THE SCHOLAR
Second semester ng third year. Ganun parin, boring pa rin ang buhay. Kakatapos lang ng ikalawang subject namin para sa araw na 'to. Isa ako sa mga ordinaryong estudyante. Hindi matalino, hindi rin naman bobo. Sakto lang para mabuhay at grumaduate on time. May 1 hour break kami bago ang susunod na klase. Bakit ba kasi ganito ang college? Mas okay sakin ang sunod-sunod ang klase para na rin makauwi ako agad. Wala naman akong plano lumamon palagi tuwing break. Kasalukuyan kong binabasa ang librong hawak ko nang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Aelise. L for short. Niyugyog na naman ako.
"What?" I asked, right eyebrow raised. Ano na naman ang problema ng babaeng 'to?
"He's here, D."
"Who?" Napatingin ako sa paligid nang makitang nililibot niya rin ang paningin niya.
"Si Mark Feliciano!" she exclaimed, expecting me to know every student in the university
"Mark who?" Ano ba 'to? Sinasayang ang precious time ko! 'Yung book ko, di pa ako tapos!
"Teh bruha ka! 'Yung crush ko! Taga-IT, teh! Ayun oh, nagba-basketball," may tinuro siya gamit ang labi niya
Napa-irap naman ako, "Sino diyan, teh? Ang dami nila oh. Tsaka anong gagawin ko kung makilala ko siya?"
"Ano pa ba? Edi syempre, sasabihin mo dapat na... L, bagay kayo. Pogi siya, maganda ka... Pwedeng-pwede mo pa siya mapangasawa." Tumili pa siya
"Jersey 24 siya," pagpapatuloy niya, "Hay ang pogi talaga." Pantasya pa niya
"Ang harot mo, ano?" Natatawang sagot ko
Sinipat ko ang taong tinutukoy niya. The guy is wearing a white and red jersey partnered with black jersey shorts. Oh well, lahat naman sila. Maputi. Matangkad. Well, normal. Alin ang pogi diyan? Pero sige, para sa pantasya ng kaibigan ko. Wala ako sa mood pero sige, punan natin ang kahibangan niya.
"Bagay nga kayo, L." Pag-sang ayon ko nalang
"Di ba? Hihihi." Hinampas pa ako!
Nabalik ang tingin ko sa court nang may mapansin ako. Isa sa kanila ay nakasuot ng eyeglasses. Buti kaya niya maglaro habang naka-glasses? Kasabay ng pagtakbo niya ay siyang paggalaw ng buhok niya sa hangin. Hindi ko alam kung bakit pero parang kahit na basang-basa na siya sa pawis ay neat-looking pa rin. His black hair sways as he run and dribble. Isang 3-point shoot ang ginawa niya matapos ay tumakbo ulit. Mahaba ang buhok niya kumpara sa ibang students. He had his straight hair down which covers his eyes. Hindi ko alam kung nakakakita pa siya dahil lagpas na sa kilay niya ang bangs niya. His black-rimmed eyeglasses look so professional na parang sa ibang court siya bagay. Pwede siyang lawyer. Kapansin-pansin siya dahil siya ang madalas na nakaka-shoot.
"I think they are practicing for the sports fest," L shared
"Sports fest? Kailan ang sports fest?"
"Hello teh. Are you even listening when Ely announced it earlier?"
"Aahm.. no?"
"Nasaan ba ang utak mo? Lately, napapansin kong nawawala ka sa Earth? Are you okay?"
"I'm... fine. I guess?" Nagkibit-balikat nalang ako
"Sila tita na naman ba? What is the problem this time?"
"Nah. You know, the usual. I need to graduate on time. They are expecting a lot from me. Yada. Yada." Hindi lang 'yun pero ayoko na idagdag pa ang pinaka-problema ko sa lahat.
Being born privilege comes with price. In our family, you have to pay for the silver spoon. And in my case, marriage. Pinili na raw nila ang mapapangasawa ko. Nagkasagutan pa kami kanina bago ako pumasok. I don't care. I am not letting them control my life. Hindi habang buhay ay nasa poder nila ako. They threatened to cut ties with me. I can't live without their money since they spoiled me rotten, as per dad. Napairap nalang ako kasi, well, totoo naman.
BINABASA MO ANG
The broken promise
RomanceMasakit man ay tinitiis ni Dayanara ang bawat hagupit ng sinturon na dumadapo sa binti niya. Masakit man pero maliit na bagay lang ito kumpara sa sakit na naidulot niya sa isang tao. Sinasampal man siya ni Lance ay kaya niya itong tiisin para narin...