salita masmarami na silang karanasan kesa sa Ahedres pero lipas na ang panahon nila kung dati sila ang namamayagpag sa tugatog ng Organisasyon sa ilalim ng pamumuno ni Supremo at ng kanyang Konseho ngayon ay ang Alphaveto na at tuluyan na silang mababaon sa limot.”

“Tama po kayo Boss! Tayo na ang nasa tuktok kung dati-rati at nasa paanan lang tayo ni Supremo ngayon tayo na ang may hawak sa buong Organisasyon kaya tiyak na sa atin sila kakampi kung sakaling malalaman nila na buhay pa ang mga alagad ni Supremo!”

“Hmp! Kung buhay pa sila tiyak na nasa paligid lang si Marcus Ponti ang nag-iisang tagapagmana ni Supremo at siya ang isusunod ko pagkatapos paglam@yan ang mga dayo.”

***

Diego’s POV

“Babe bakit ba lagi ka na lang aligaga sa tuwing tumutunog ang cellphone mo tell me is there another woman behind that beeps?”

Hindi ko ito pinansin. Tumayo ako mula sa kama at isa-isang pinulot sa sahig ang mga damit ko. “Hindi kita Girlfriend lalong hindi kita Asawa para manduhan ako baka nakakalimutan mo na hanggang kama lang kita, Vernice.”

“Fine o di never na kitang tatanungin hmp! Pasalamat ka at gwapo ka kaya kahit sinusupladuhan mo ako okay lang as long as you d@mn f*ck me so good!”

Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagbibihis saka ako walang lingon na lumabas ng Hotel room, oras na para sa malaking laban hindi ko na mapigilan ang sarili ko lalo at ang kinatatakutang Payaso at Blank Cards ang makakalaban namin medyo kinakabahan ako pero mas lamang ang excitement ko dahil matagal ko ng gustong makilala ang grupong iyon biruin mo nagawa nilang manahimik ng mahabang panahon saang lupalop kaya ng Mundo sila nagtago ang galing ha kaming Ahedres ang mag-aalis ng Maskara nila at kami rin tatapos ng kwento nila!

Panahon namin ngayon kaya sorry na lang sa mga napaglipasan na kaso nakapagtataka naman na nagpakita ulit sila at sa Salvacion pa— teka baka may kinalaman ang mga Babae sa apiradyon ng mga matatanda.

Natawa ako sa naisip ko.

Posible kaya na nagkaroon sila ng tinatawag na Pamilya kaya sila nanahimik sa kung saang sulok ng Mundo o baka naman isa sa mga Babaeng nasa Salvacion ngayon ay jowa nila ngek ang tatanda na nila para pumatol sa mga Babaeng iyon.

Narating ko ang underground parking lot ng Hotel nagtipa muna ako ng mensahe saka para sa mga galamay ko ayaw daw ni Boss ng late kaya double time para makarating sa Laguna.

Blank Cards at ang Payaso, humanda na kayo dahil tutuldukan namin ang kasaysayan nyo!

Tumunog ang cellphone ko. On the way na ang Apat talagang uunahan pa nila ako ha.

Sinuot ko na ang helmet ko saka ako sumampa sa big bike ko saka ako humarurot paalis ng parking lot.

10 minutes lang ang palugit. See you later Oldies!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Jokers Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon