Chapter Twenty-Five

183K 3K 522
                                    

Chapter Twenty-Five

Mabilis ang andar ng kotse ni TOP. Kinakabahan ako pero masaya. Tatakas kaming dalawa. Itatakas nya ako mula sa mga nakabantay sa akin. Huminga ako nang malalim at tumingin sa labas ng bintana. Malayo na kami sa St Celestine High, sa subdivision namin, sa city. Habang palayo kami nang palayo, mas nakakahinga ako nang maluwag. I caught my self grinning. Nakita ko kung gaano kalapad ang ngiti ko sa repleksyon ko sa bintana. I am free at kasama ko ang boyfriend ko.

Tumigil ang kotse ni TOP sa tapat ng isang beach house. Kulay puti ito at yari sa kahoy ang pader. Dalawa ang palapag nito at mukhang malawak ang loob.

"Kanino 'to?" tanong ko nang buksan ni TOP ang pinto ng kotse. Lumabas ako.

"I can't tell you," he kissed my cheek.

"Why?"

"It's a secret."

"Why?"

"Wifey.."

"Hubby.." I giggled.

He smiled. "I love you."

Nahapit ko ang hininga ko. "Really?" nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo nya.

"Really," at inilagay nya ang mga kamay nya sa waist ko at hinigit ako palapit sa kanya.

He leaned in for a kiss pero tumigil sya nang biglang umulan. Kaagad kaming naghiwalay. Hinigit nya ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa bahay. Bigla nalang syang tumigil kaya napatigil din ako sa pagtakbo. Inunahan nya akong magsalita kung bakit sya tumigil.

"What the hell. We're already soaked," and then he pulled me in his arms and kissed me passionately.

And that's our first kiss under the rain.

***

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay TOP habang pinapunod ang likod nya.

"Cooking."

Gusto ko syang yakapin mula sa likod. "Hmm..." itinaas ko ang dalawang paa ko sa upuan at niyakap ang mga binti ko.

Hindi parin tumitigil ang ulan. Mukhang may bagyo pa yata. Pinahiram muna ako ni TOP ng damit. Hindi nya damit. Damit ng isang babae. Kanino kayang damit ito? Parang kinakabahan ako. Baka naman may iba pang babae na dinala dito si TOP at damit ito ng babaeng yon?

HINDI! (>___<) Hindi pwede 'yon! Pero lalaki si TOP, meron syang urges katulad nang ibang lalaki. Katulad ni Red.

Iniisip ko palang na may ibang dinala dito si TOP, sumisikip ang dibdib ko at gusto ko syang batuhin ng... kutsara. Yung higanteng kahoy na kutsara na nakasabit sa wall bilang display. Kung hampasin ko kaya sya nun? Hwag nalang baka mabali pa yung kutsara dahil sa kanya. Gusto kong malaman kung kanino ang damit na ito.

"TOP."

"Yes?"

"May ibang babae na bang nakapunta dito maliban sa akin?" Naghanda ako sa sagot.

"Yeah, once or twice."

Aray. Nasaktan ako sa narinig ko. May mga nakapunta na rito na babae. Sila lang ba na dalawa? Ano'ng ginawa nila?

"Gaano na katagal na may ibang babae na pumunta dito?"

"Summer, before I met you."

Before I met you...

Before I met you...

Before I met you...

May meaning ba yun? Oo! Ibig sabihin tumigil na sya sa pakikipagkita sa babaeng 'yon ngayon! Pero kung ganon nga, bakit may damit pa dito yung babaeng yon?! Hindi kaya nagkikita sila dito every summer vacation? Isang long distant relationship o affair? Ito ba ang hiding place nila? Dito ba sila nagkikita nang patago? Silang dalawa lang?! Magkasama?! I wonder kung ano ang ginagawa nila? Ipinagluto din kaya sya ni TOP katulad ng ginagawa nya ngayon?! Hinalikan din kaya sya ni TOP sa ilalim ng ulan?! Sinabi rin ba ni TOP sa babaeng 'yon ang mga sinabi nya sa akin? Mahal ba nya? Fling ba o serious relationship? Tapos na ba sila? O panakip butas lang ako ni TOP hanggang sa mag-summer na ulit? Magkikita ba ulit sila dito? May communication parin ba sila nung babaeng yon?

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon