"Kuya? Okay ka lang ba?"
"Kuya talaga?" nahuli na namam ako nitong nakatulala. Ilang taon na ba yung nakakalipas? Di ko na mabilang. Sa totoo lang. Nakalimutan ko na lahat lahat pero yung mukha nito at yung unang gabing nagkatabi kami nito ay yun yung masasabi kong palaging napapanaginipan ko.
Hindi ko makalimutan ang mukha ni Daniel.
That time na tinawagan ko si Norman ay talagang desidido na akong umalis at sabihin na rin nating tumakas mula sa kanya. Masaya naman na akong muli kaming nagkaayos ng kapatid ko at heto na din siya ngayon. Kinasal na si Norman sa college sweetheart niya. Isa na din itong I.T. Specialist sa isang malaking kumpanya. Ang twist eh magkatrabaho kami ng kapatid ko dahil sa isa na ako ngayong assistant secretary pero sa ibang department ako nakadestino. Luckily i found a company na alam kong tanggap ang isang tulad kong transwoman.
I also graduated with my masters degree in business administration and malay natin, i persue ko na din ang PhD pero mukhang di pa ako sa ngayon papayagan ng company na pinapasukan ko. Parehas kaming naging maswerte ng kapatid ko and thank God dahil after nang kung anong mayroon kami ni Daniel ay tila nagsunod sunod na yung swerte saakin. Yet still wondering kung ano na nangyayari sa buhay niya. Dalangin ko na lang din na okay din siya.
Ang mahirap nga lang ay yung walang araw na hindi ko ito napapanaginipan. Bakit? Bakit Daniel? Ano nang nangyari sayo?
"Wag ka nang magreklamo. Ikaw at ikaw parin naman yung kapatid kong mahal na mahal ko."
"Utot mo. May asawa at isang anak kana nga eh at matik na hindi na ako yung number 1 mo." hinalikan lang ako nito sa pisngi at hinawakan yung dalawang kamay ko.
"Sabi ko nga, ikaw ikaw lang yung kapatid kong mamahalin ko. Lugi ka pa ba doon?" ngumiti na lamang ako rito at sinandal ko yung ulo ko sa balikat nito. Wala ding anumang biglaan na lang ako naiyak. Pagod lang to. Pagod lang to.
"Siya parin ba?"
"H-huh? Sino? Loko. Pagod lang to siguro lalo pat sunod sunod yung event sa company natin."
"Asus. Kilala kita. Andami nang nanligaw sayo lalo na department ko na halos kulang na lang eh malaman nila yung exact address mo."
"Loko. Sinabi mo na din sanang transwoman ako."
"Yup at talagang okay na okay sa kanila kung sino o ano ka man daw."
"No parin"
"No kasi yung lalaking probinsiyano parin ang naiisip at nasa puso mo. Tsaka ikwento mo na nga saakin kung bakit tila tumawag ka that time saakin na parang may ginawang masama sayo yung gagong iyon?" to be honest ay never ever kong sinabi kanino man maski kay Norman yung nangyari saamin ni Daniel. Ayokong kamuhian ng kapatid ko si Daniel at kailanman ay proprotektahan ko ang taong alam kong kailanman ay di ko na makikita. Siguro.
"Nagbabalak kaming magbakasyon na mag iina. Gusto kong sumama ka at dalhin kami sa Ballesteros. Sa kwento mo palang saakin eh parang gusto ko ding masilayan ang ganda ng bayan na iyon." pagkasabi nito ay hindi na ako muling nagsalita. Sinabi ko na lang din dito na pag iisipan ko.
Hindi ko pa kaya sigurong bumalik doon at higit sa lahat ay ayokong muling magtagpo yung landas naming dalawa ni Daniel. Siguro.
"Ano? Ihatid na kita sa bahay?"
"Wag na ano ka ba. Hinahanap ka na nung mag ina mo. Sige na kaya ko naman nang umuwi mag isa." nagulat na lang din ako rito na binigyan ako ng sobreng may laman na pera.
"Bahala ka kung saan mo iyan gagastusin. Basta, unahin mong maging masaya ulet. Mahal kita kuya. Mahal na mahal kita." Niyakap ko na lang din ito at ilang saglit pa ay umalis na din. Nag iisa na lang din ako sa bahay na tinutuluyan namin dati ni Norman at siyempre, sanay naman na ako lalo pat ayaw ko din namang dumikit ng dumikit sa kapatid ko lalo pat buntis na namam yung asawa nito.
Sa bahay na ako nung naisipan kong buhayin yung touchscreen kong phone. Yup, matagal tagal ding keypad yung phone ko kaya ako lang ata yung secretary na need itext at need na may load everyday. As i said, thankful ako sa company na tumanggap saakin. Pagkabuhay ng phone ko ay luckily nasa 88% pa naman yung battery nito kaya agad kong chineck mga emails, texts at siyempre messenger ko.
Andoon yung hope na baka hinanap din ako ni Daniel. Na gusto niya akong makita at higit sa lahat ay yung muli nitong sabihin saakin na kailangan niya ako, na mahal na mahal niya ako pero bigo akong makuha at maranasan ang nasa isip ko. Unsents at ilang messages lamang ng ex ko yung ilang nangibabaw na wala akong ganang tignan o basahin.
"Kamusta kana Daniel? Miss na miss na kita." halos pabulong kong sambit at siyempre ay di ko na namang maiwasang maiyak sa nararamdaman ko.
Valid pa ba itong nararamdaman ko na ito para sa kanya? Ano bang dapat kong gawin dahil litong lito na ako sa nararamdaman ko. Gusto ko nang kasagutan sa bawat tanong na mayroon ako sa isipan ko.
2 months later...
Hindi na ako nagpaalam kay Norman kung saan man ako pupunta at kung bakit ako nagfile ng 7 days sick leave pero bahala na dahil sa kailangan ko nang kasagutan at makita muli si Daniel. Sana nga lang. Sana nga lang talaga.
Hinihintay niya ako. Hinihintay niya akong bumalik makalipas ang hindi na mabilang na taon.
Saktong 7am ay nasa terminal na ko ng BBL at siyempre walang nagbago na marami parin ang nag aagawan ng pasahero kaya agad na akong sumakay papunta muna sa centro upang bumili ng longganisa sa Ballesteros at siyempre ng royal bibingka na din. Kumain na din ako sa paksolan na talagang nakadalawang jumbo ako. Hindi rin masyadong maaraw na saktong sakto dahil mahangin lamang kaya nilakad ko na lang din yung papuntang dagat.
"Nakakamiss ka. Nakakamiss ka Ballesteros!" Di ko nang maiwasang maluha sa saya dahil sa lamig na hatid ng dagat ng bayang ito. May iilan ding naliligo sa dagat, mayroon ding mga nagvovollyball at ilan naman ay forda picnic.
Isa o dalawang oras sigurong nagstay parin ako upang panoorin at videohan na din yung alon ng dagat. 2pm ay desido na akong pumunta sa totoong pakay ko talaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko lalo na nung binanggit ko yung Cabaritan East at sa may Silvestre Dental Clinic pero napalitan na din daw ito ng Mama Gina's Grocery House.
Malapit na at natatanaw ko na yung bahay nila Daniel kaya agad na akong pumara sa may eskwelahan para hindi masyadong halatang may bagong dating. Nakaramdam ako ng hiya at what if saaking utak. Itutuloy ko pa ba?
Naglakad na ako papuntang bahay nila.
"Eli?" at doon ko nakita si Daniel. Walang nagbago rito. Siya at siya parin yung lalaking minahal ko pero
"Papa, papa! Sinu deta?" binuhat ni Daniel yung batang lalaki na hawig na hawig niya at halos di ako makapagsalita ng may lumabas na babae sa groceryhan na agad lumapit at yumakap kay Daniel.
"Eli, Alexis. Anak ko at asawa ko si Melody."
"H-Hello. Nice to meet you po."
"Pasok kana muna sa bahay. Mukhang galing ka sa maynila." Paanyaya saakin ng asawa ni Daniel na agad naman akong sumunod.