Chapter 47

5.2K 119 329
                                    


Note: Raw chapter. Errors ahead! Bukas pa sana since ee-edit pa. Habol lang sa weekend since mukhang marami ng nag-o-overthink d'yan.







Chapter 47




Nagising ako mula sa malalim na pagkakatulog. I found myself laying on a hospital bed. Napanaginipan ko na naman. Ilang segundo rin akong nakipagtitigan sa kisame. Blanko ako at hindi makapag-isip.


Nagbaba ako ng tingin sa bandang kaliwa ko nang maramdaman kong may kung anong mabigat sa aking ibabang braso. Nakita ko ang lalakeng nakaub-ob sa gilid ng aking higaan at hawak ang kamay ko. Halatang napuyat sa pagbabantay sa akin.


"Nandito siya. Hindi niya ako iniwan."


Maya-maya pa ay tumunghay na siya. Inaantok pa siya ngunit agad na nawala iyon nang mapagtanto niyang gising na ako. Kaagad siyang tumayo upang ma-check ako sa malapit na distansya. Hindi pa nga siya nakuntento at yumuko pa sa akin.


"Okay ka na? Wala na bang masakit sa 'yo?"


"Kye..." mahinang bigkas ko sa pangalan niya kasabay ng pagragasa ng alaala.



Hashiro Kye Villafuerte



"Anak ng gobernador." Nilukot ko ang hawak kong papel.


"Gawin mo lang iyong pinapagawa sa 'yo. Pagkatapos nun malaya ka ng gawin lahat ng gusto mo."


"Kessiah."


Napabalik ako sa reyalidad nang muli niyang tawagin. Yumuko siya sa akin at sinalat ng kaniyang palad ang noo ko. Napapigil hininga na lang ako sa lapit ng aming distansya. Kaagad kong naamoy ang pabango niya na agad na nagpaiba sa ritmo ng tibok ng puso ko.


"Bakit po?"


Sh*t.


"Ayan na naman siya sa 'po' niya."


Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako sa tuwing nanginginopo siya sa akin.


It was too soft. Hindi lang siguro ako sanay na... ganito kausapin. Napabaling ako sa gilid upang mag-iwas ng tingin nang mapansin na nakatitig siya sa akin.


"W-Wala naman. A-Ang bango mo lang."


I heard him chuckled sexily. "Now you know how to compliment me, huh? Ganiyan ba ang epekto ng nababagok ang ulo?"


Natahimik ako nang maalala ang nangyari sa isla.


"Buhay pa rin ako."


"Sabi nga 'di ba kapag masamang damo matagal mamatay."


Tinapunan ko ng masamang tingin si Kye na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama ko. Aawayin ko pa sana siya nang walang anu-ano niyang kinuha ang kamay ko. Pinagsaklob niya ang aming mga palad at hinamas iyon bago nag-angat ng tingin.


I looked at our intertwined fingers before I looked up at him. Nahuli ko ang mga mata niyang masuyong nakatitig sa akin.


"Huwag mo na po ulitin please," nagsusumamong pakiusap niya bago dinala ang likod ng kamay ko sa kaniyang labi. He used the back of my hand to caress his cheek. Kitang-kita ko ang lungkot at tppakot sa mga mata niya. "Hindi ko kakayanin kapag nawala ka."


Ruling the GameWhere stories live. Discover now