Chapter 22:

231 8 0
                                    

Goodmorning mga che! Nasa harap ako ng salamin at tinitingnan ang sarili ko. Simpleng plain white croptop fitted shirt, black cargo pants at white shoes lang ang suot ko. Nagsuot na rin ako ng specs, wala lang, maiba lang. Naglagay na rin ako ng sunscreen, liptint at powder. Papawisan lang naman kami sa school kaya pwede na yan che. I braided my hair too, bago ko isuot ang maliit na black leather belt bag ko. Isang ngiti pa sa salamin bago ako lumabas ng kwarto ko, ang ganda ko talaga, EME!

"Aba, lalaking lalaki ka na naman baby ah?" salubong sa akin ni kuya sa kitchen. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng black shirt, sa balikat niya naman ay nakasabit ang brown leather jacket, partnered with pants plus white shoes. Pogi talaga ng kakambal ko. 

"Pormang porma ka ah? May date na naman siguro kayo ni ate Jas," pang aasar ko. Nakatingin lang ako sa reaksyon niya. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya at mabilis na lumapit sa akin. "Hoy! saan mo nalaman 'yan ah?" bulong niya, tumingin pa siya sa paligid na parang ayaw iparinig kay mama. Pinanliitan ko naman siya ng mata at nginitian ng kakaiba, "Huh, i have my source twin brother," inilabas ko pa ang dila ko bago ako umupo sa hapag. 

Tumabi kaagad siya sa akin at nag kulitan pa kami. Maya maya, naupo na rin si mama at sabay sabay na kami kumain. Si papa, as usual, nasa kompanya na. "Whole day ba kayo ngayon?" Tanong ni mama habang naglalagay ng egg sa plato niya. "Not sure ma, madami po kami need iprepare sa school e," sagot ko. Tumango lang siya pero nagsalita si kuya kaya nilingon namin siya. "Mama, i'll be home late, may practice pa po kasi kami eh," sabi ni kuya pero umubo ako ng peke, natatawa. Sure ako mag de-date na naman sila ni ate Jas. 

"Eat baby," sabi ni kuya pero alam kong gusto niya lang manahimik ako kaya naman nagsimula na ako kumain habang pinipigilan ang sarili na asarin si kuya. Pikon pa naman 'to.

Natapos kami kumain ni kuya kaya naman nagpaalam na kami kay mama at sabay na sumakay sa sasakyan niya. Pag upo niya, huminga muna siya ng malalim bago ako lingunin. "Baby, do you want to meet ate Jas?" tanong niya kaya mabilis ko siyang nilingon ng may ngiti sa labi. Excited din akong tumango. "Oo naman kuya, siya lang ang unang babaeng makikilala ko eh," nakangiting sabi ko kaya naman ginulo niya ang buhok ko at nginitian din ako, "Sige, mamaya. I'll introduce you to her. She badly wants to meet you too," sabi ni kuya kaya naman tumango ako kaya nagsimula na siya mag drive. 

Buong byahe, si ate Jas ang topic namin. Nameet niya 'raw si ate Jas sa first day of school. Cheerleader daw siya ng school kaya madalas sila magkasama. Sobrang bait daw ni ate Jas at sobrang ganda. Well, hindi niya na kailangan sabihin dahil unang tingin ko pa lang sa kaniya, masasabi ko ng may lahi siya. Angelic face din siya, parang hindi makakabasag ng pinggan. Excited tuloy ako makilala siya mamaya.

Nakarating kami sa school ng puro chikahan lang, masyado kaming nalibang kaya naman nagulat kami na nasa school na kami. Pagka park namin, nakita ko na si Rain at Jan. Kumaway kami agad sa kanila kaya kumaway rin sila pabalik. Lumapit kami ni kuya at nakipag appear siya kay Jan. I kissed Rainah in her cheek, napa cute niya talaga, as in!

"Good morning Ali, ang astig ng porma mo ah?" sabi ni Rain kaya nag pose pa ako habang nakapasok sa bulsa ang dalawang kamay ko, umaastang lalaki kaya natawa siya. Cute rin ang porma ni Rain, may pagka boyish rin. She's wearing a plain black shirt, denim jorts plus white samba shoes, naka cap rin siya, pabaliktad pa kaya ang cute cute niya. "Ang cute mo pala kapag hindi naka uniform, Rainah," papuri ko pa kaya natawa siya. 

Nagpalaam na si kuya kaya naman binati ko na rin si Jan na nakasuot lang ng plain gray polo shirt plus pants, naka white shoes din siya. Ang good-boy looking naman nito. "Ayos porma natin ha? parang aakyat lang ng ligaw," pang aasar ko kaya naman napakamot pa siya sa batok. Napaka mahiyain talaga ng tropa ko na 'to. 

You'll also like

          

Nilibot ko ang paningin ko bago tiningnan si Rainah, "Where are the others pala?" tanong ko. Inayos naman ni Rain ang salamin niya bago ako sinagot, "Nasa loob na, may meeting  ang officers eh," maikling sagot niya kaya naman pumasok na rin kami. Sabay sabay kami naglalakad, nasa gitna namin ni Jan si Rain. 

"Alipot!" napalingon ako sa field 'nung may sumigay. Si JP. Nakatingin na rin si Jan at Rain, kasama niya si Kaisha. JP is wearing a simple blue shirt, pants at white shoes while Kai is wearing a pink crop top shirt plus above the knee maong skirt, naka flat sandals din siya kaya kitang kita ang mala porselana niyang balat. Ang gaganda ng mga kaibigan ko che! Nasan kaya ang bebeq? Hindi ko siya makita, hindi tuloy gumanda umaga ko.

Sinalubong kami nila Kaisha kaya naman hinalikan ko rin siya sa pisngi. "Wow, ganda naman ng Kaisha ko," umaarteng umiiyak na sabi ko kaya naman pinalo niya lang ako. "Ikaw talaga, Sofia. Hindi ka binibini ngayon ha? pero i must say, bagay sayo!" pang uuto ni Kai kaya naman natawa ako. 

"Where's Jakey pala?" tanong ni Rain kaya nilingon ko siya. Kinindatan niya pa ako kaya nag iwas ako ng tingin. Siraulo talaga 'to.

"He's still in the admin office, for now, let's go sa room muna, ipapasa ko pa ang assignment natin," sabi ni Kaisha kaya naman sabay sabay na kami naglakad paalis sa field. Mainit dito che pero dito talaga kami nag chismisan. 

Papasok na sana kami sa building 'nung biglang sumigaw si JP. "Pre!" nilingon naman namin ang sinigawan niya. It's Jarren. I looked at him from head to toe before looking at my outfit. Huh? gaya gaya 'to ha? Pero hindi ko na pinansin. 

Tuluyan na siyang nakalapit kaya nag iwas ako ng tingin. "Yow, sup!" maikling bati ni Jarren sa amin. "Hala!" nagulat ako sa sinabi ni JP kaya napalingon ako sa kaniya. Nanlalaki ang mata niya habang tinuturo kami ni Jarren, tinaasan ko naman siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin. "Usapan civilian, bakit naka uniform kayong dalawa?" turo niya sa amin ni Jarren kaya naman nilingon din kami ng mga kaibigan namin. Unti unti lumaki ang mga ngiti nila.

"Oo nga 'no? i just noticed, matchy outfit pala kayo?" nakangising sabi ni Kai kaya nagkatinginan kami ni Jarren. He looked at me from head to toe bago yumuko para tingnan ang suot niya. He is wearing a plain white shirt, black baggy pants plus white socks and crocs, may shades din siya na nasa ulo niya. Jusmiyo marimar, i love this side of Jarren na huhu.

"Nag usap kayo 'no? Umamin na kayo, wala naman masama," bira ni Rain kaya sabay kami napatingin ni Jarren sa kaniya. "Hindi ah," sabay na sabi namin ni Jarren kaya sabay na natawa ang mga kaibigan namin. "Oo na lang," napipilitan kunwaring sabi ni Jan kaya napairap ako. Mga siraulo!

"Tara na nga! dami niyong ebas," sabi ko at nanguna ng malakad. Hindi ko rin kasi maitago ang ngiti ko, nyemas!

"Wait!" rinig ko pa ang tawag ni Kaisha pero hindi ko na siya pinansin. Binilisan nila ni Rain ang lakad at pinaggitnaan ako. Mang iinis na naman 'tong mga 'to.

"Sure ka di kayo nag usap? I heard from JP na sinundo ka ni Jarren kagabi ah?" pangungulit ni Kaisha. Ang daldal talaga ni JP. Paalala niyo sakin mamaya, isang sapak lang, isa lang talaga! Nilingon ko si Kaisha at tinaasan ng kilay. "Hindi nga kami nag usap! 'wag ka ngang makulit!" pikon na sabi ko. Hiyang hiya kasi ako che. "Hay nako, oo na lang talaga. Pero ang cute niyo talaga ni Jakey, ang sarap niyong pagtabihin," malaki ang ngiti ni Rain pero naiinis ako. Baka kung ano isipin ni Jarren jusko!

Nakasunod lang sa amin ang tatlong ugok. Pasimple ko silang tiningnan at kita ko pa kung paano binatukan ni Jarren si JP na tinawanan lang niya. Si Jan tawa rin ng tawa. Mga abnormal!

Nakarating kami sa room at naupo na sa silyang nagkalat. Nagsisimula na mag ayos ang ibang kaklase namin. Nilapitan ako ni Jarren at tumabi sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nilingon ko naman siya bago siya nagsalita. "Can i see our paper?" tanong niya kaya tumango ako at inabot sa kaniya ang white folder. He scanned the paper while licking his lips. Binalik niya naman sa akin 'yon, "Sorry i wasn't able to help you yesterday, hindi ko alam na sa school mo tatapusin eh," sabi niya kaya naman natawa ako. "Ano ka ba? tinype at print ko lang naman yan, super basic," mayabang na sabi ko kaya naman natawa siya at tiningnan ulit ang kaubuuan ko. "By the way, i like your outfit, Fyang," nakangiting sabi niya kaya naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. "Huuu! duga mo, gaya gaya ka!" natatawa kong sabi at pinalo pa siya sa braso. Natawa naman siya, "I'm not, hindi ko naman alam na ganyan pala ang choices mo ng damit," napailing na lang ako dahil wala na akong masabi. Pogi ba naman ng kaharap ko eh, malulunok ko talaga dila ko, EME!

Enchanted Meeting YouWhere stories live. Discover now