Maghapon akong nagkulong sa bahay. Nasa trabaho si Mommy, Daddy at Kuya kaya mag isa lang ako. Kahit paulit-ulit na sinasabi ni Durk sa akin na mahal nya ako ay hindi padin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sabrina.
Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi nang lampshade. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nagtext.
Durk:
Why don't you answer my calls? Are you busy?Hindi ko muling pinansin ang text niya. Mula pa kanina ay panay na ang tawag niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Ang daming tumatakbo sa isip ko at natatakot akong tama lahat nang 'to.
*knock knock*
Sandali kong tinignan ang pintuan bago pinagbuksan ang nasa labas. Bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Yaya Delia.
"Bakit hindi ka lumalabas nang kwarto?" Tanong niya.
Naglakad ako pabalik sa kama at humiga doon. Nanatili namang nakatayo si Yaya malapit sa pintuan.
"Gusto ko lang matulog maghapon, Yaya. Napuyat kasi ako." Pagdadahilan ko.
"May bisita ka sa ibaba." Sabi niya na nagpakunot nang noo ko.
"Sino po?" Tanong ko.
"Si Charlotte."
Bigla akong napabangon at gulat na tumingin kay Yaya.
"Anong ginagawa niya dito?" Nagtatakang tanong ko.
Lalong kumunot ang noo ni Yaya Delia.
"Palagi namang nagpupunta dito ang pinsan mo noon. Lalo na si Charlone na madalas pang makikain." Sabi ni Yaya na mukang nagtataka sa reaksyon ko.
"Pakisabi nalang po.. bababa na 'ko." Sabi ko at agad nagtungo sa bathroom.
Sandali akong naglinis nang katawan. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na narito si Charlotte. Siguro dahil alam kong.. may kasalanan ako sa kaniya?
Nang makababa ako ay naabutan ko si Charlotte na nakaupo sa sofa habang nagbabasa nang magazine. Nang mag angat siya nang tingin ay agad siyang ngumiti sa akin.
Lumapit ako at nakipagbeso sa kaniya.
"B-Bakit ka nandito?" Tanong ko.
Bahagya siyang tumawa sa tanong ko.
"Hindi na ba ako pwedeng pumunta dito?" Tanong niya na agad ko namang itinanggi.
"Hindi naman. Nagtataka lang ako. A-Ang alam ko kasi.. busy ka sa paghahanda para sa kasal mo." Sabi ko sabay iwas nang tingin sa kaniya. Naupo ako sa single sofa habang siya naman ay nakaupo sa mahaba.
"Well, isa 'yon sa dahilan kung bakit nandito ako." Nakangiting sabi niya.
"Bakit?" Bahagyang kumunot ang noo.
"I want to ask you a favor, Aia."
Lalo akong nagtaka. Binuksan niya ang purse niya at may papel na kinuha mula doon.
"Ano 'to?" Tanong ko nang iabot niya sa akin ang papel.
Binuklat ko ito at agad nanikip ang aking dibdib.
"Durk gave that to me. Iyan ang gusto niyang maging design nang Wedding Gown ko. I saw your name at the top at sinabi niyang sayong disenyo 'yan." Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "I want your design, Aia."