"Bes I was raped!" tumatangis na wika ko kay Clarisse Tolentino. She was my childhood best friend. Narito kami ngayon sa rooftop ng isang hotel. Nakipag kita ako sa kanya rito.
"Who are they? Mga p*tang ina nila! Ang kapal ng mukha nila!" tugon nya. Halos sumabog na sya sa galit nang malaman ang nangyari sa akin habang ako ay patuloy pa rin sa paghikbi.
"Mga kaklase natin bes!" pagsusumbong ko habang umiiyak. "Si Bryan at James" pag n-name drop ko sa kanila.
"Sabi mo tatlo silang naroon? sino yung isa?" tanong nya upang malinawan sa nangyayari.
"Si Ash, but he didn't rape me. He was the one who helped me para makatakas ako." I explained.
Tumango tango lamang sya at niyakap ako.
"Sabi nya wag nalang daw ako magsumbong kapalit ng pagtulong nya sa akin. Pag nalaman nila mommy ang nangyari baka atakihin sya sa puso kaya bes satin satin nalang to please" wika ko habang patuloy na tumatangis.
"Makakaasa ka bes! tsaka ayoko naman na masira ang image mo sa lahat. Si Denzelle? alam naba nya?" pagtatanong nya. Si Denzelle Valdez ang Boyfriend ko sa loob ng isang taon.
"Sasabihin ko sa kanya sa weekends bes!" tipid kong sagot.
Kinabukasan pag pasok ko sa school pinagtitinginan na ako ng estudyante. Ginapang ng kaba ang aking dibdib.
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin habang naglalakad ako sa hallway.
"Malandi ka!" Galit na wika ni Giselle, girlfriend ni James. Napahawak ako sa aking kanang pisngi.
Muling malakas na sampal naman ang dumapo sa aking kaliwang pisngi. Namamanhid na ang buong mukha ko dahil sa sakit at sa muli ay wala akong nagawa.
"Pa inosente ka pang haliparot ka! You seduced them! You f*cking b*tch!" wika naman ni Angel, girlfriend ni Bryan.
Angel was her name yet she's more like a devil.
"Akala mo ba hindi sila magsusumbong sa amin?" galit na tanong ni Giselle. Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Inakit mo raw sila kaya hindi nila napigilan ang sarili nila at natukso sayo" sambit naman ni Angel.
"Slu*t!" sabay na wika ng dalawa saka ako sinugod ng sampal at sabunot. Nais ko mang lumaban subalit nanghihina pa rin ako nang dahil sa nangyari. Tila mga patalim na tumutusok sa aking dibdib ang kanilang mga salita. Idagdag mo pa ang mapanghusgang mga mata ng mga estudyante na nakatingin lamang sa akin habang pinagtutulungan ako ng dalawa.
Napagpasyahan kong lumiban lamang sa klase dahil masakit ang buong katawan ko dahil sa ginawa ni Angel at Giselle. Hindi na ako nagpasundo pa sa driver ko dahil gusto kong mag lakad lakad.
While walking on the street, I saw two familiar faces. I felt the pang of my chest because of the sight. It was them! My best friend together with my boyfriend! Nakita kong sumakay sila sa kotse ni Denzelle. Nagkataon na may dumaan na taxi kaya agad akong sumakay para masundan sila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang high-end hotel. Kinabahan agad ako.
Nagbayad na ako sa driver saka dali daling bumaba. Sinundan ko sila hanggang sa rooftop ng hotel. This place was familiar. Ofcourse it is! ito yung hotel kung saan kami nagkita ng best friend ko at sinabi ko sa kanya na I was raped.
I froze at the sight. It was my boyfriend hugging my best friend from behind. Few moments later they started kissing. It was then that I bursted into tears. I took out my phone and took videos of them. I texted my boyfriend.
YOU ARE READING
DEADLY HEAVEN ( Revenge Series #1 )
Romance‼️🔞‼️ Eliessa Amber Serenella was a beautiful young woman. Long dark hair, fair skin, small-eyes, smart, sexy, big breast, and talented. She has everything. She was an ideal woman of every man. But the world was indeed cruel to her when everyone ar...