•Insult

21 1 0
                                    


The text Myles read made her raise a brow. Galing iyon kay Jael.

'Myles, we need to talk.'

What was there to talk about? What was it this time? Napabuntong hininga si Myles. Ilang minuto na siya dito sa parking lot na naghihintay. Baka madatnan siya ni Ash bago ito umuwi. Siya mismo hapo na galing sa practice nila. But she had something to tell Ash.

Ngayon naman, hinihintay na niya pati si Jael. Walang sinabi ang dalaga bago siya nag text. Ni hindi nga alam ni Myles kung saan ito napunta pagkatapos ng basketball practice nito.

Nang dumating si Jael sakay ng kotse niya, naramdaman ni Myles ang pagbagal ng mundo. May hindi maipaliwanag na pakiramdam na biglang bumalot sa kaniya. Tumindi iyon nang bumaba na si Jael at naglakad papunta sa kaniya.

Sukat at pantay ang mga yapak ni Jael. May kabigatan ang mga paa niya, ngunit hindi nito napantayan ang bigat sa dibdib niya. Kahit ganoon, pinili niyang bigyang tuon ang mga tanong na totoong bumabagabag sa kaniya.

Myles couldn't even utter a simple greeting. Wala siyang masabi. Tila nawala ang kakayahan niyang magsalita sa paglapit ni Jael.

“Myles,” Jael sighed.

Myles? Not baby? May bahid ng pagtataka sa mukha ni Myles. Anong nakain ni Jael?

“Just this once, tapatin mo nga ako,” sambit ni Jael. Nanginginig ang mga labi niya, ang mga palad ay nanlalamig. Isang malalim na hininga ang hinugot niya kasabay ng lakas ng loob.

“May babae ka ba, Myles?”

Umigting ang panga ni Myles sa tanong na iyon. “Why are you asking me this?”

“Sagutin mo nalang, pwede? Don't answer my question with a question,” giit ni Jael.

“No,” sambit ni Myles.

Alright. Jael crossed her arms. Ayaw niya muna sabihin kung anong nakita niya sa apartment ng kausap. Baka nga siya pa ang babae at hindi lang sinasabi ni Myles. Napalunok siya at napaisip.

Umiwas ng tingin si Myles at gagalaw na sana. “If you don't have anything else to ask—”

“Ano ba talaga ako sa'yo, Myles?” Nagpipigil si Jael kahit gusto na niya manumbat. “Girlfriend mo ba talaga ako? Bakit di kita maramdaman, Myles? Kahit magkatabi tayo ang layo layo mo pa rin.”

Myles ran her fingers through her hair. Sumasakit ang ulo niya sa usapang to. “What do you want, Jael?”

“I want to understand you, Myles.” Ramdam niya ang pagbabadya ng mga luha sa mata. Bakit kasi may puwang? Ano bang kailangan niya gawin para lang malaman ni Myles na mahal niya ito? “Baka pwede mo naman turuan yang sarili mong magmahal, oh.”

Humakbang si Myles at nakataas ang kilay. Walang emosyong mababasa sa tingin niya kay Jael. “You think I'm heartless? Yun ba ang gusto mo sabihin?”

Jael held back her tears. Huwag ngayon, huwag dito, pakiusap niya sa sarili. Heartless wasn't the right word. Kasi kung walang puso si Myles, hindi sana ganon ang tingin niya kay—

“Kung nauna kitang nakilala before Ash.. would you have loved me instead?”

Hearing the question made Myles scoff.
“Is she who this was about?”

“Not just her, Myles!” Hindi na nakapagpigil pa si Jael. Garalgal na ang boses niya. Mahirap, masakit sa lalamunan ang magpigil ng iyak. “Tuwing nakikita kitang nakatingin sa kaniya, I feel like a loser. Kasi alam ko siya ang pangarap mo, Myles. Alam kong hindi ako makakahigit sa bestfriend mo!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 5 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sige KaWhere stories live. Discover now